Jezka's POV
"Let's congratulate Mr. Jan Brix Ford, for winning the Division's Debate last week! Let's give him around of applause!" Rinig kong anunsyo ni Mrs. Salazar sa stage. Katatapos lang ng flag ceremony at di pa pinapaalis ang mga estudyante dahil sa announcement.
"By the way, I hate attentions Jex. But for you, I'm doing it." Bulong nito sa akin at naglakad na palapit kay Mrs. Salazar at iniabot ang isang certificate with the trophy.
Makalipas ang ilang minuto ay bumaba rin agad to at nagtungo sa direksyon ko.
"Ang gwapo pala ni Brix. Mayaman at matalino pa." Rinig kong bulong ng isang grade eleven na malapit sa akin. Nag fake cough si Mr. Ford na sakto lang para marinig ko. Siniko ko ito dahil nagyayabang na naman.
"By the way, we are giving you this day to practice your piece for foundation. Please prepare okay? You may now go." Pagpapatuloy ni Mrs. Salazar at bumaba na ng stage. Nagsi-alisan na din ang ibang mga estudyante pero may mga iba pa namang natira.
"Brix, congrats!" Bati ni Faye ng mapadaan ito sa amin.
"Thanks." Nakangiting saad naman ni Mr. Ford. Ayaw pala ng atensyon ha? Bahala ka diyan.
Iniwan ko siya roon at dahan dahang umalis sa kanyang tabi. Ang gulo kasi ng mga sinasabi niya e. Mahal na daw niya sarili niya at dahil yun sakin. Pero di niya naman sinabing mahal niya ako. Di ba? Siguro gusto niya lang ako pero di ako mahal. May ganun di ba? Aisssh! Whatever Jan Brix Ford!
"Jex!" Napalingon ako sa aking likuran ng may tumawag sa akin. Noong una, si Aly lang. Sumunod naman si Mr. Ford. And now, pati si Dexter nakiki Jex narin pala?
"What?"
"Ano sasalihan mo sa foundation?"
"None of your business."
"May favor sana ako."
"What?"
"Be my partner in pageant, please?"
Napairap ako ng sambitin niya ang favor na hinihingi niya. Seryoso ba siya?
"Sira."
"Seryoso ako."
"So nakipag break ka ng dahil na naman sa kanya?" Napalingon kaming dalawa ni Dexter ng marinig ang boses ni Alyx sa hindi kalayuan.
"Tell me, Jex! Ano? Binola mo na naman siya?! Jezka, siya na lang meron ako!" Naiiyak na sigaw ni Alyx.
"Alyx, stop it. We're done. Wag mong idamay si Jezka dito dahil wala siyang kinalaman sa pakikipaghiwalay ko sayo." Paliwanag naman ni Dexter. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng napapadaan. Nagmumukha tuloy kaming nagpra-practice ng isang drama.
"No! Damn, I gave you everything Dex! Ano ba ang kulang ha?! And you, di ko siya inagaw. You need to know, I am not the one who started this. Ikaw mismo Jex! From the first place, nauna ko na siyang nagustuhan pero ikaw ang gusto niya. Hinayaan ko kasi kaibigan kita e. Tapos malalaman ko sayo mismo na, wala kang balak sagutin si Dexter. May feelings ka para sa kanya pero di gaya ng feelings na nararamdaman ko para sa kanya. You're selfish Jex! Di mo naiisip kung anong nararamdaman ng mga taong nakapaligid sayo. Now, I gave up being your friend at sinubukan ko ng ipaglaban ang gusto ko. " Mahaba nitong paliwanag. Basang basa na ang kanyang mukha ng luha.
Maliban sa akin at kay Alyx, akala ng lahat naging kami ni Dexter pero ang totoo never naging kami. M.U siguro. Nahulog ako sa kanya pero di lang ako ready'ng maki pag commit noong panahon na yun. Akala ko kasi kaya niyang maghintay kasi sinabi naman niyang mahal niya ako kaso hindi.
"Ang masakit roon, ay yun yung sinira ko ang pagkakaibigan natin para lang ipaglaban siya pero di ko inaasahang, sayo parin ang bagsak niya hanggang sa huli." Umiiyak nitong tugon.
Gusto ni Alyx si Dexter, una palang? Bakit di ko iyon napansin? Anong klase akong kaibigan? Tama nga siya, sarili ko lang ang aking iniisip.
I left them there at naglakad na paalis. I tried to hold back my tears but I can't. Patawad Alyx kung hinusgahan kita. Kasalanan ko.
Tutulo na ang aking luha ng biglang may humila sa akin at niyakap ako.
"Just cry."
Hearing his words makes me calm. Umiyak ako ng umiyak sa kanyang bisig at di iniisip ang mga makakakita sa amin. I feel comfortable with his arms.
Thank you again, Mr. Ford.
BINABASA MO ANG
Tutoring Mr. FUTURE CEO
Fiksi RemajaIsang desisyon na hindi napag isipan. Isang pangyayari na hindi inaasahan. Nagpadala sa agos ng tubig, Di namalayang siya ay nahulog. PS: There are some typo's and grammatically error below.