Chapter Twenty

177 4 0
                                    

Jezka's POV

Paggising ko sa umaga ay bumungad sa akin ang puting kisame. Teka, anong oras na? Dali dali akong bumangon at tinignan ang alarm clock. Damn, pasado alas otso na ng umaga! Napatingin ako sa kabuuan ng lugar at laking gulat ko ng mapansing nasa ibang kwarto ako. Oh no.

Baka gutom na si Kyle! Aish, self selfish ka nga. Bakit ka natulog sa ibang kwarto e may kwarto ka naman? Tapos may kasama ka pang bata! At iyong bata na iyon ay kapatid mo Jex!

Dali dali akong lumabas ng kwarto at nadatnan ko ang kwarto naming bukas. Pagsilip ko roon ay walang Kyle na bumungad sa akin. Teka, nasaan na siya?!

Nilock ko ang pintuan namin at tinungo ang daan palabas. Damn, pag may nangyaring masama sa kanya ay di ko mapapatawad ang aking sarili. Jex, family first before others kasi okay? Aissssh!

Una kong pinuntahan ang swimming pool kung saan siya naligo kahapon pero ni anino niya ay di ko makita. May mga napapagkamalan pa akong ibang bata na siya. Sunod kong pinuntahan ang restaurant kung saan kami kumain. Baka kasi nagutom na siya kaya nauna na siyang pumunta rito. Pero mas bumilis lang ang kaba sa aking dibdib ng makitang wala siya roon. Damn, saan kaya iyon nagsusuot? Or baka kinuha siya ng-

Napapikit ako sa aking naisip. Di yun pwede. Di ko yun kaya. No. No. Siguro mas mabuting magpatulong na lang ako sa mga stuffs dito. Mas madaming maghahanap, mas maraming chance na makita namin siya. Sana walang nangyari sa kanya. Hays.

Nakakailang hakbang palang ako ay bigla na lang may umalingawngaw na tawanan sa aking likuran. I know that laugh. I know that voice either.

Dahan dahan akong lumingon at bumungad sa akin si Kyle na tumatawa. Tumakbo ako palapit sa kanila at niyakap ang aking kapatid. Damn, buti na lang walang nangyaring masama sa kanya.

"Ate di ako makahinga." Rinig kong reklamo ni Kyle kaya bumitaw na ako pagkakayakap.

"Saan ka ba nagpunta ha?" Nag aalala kong tanong.

"Ate, ikaw nga dapat tanungin ko niyan e. Saan ka ba nagpunta? Paggising ko kaninang umaga, wala ka." Seryoso naman nitong sambit. Eh?

Napalunok ako dahil wala akong masabi. Ano sasabihin ko? Sasabihin kong pumasok ako sa kwarto ng may kwarto? Tapos di na namalayang nakatulog roon? Psh.

"Pumasok-" Mabilis akong lumapit rito at tinakpan ang kanyang bibig.

"Nag CR lang ako Kyle." Nakangiti kong sagot at sinamaan ng tingin ang aking katabi.

"Higit dalawang oras ate?"

Pilit akong ngumiti sa kanyang tanong. Nag pout lang ito at tumingin na sa malayo.
**

"Palabas na ako ng room ng madatnan ko siya sa labas ng room niyo. Maybe, passed 6 o'clock iyon. Tumingin siya sa akin ng nakaka awa kaya nilapitan ko na." Sagot nito ng tanungin ko siya kung bakit sila magkasama. Nandito kami ngayon sa isang restaurant at sabay na kumakain. Di pa pala sila kumakain dahil hinihintay daw nila ako.

"Di ko alam na lalaki pala kapatid mo." Pagpapatuloy nito.

"Never niya akong kwinento kuya?" Tanong naman ni Kyle.

"Never."

"Tsk. Di niya ako mahal." Malungkot na sambit ni Kyle. Teka, di naman kasi sila nagtatanong kaya bakit ako magkwe-kwento di ba?

"Kyle, I love you-" Natigil ako sa aking sinasabi dahil sa biglaang pagsasalita muli ni Kyle.

"Ate sabi ni kuya, mag a-asawa ka na raw. Iiwan mo na ako?" Muntik ko ng mailabas ang aking kinakain dahil sa nakakagulat nitong balita at tanong. Kasal? Teka bakit di ako aware?

"Teka, anong ikakasal-" Bago ko ulit matuloy ang aking itatanong ay may sumabat ng muli.

"Di bale ate, kahit di mo sinabing may jowa ka at ikakasal na kayo? Ayos lang sa akin. Boto naman ako kay kuya!" Masayang sambit ni Kyle at nakipag fist bomb pa ito. Okay, kakakilala lang nila pero parang matagal ng magkaibigan a.

Kanina, nag e-emot kasi di ko raw sinabing kami tapos ngayon natutuwa na? Bilis mag iba ng mood ng kapatid ko.

"Tsaka ako na magpapaliwanag kina mama at papa sa puntod nila kung bakit napaaga ang kasal mo ate." Natatawang pagpapatuloy ng aking kapatid. Teka, ano kaya pinakain ng lalaking ito sa kapatid ko?

Uminom ako ng tubig dahil baka mabulunan ako. Pero laking pagsisisi ko ng mailabas ang tubig na aking iniinom sa sunod na sinabi ni Kyle.

"Ate, pag magkakaanak kayo e dapat dalawa lang."

Damn, I need air. Napatingin ako sa katabi ng aking kapatid at bigla itong tumawa sa naging reaksyon ko. This guy, kung ano-ano ang sinasabi sa kapatid ko!

Ang lungkot lang niya kagabi pero nawala na iyon ngayon. Here we go again with his so corny jokes.

Tutoring Mr. FUTURE CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon