Jezka's POV
Ayokong paniwalaan noong una. Kasi napaka imposible di ba? Wala kami sa pelikula na mabubuhay iyong babaeng una niyang minahal na inaakala nilang patay na.
All this time, iyong pinagseselosan kong babae ay ang una niyang minahal bago ako. Kaya pala iba na lang ang naging reaksyon niya noong una niyang nakita si Thea. Hindi dahil sa nagagandahan ito, kundi dahil iyon yung babaeng akala niya wala na.
[Flashback]
" I want you to know that Thea is my ex. Iyong inaakala kong namatay kasama si mama sa isang aksidente." Sambit niya which made me look at him. Ano? Anong ibig niyang sabihin?
"Hindi ko alam kung ano ang totoong pangyayari basta may nakakita lang sa kanya. Tapos gumawa na rin sila ng mga DNA test." Dugtong pa nito.
Huwaw. Bakit di niya sinabi ng mas maaga? Eh di dapat mas nagkaroon ako ng dahilan para pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. I can't believe this.
"Lahat ng sinabi ko sayo noon, lahat ng ginawa ko. Seryoso ako at totoo mga iyon." Pang iiba na niya ng topic. Heto na naman tayo sa pag ibig. Buti na lang at di niya lang trip ang mga iyon dahil kung oo, ay nako mas lalaki pa ang galit ko sa kanya.
"I love you." Dugtong pa nito.
Bakit ngayon niya lang sinabi iyan? Napatakip ako sa aking mukha dahil di ko na ma control ang aking sarili sa pag iyak. Mga salitang gusto kong marinig noon, bakit ngayon niya lang binigkas sa aking harapan?
"But you are still in love with that girl, right?" Sumbat ko which made him stop. I stare at his eyes at pilit nilalabanan muli ang luhang gusto ng kumawala sa mga mata ko.
"Yeah. If hindi buhay si Thea, malamang niligawan na kita."
"Pero hindi kasi buhay siya." Sambit kong muli at itinuon sa ibang direksyon ang aking paningin.
Ting!
Napatingin ako sa aking cellphone ng tumunog ito. Tinext na nina Aly kung nasaan sila ngayon at kasalukuyan na nila akong hinihintay.
"Mauuna na ako. Congrats na lang." Wala sa sariling sambit ko at aalis na sana ng bigla niya ulit akong pigilan.
"Jex, sorry. I mean it. Di ko alam kung mapapatawad mo pa ako or hindi but I am really sorry."
Habol nito. Napapikit ako dahil ang luhang aking pinipigilan ay bumagsak na naman.
"You taught me how to appreciate those people behind me-"
Huli naman naming pag uusap ito kaya siguro, time na para sabihin lahat ng aking hinanakit.
"The night, when you hugged Thea and tapping her back because she's crying. Remember that?" Lakas loob kong tanong at di na pinaki alaman ang mukha kong basa.
"I was hurt. I am falling, ah wrong. I fall for you and knowing na hindi mo ako masasalo, mas nasaktan ako."
Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko malaman kung nasasaktan siya o naaawa siya sa akin base sa kung paano niya ko tignan.
"Iyong lagi kayong magkasama. Noong xmas party pala, naaalala ko. Uminom ako ng alak kasi akala ko mawawala iyong sakit. Seeing you with Thea that time, na realize kong mahal na kita but it fucking hurts!" Napahawak ako sa aking noo at pilit kina-klaro ang mga salitang gusto kong sabihin.
"Gusto kitang kamuhian but after knowing that Thea is your girlfriend, anong karapatan ko diba? Bumalik ka lang sa tunay na nagmamay-ari sayo. Kasi ako, pinakilala lang sayo ng tadhana para matuto ka. Pinakilala lang sayo ng tadhana to bring out the best in you. Pinakilala lang ng tadhana for you to know and realize your mistakes from the past. Pinakilala lang ng tadhana-"
Di ko na natuloy ang aking sasabihin dahil lumapit sa akin si Brix at niyakap ako ng mahigpit.
Hinayaan kong yakapin niya ako. Nanghihina ako at di ako makagalaw. Umiyak ako ng umiyak. Ang sakit na iyong taong gusto mo, may nagmamay-aring iba.
"Sorry Jezka. Sorry for hurting you that badly." Bulong ni Brix. Pakiramdam ko pinipigilan na din niyang umiyak dahil muntikan na siyang pumiyok.
"Di ko kasi inaasahan ang lahat ng nangyari. Please do forgive me." Dugtong pa niya.
Humiwalay ako sa pagkakayap niya at inayos na ang aking sarili. Tinignan ko siya sa mata at pinilit ngumiti.
"It's okay. Mas mabuting nilinaw mo na ang lahat ng hindi ako umaasa. Mauuna na ako." Sambit ko at tumalikod na.
It's okay Jezka.
It's okay.
[End of Flashback]
"Oy! Pinapatawag ka sa office, iyong mga clearance daw. Ibigay mo na kay Mrs. Vina." Natigil ako sa pag iisip ng biglang umepal si Edrian. By the way, si Mrs. Vina pala muli ang adviser namin this year. Nakalimutan kong sabihin. Lmao.
"Pwede namang sabihin mo ng mahinahon di ba? Nanggugulat pa e." Reklamo ko at inayos ang aking gamit.
"Kanina pa ako nagsasalita rito pero di mo pinapansin. Tss." Sumbat naman niya.
"Ganon?" Wala sa sariling tanong ko. Kunwari di naniniwala. Sorry naman daw a, busy ako sa pag-aalala ng nakaraan e.
"Dali, alis na." Naaasar na sambit ni Edrian at tinulak tulak na ako malapit sa pintuan.
"Teka, bakit mo ba ako tinutulak?!"
"Matutulog na ako. Ang ingay ingay mo rito!"
Sasagot pa sana ako ng bigla na niyang sinara ang pinto. Damn, bumalik na naman siya sa sarili niya!
"Abnormal!" Malakas kong sigaw at narinig ko pa siyang tinawanan ako.
Naglakad ako paalis roon at nagtungo sa office ni Mrs. Vina para ibigay ang clearance namin.
Bye highschool.
Here we come college!
Be good to us. Please.
--
BINABASA MO ANG
Tutoring Mr. FUTURE CEO
Genç KurguIsang desisyon na hindi napag isipan. Isang pangyayari na hindi inaasahan. Nagpadala sa agos ng tubig, Di namalayang siya ay nahulog. PS: There are some typo's and grammatically error below.