Chapter I;Near Death

5.8K 55 2
                                    

Ako si Iya Andres, simple lang ang buhay na meron ako, anak ako ni Sandra Andres na isang hardworking single mother. mahilig ako sa beach, pero walang hilig sakin ang beach. Meron akong Aqua-phobia pero hindi ganun kalala, dahil nakakapag tampisaw pa naman ako sa tubig na hanggang tuhod ang level.
Tahimik ang buhay namin at normal lang ang lahat hanggang sa makilala ko si Hisui Ishida isang Japanese-Filipino na nag mamay ari lang naman ng limang luxury resort sa bansa at tatlong five star hotel.
Well, pano ko sya nakilala? Nagsimula ang lahat sa isang Summer..

Sa isang resort, nakatanggap ng part time job si Sandra at dahil summer naman, sumama si Iya para kumita rin ng pera.

SANDRA: sabi ko naman sayo sa bahay ka nalang..

IYA: ma?! gusto ko kasama po kita ng buong summer, at saka tingnan nyo po oh, ang ganda ng dagat..

Abot tenga ang ngiti ni Iya at kumikislap ang mga mata sa tuwa habang nakatitig sa malawak na dagat.

SANDRA: sya, may dalawang oras pa bago yung Yacht Party, gusto mo bang maglakad lakad muna?

IYA: sige po!! (excited) babalik po agad..

DEL: Ba't hinahayaan mo pang lumapit ang anak mo sa dagat? hindi ka ba natatakot?

SANDRA: syempre natatakot, kaya lang masaya sya kahit tumitingin lang sa dagat, aya'ko naman higpitan sya at respunsable naman si Iya..

DEL: hay.. ako ang natatakot pag pumupunta sya sa tabing dagat.

Habang masayang nagtatampisaw si Iya sa maliliit na alon na hanggang talampakan lang, may dalawang istrangherong humarang sakanya.

S1: Hi Miss..

IYA: "hi miss"? tapos ano magtatanong kayo kung mag isa lang ba ako? tapos sasabihin nyo kung pwede nyo 'kong samahan? tapos ano? mag-iinuman tayo? tapos ano? pagsasamantalahan nyo ko? tapos papatayin nyo ko, itatali nyo ng katawan ko sa bato saka nyo ko ihuhulog sa dagat!!!

S2: tara na pare, ang ganda gandang babae may sakit naman sa utak.

IYA: hoy!! hindi sakit sa utak ang pagiging advance mag isip!! mga mukhang manyakis!!

S1: abah!! ayos ka ah!! (hinawakan sa braso si Iya)

HISUI: hey Seb! let her go!

SEB: bro' kung alam mo lang yung sinabi nitong babaeng to!

HISUI: narinig ko lahat, but don't hurt her in front of these people.. she will just get sympathy from them..

SEB: (binitawan si Iya) pasalamat ka!

IYA: bakit? totoo naman yung mga sinabi ko ah!

HISUI: gosh! you still depending of what you've been thought?! Miss, kung lahat ng Filipino kagaya mo mag isip, wala kayong mararating! tara na guys, she's just a dumb.

SEB: Dan tara na..

Nakasimangot na bumalik si Iya sa kitchen ng resort.

SANDRA: anyare dyan sa mukha mo anak?

IYA: wala po, nabad mood lang..

SANDRA: naku, ang mabuti pa tikman mo tong lecheplan para mawala yan.. tapos tulungan mo na ko mag lagay ng mga ulam sa stainless, hahakutin na yan maya maya.

IYA: ok po..

Sa lobby ng resort:

DEL: Hisui anak.. long time no see..

Taste of ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon