CHAPTER VI: Get All The Chances I Have

754 14 0
                                    


Two days before Festival Day:
Hindi pa rin maalis sa isip ni Iya ang mga sinabi ni Hisui, pero mas tumatakbo sa isip nya na baka hindi talaga seryoso ang binata sa mga sinabi nito.

TOMI: hi Kc, good morning..

KC: good morning.. Good morning Iya.
.
IYA: good morning..

KC: nakakainis naman, hanggang ngayon may mga SWAT pa din sa school, namimiss ko na yung locker ko..

TOMI: gusto mo ikaw muna gumamit ng locker ko?

KC: (naningkit ang mga mata) bakit? may vanity (area na may salamin at cosmetics at iba pang pampaganda) area ka ba sa locker mo?

TOMI: eh, mirror lang ang meron ako..

Samantalang; tulala si Iya at nakatanaw sa labas (bandang kaliwa). Halos hindi na namalayan ng dalaga na dumating si Hisui.
Lumapit ang binata sa kaliwang taenga ng dalaga, bumulong ito na hangin lang ang lumalabas sa bibig at halos lumapat ang mga labi sa tenga ng dalaga.
Nagsitayuan ang balahibo ni Iya simula sa taenga hanggang sa batok at kunot noong tumingin kay Hisui sabay hawak sa taenga. Namumungay naman ang mga mata ng binata habang ngumiti ng bahagya.
Magrereact na sana si Iya, pero napigilan ito ng dumating ang professor.

Matapos ang unang klase, nagpunta sa library si Iya para isauli ang mga librong hiniram, mula sa pinto ng library nakita ni Iya sa labas na binubully ng ibang girls si Ley.

IYA: (pumunta sa prof) Ms. Aila, may nambubully po sa tapat ng library.

MS.AILA: what???

Agad tumayo ang prof sa kinauupuan at nagmadaling lumabas, doon, agad inawat nito ang mga estudyanteng nambubully kay Ley.

MS.AILA: sa oras na maulit pa to!! ipapa-drop out ko kayo!!

EVE: hindi ka prof ng Private University kaya wala kang rights!

MS.AILA: hindi ako taga Private University, pero nasa campus kayo ng Public University kaya lahat ng karapatan meron ako, wag mo kong subukan hija! (sabay alis)

EVE: (tumingin ng masama kay Iya) mag-ingat ka sa pakekealam mo!! tara na girls!

IYA: (linapitan si Ley) ok ka lang?

LEY: madadamay ka lang.. kaya kung ako sayo, lumayo ka nalang..

IYA: teka! hindi mo dapat sila hinahayaang bullyhin ka ng ganun, ipaglaban mo kung anung meron ka, wag kang matakot sa mga walang utak na gaya nila..

LEY: sorry, pero hindi ako nabigyan ng lakas ng loob para sa mga gaya nila.
.
IYA: pwede mo naman subukan eh, at pagpractice-san.. (sabay ngiti)

LEY: salamat.. sorry sa naging attitude ko nung nasa Private ka..

IYA: ok lang, ako nga pala si Iya..

LEY: Leylin, pero Ley nalang..

IYA: tara sabay na tayo magbreak..

LEY: sure..

Pagdating sa cafeteria:

IYA: ahm, guys, si Ley, taga Private din sya..

KC: yah, I know her, lagi syang nabubully and she got accuse by stoking Hisui..

SEB: hi.. Ley..

LEY: hello.. sorry kung negative ang pagkakakilala nyo sakin..

DAN: dont worry hindi naman kami judge mental.. no offense Iya..

Taste of ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon