You're My Girl (ONE SHOT STORY)

551 27 11
                                    

I'm Nathalie                                                       

Nathalie Muenterez Madrigal. isang first year college student. 

And this story goes on with my super bestfriend

Jastine Philip Benitez. JP for short since elementay, magkakilala na kami but we're not that close, ang pagkaka-alam ko lang high school lang kami naging close. naging classmate ko kasi siya for almost 4 years.

Makulit, friendly, gwapo, gentleman at may killer smile na nagpapabaliw sa karamihang babae

First year college na din siya, and luckily, blockmates kami. and yes sabay kami nag-enroll. ang sabi kasi niya gusto niya daw ako kasama. parehas naman kami ng hilig so napagpasyahan namin na pareho ang course na kunin

*first day

Sabay kaming pumasok sa school, kinakabahan ako kasi first day ng college life ko, at siya napapansin ko na cool na cool siya. walang halong kaba ang nakikita ko sa mukha niya. 

"ang lamig ng kamay mo ah? kinakabahan ka ba? " nagulat ako dahil bigla niyang kinuha ang kamay ko. 

"Oo. hindi ko kasi alam ang mangyayari at ang mga gagawin. " sabi ko

"Wag kang kabahan, nandito naman ako e. ako bahala sayo. " he said

Napangiti nalang ako sa sinabi ng bestfriend ko. kahit kailan talaga ang sweet niya at ang caring niya. ang swerte ng magiging girlfriend ng bestfriend ko. pero syempre dadaan muna sakin yung girl.

We reached our room. napabuntong hininga nalang ako ng buksan na niya yung room. inalis ko na din yung kamay ko baka kasi pagkamalan na couple kami.

sinundan ko nalang siya papunta sa dalawang vacant chair sa likod. medyo nakayuko ako dahil nahihiya ako at nakikita ko sa  peripheral vision ko na maraming nakatingin samin

Umupo na kami. magkatabi kami. nagsmile pa siya sakin na parang sinasabi niya na relax lang. ganito kasi akong tao, mahiyain talaga ako.

May mga naririnig akong bulungan at medyo umiingay na ang klase. hindi ko naririnig ang mga pinaguusapan nila

"ay kaloka mga ati, gwapo inside. " narinig ko na sabi ni Alex, yung blockmate kong bakla. paano ko sila nakilala? may group kasi kaming mga freshmen, pero hindi ako active doon pati si JP tagabasa lang ako ng mga post at announcements. tas yun, nagkakilala na sila  kaya close na sila ngayong first day

lumipas na ang oras, wala naman masyadong nangyari, nagpakilala lang yung mga prof at inintroduce lang yung about sa mga subject namin

nung break time. kami lang din ang magkasama. wala pa kasi kami masyadong kakilala sa class. tumambay lang kami sa lib.

" nathalie, may nakita akong chicks kanina. haha " sabi niya sakin habang naglalakad kami pauwi. hinahatid din niyakasi ako sa bahay namin.

"oh talaga? kinuha mo number? " sabi ko pero inaaamin ko hindi ako natutuwa. ewan ko bakit

"ganun na ba ang tingin mo sakin? kinukuha agad ang number? I'm not that kind or person nathalie, you know me right? eh yung number mo nga, nung highschool ko lang nakuha. "

natatawa ako sa sinasabi niya. I'll tell you guys, chikboy yan si JP pero nasa isip lang niya yan, hindi siya yung chikboy na halos lahat ng babaeng estudyante sa school e naging ex na niya. 

*kinabukasan* (2nd day)

hindi na kami nagsabay pumasok pero nagkita lang kami sa isang place para sabay pumunta ng room

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're My Girl (ONE SHOT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon