Chapter Twenty-three

166 3 0
                                    

Jezka's POV

"Hey!" Nabalik ako sa aking sarili ng marinig ang boses ni Alyx.

"Ah may sinasabi ka?" Agad kong tanong.

"Aissh. Nagseselos ka sa kanila noh?" Tanong nito at inayos na ang libro sa kanyang harapan.

"Ha? Di a."

"Sus. Kanina mo pa sila tinititigan na magkasama e."

"Di nga." Sambit ko at kinuha ang kanyang libro.

"Maaaring maloko mo ang iba, pero not with me. I know you."

Napa angat ako ng tingin sa kanya at napabuntong hininga na lang.

"Di ko alam. Di ako sure." Sambit ko at tinignan ng muli si Mr. Ford kasama si Thea. This is the first time na makita ko siyang tumatawa na may kasamang iba. Nakakaramdam ako ng kaunting hapdi pero di ako sigurado kung ano ba yon? Pagmamahal ba? O nasanay lang talaga akong kasama siya?

"Hays. In denial ka pa e. Based on how you stare at him, now? Masasabi kong you like him. Maybe di pa gano'n kalala but believe me, meron ka ng nararamdaman para sa kanya."

I let out a deep sigh. Pinatong ko ang aking ulo sa lamesa habang tinitignan parin silang dalawa na magkasama.

"That's getting worst." Rinig kong sambit ng lalake at tinapat sa akin ang isang soft drinks. Nag angat ako ng tingin at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Edrian.

"Oh? Magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ni Alyx.

"Yeah." Sagot ko at umayos na ng upo. I'm confused. Posible kayang, pagmamahal na ito at hindi na paghanga lang?

"I'm Jezka's childhood bestfriend." Paliwanag ni Edrian kahit di naman siya tinatanong.

"Eh?" Simpleng tanong ni Alyx.

"Oops. Kung iniisip mong may gusto ako sa kanya, don't worry we're really friends. Friends at hanggang doon lang iyon." Paliwanag niyang muli kahit di tinatanong.

Edrian is my childhood bestfriend. Malinaw sa amin na di kami pwede sa isa't isa dahil parang kapatid na ang turingan namin.

Nagpatuloy ang kwentuhan naming tatlo hanggang matapos ang break time namin. Pumasok kami sa aming klase at laking pasasalamat ko dahil mabilis lang itong natapos. Damn, wala ako sa mood mag aral. Ginugulo ako ng sinabi ni Alyx. So this is the virus of love? Aish I hate it. Bumabawi pa naman ako sa grades ko, please not now heart.

"Hey, sama ka?" Napatigil ako sa aking paglalakad ng harangan ako ni Mr. Ford. Umiling lang ako at nilagpasan siya.

"My treat." Habol nito. Oh common, Mr. Ford be sensitive. Kita mong wala sa mood yung tao e.

"Kayo na lang." Simpleng sagot ko. Alam kong kasama na naman niya yung Thea na yun, yung new tutor niya. Tsk. Nakakapagtaka ngang mas maganda pa yung samahan nila ngayon kesa nung ako dati. Nakakaasar.

"Sige na Jex. Sama ka sa amin." Napalingon naman ako sa aking right side ng magsalita roon si Thea. Oh? Nandyan pala siya? Oh kita mo, kasama siya. Tsk.

"Wag na. Kayo na lang. Maybe next time. Mauuna na ako." Nakangiti kong sambit at nilagpasan na sila.

Okay. Bakit parang ang hirap humakbang? Bakit lagi ng bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nandiyan siya?

Ayokong mahulog dahil baka walang sumalo. Is this my karma? Oh common.

Wag naman sana. Kasi if karma ko 'to, ayoko.

Nahihirapan na ako.

Tutoring Mr. FUTURE CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon