CHAPTER V: Confession; Is It Real?

825 16 0
                                    


Ilang araw na at ni isang hibla ng buhok ni Hisui ay hindi nakikita ni Iya, nanibago ang dalaga at nagsimula ng mag-isip ng hindi maganda.
Sa fountain ng school malapit sa gate, umupo ang dalaga at nagsimulang mag-alala:

IYA: pa'no kung dahil sa mga sinabi ko kumain sya basta basta? hmm.. eh ano naman? buhay naman nya yun..
pano kung nalason na sya? jusko hindi ako patutulugin ng kunsensya ko..

Agad pumunta si Iya sa Private University, sa hallway ng isa sa building roon, ipinagtanong tanong nya kung saan makikita si Hisui.

LEY: ba't mo hinahanap si Hisui?

IYA: importante lang..

LEY: Pasensya, pero hindi kita matutulungan, hindi kase madalas makisalamuha si Hisui sa mga tao dito..

Sa di kalayuan, natanaw nina Seb at Dan si Iya, Agad nagsilapit ang mga ito sa dalaga.

SEB: hey..

IYA: ikaw!

SEB: ako, wait, wag mo sabihin hindi ka pa din nakakamove on dun sa nangyari sa yacht?

IYA: hindi yun ang ibig kong sabihing "ikaw", I mean ikaw yung friend nya..

DAN: hey at friend din nila ko..

LEY: hinahanap nya si Hisui..

Maya maya pa'y dumating si Hisui kasama si Kc. Tumingin ang binata na parang walang imusyon.

IYA: (nakahinga ng maluwag) salamat naman, akala ko..

HISUI: what?

IYA: gusto sana kitang kausapin, in private?

HISUI: (ngumisi ng nakakainis) nasa Private na tayo..

Napatawa ng bahagya ang mga nakarinig.

IYA: I mean..

HISUI: kung ano man yang gusto mong sabihin, sabihin mo na.

IYA: ilang araw na kase simula nung huli kitang nakausap, tapos ayun, buti nalang buhay ka, akala ko kase..

HISUI: yan ang napapala mo sa pagiging "advance mag-isip" or should I call paranoid.

Nagbulungan ang mga nakarinig, habang ang mga kaibigan naman ni Hisui ay nagtataka at pinipilit alamin sa isip kung anong nangyayari.

HISUI: ngayon nakita mo na ko, pwede ka ng umalis, walang lugar dito ang mga Judge Mental na tao..

Tumalikod si Hisui at saka naglakad palayo, habang si Iya, nagsimula na rin maglakad palabas ng building.

Sa overpass:

IYA: galit ba sya sakin? (sumimangot) pero bakit? tama naman yung mga sinabi ko ah?! hmm!! wala akong kasalanan!! (umupo) pero ba't parang guilty ako?

DION: ok ka lang?

IYA: (tumayo) ha? Oo naman, may iniisip lang.. ahm.. galing ka sa Private University?

DION: yup, kinuha ko tong invitation para sa St. Valentine Festival, host kase ang Private University, since galing ako dun, ako na ang kumuha..

IYA: ah.. Tulungan na kita..

DION: thanks..

Pagdating sa school, ini-announce agad ang paggaganapan ng Festival, excited ang mga estudyante at masayang masaya, lalo pa't may pagkakataon silang makabawi sa pagkatalo nila sa Private University nung nakaraang taon.

Taste of ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon