Jezka's POV
"Congrats Jex! You're on the second spot!" Bati sa akin ni Alyx. Nandito kami ngayon sa cafeteria at nag se-celebrate. Ako bilang top two, si Alyx bilang top one at si Aly bilang top four. Si Edrian na number ten na. I think, tatalunin kami ni Edrian pag nagseryoso siya. Kasi noong elementary kami, siya ang isa sa kalaban ko sa pagiging top one at muntik na akong tinalo.
"Congrats Brix. Nag improve tayo a? From number ten to number seven." Rinig kong bati ni Thea. Mukhang nandito lang din sila sa cafeteria malapit sa amin. Ayokong hanapin kung saan silang parte, I'm starting to accept that there are things you need to give up.
"By the way, anong course kukunin niyo sa college?" Pagsisimula ko ng topic. As much as possible, ayokong pakinggan kung ano man ang pag uusapan ng dalawa.
"Gusto ko mag civil." Out of nowhere na sagot ni Edrian.
"What? Tapos nag ABM ka?" Natatawang tanong naman ni Alyx.
"Joke lang. Hahaha! Undecided pa talaga ako." Pambabawi nito.
"Tatawa na rin ba kami sa joke mo?" Sumbat naman ni Aly.
"Support me." Tugon naman ni Edrian. Dahil nga malakas trip ng tatlo ay sabay sabay silang nag fake laugh. Ah yeah, they are my friends. They are crazy to be with.
**"Congratulations sa lahat ng tumaas ang rank. Sa mga nakapasa sa exams at sa mga bumaba, strive harder." Sambit ni Mrs. Salazar. Ngayon na lang ulit siya pumasok sa room.
"Sa mga nakasimula na ng feasib nila, come and ipa check niyo sa akin." Pagpapatuloy nito at naupo na sa table niya. Tumayo ang ilang mga ka klase namin at lumapit sa kanya.
"Jezka, please check this first bago natin ipa check." Sambit ni Thea at lumapit sa akin. Kinuha ko naman ang papel na hawak nito at nagsimulang basahin ang lahat ng aming nagawa.
"Ready na ba yung questionnaires naten?"
"Pinapa print na lang. Ang problema ay iyong free taste. Wala pa tayong napag uusapan tungkol doon."
"Ah. Okay. Sa susunod na iyon. Ang mahalaga ay ito muna." Mahinahon kong tugon at lumapit na kay Mrs. Salazar. Agad naman na sumunod sa akin si Thea.
Teka, bakit parang wala akong naramdaman na kakaiba? Hinanap ng aking mata ang gusto nitong makita pero wala. Lumiban siya ng klase? Nasa cafeteria lang siya kanina kasama si Thea e.
Nako erase! Erase! Stop thinking about him Jezka.
"Maganda itong ginawa niyo. I suggest i-identify niyo na rin iyong mga gagamitin ninyo para pag nagtinda na kayo ay ready na." Suhestyon ni Mrs. Salazar at binalik na sa amin ang papers.
**
"That's all for today. Dismiss." Tugon ni Mrs. Salazar at naglakad na palabas ng room. Lumabas na rin ang iba habang ako ay nag aayos parin ng gamit.
"Je, mauuna na muna ako. May sasamahan lang ako." Napatingin ako kay Edrian ng lumapit ito sa akin.
"Nako, pakilala mo naman sa akin iyan."
"Yeah. Some time."
"Wah! Seryoso talagang may ide-date ka?" Manghang tanong ko.
"Hahaha! Kidding. Sasamahan ko lang iyong lola ko. Mauuna na ako." Natatawa nitong sagot at naglakad na palabas. Kukurutin ko pa sana ito kaso nakalayo na. Damn, trip niya talagang pag tripan ako.
"Tara na?" Tanong ni Alyx kaya nginitian ko na lang ito at sabay na kaming naglakad palabas ng room. Woa! The air is so magaan!
**
"Sure kang, kaya mo ng mag isa?"
"Yeah. Madami namang ilaw sa paligid." Sambit ko kay Alyx. Nandito kami ngayon sa cafeteria at katatapos lang kumain.
"Paki sabi kay Aly na nauna na ako. Inaantok na kasi talaga ako." Paalam ko kay Alyx dahil sa totoo lang, gusto kong bumawi sa pagkapuyat sa pagre-review sa exam namin.
"Sige. Ingat." Rinig kong sambit ni Alyx.
Lumabas ako ng cafeteria at agad na bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Medyo madilim na rin sa labas pero may mga estudyante paring nagkalat.
Nang mapadaan ako sa music room ay may nakita rin akong nagpra-practice roon. Mukhang may contest silang sasalihan.
Maya't maya ay dinala ako ng aking paa sa park ng elementary. Inaantok ako pero parang may part sa akin na gustong mag stay muna sa park.
Naupo ako sa isang swing at nagsimulang pagmasdan ang buwan kasama ng mga bitwin sa langit. I am really inlove with those.
Sa hindi inaasahan, bigla kong naalala ang araw na nakasama ko si Mr. Ford. Yung panahong ako pa ang tutor niya. Yung panahong wala pa akong nararamdaman sa kanya. Yung panahong natural ang samahan namin.
Paano kaya kung di ako pumayag noon, na palitan ako bilang tutor? May pag asa kayang ganun parin ang samahan namin ni Mr. Ford hanggang ngayon?
Hays. Never naman nag asked ng permission si Brix. Ayos lang naman sa kanyang palitan ako at magkaroon siya ng bagong tutor.
Teka, wait.
Ang bilis naman ata nilang maging close? Ilang weeks palang naman silang magkakilala e. Tsk
Aish! Stop thinking Jezka.
BINABASA MO ANG
Tutoring Mr. FUTURE CEO
Ficção AdolescenteIsang desisyon na hindi napag isipan. Isang pangyayari na hindi inaasahan. Nagpadala sa agos ng tubig, Di namalayang siya ay nahulog. PS: There are some typo's and grammatically error below.