CHAPTER XIV: From The Past

343 9 0
                                    

CHAPTER XIV:  From The Past

Kinabukasan; 5pm, pinaglinis ang lahat ng kanikanilang villa, habang ang iba naman ay sa event hall at ang iba ay sa mga cottage at mod field.
Sa mini villa habang naglilinis si Dan, Seb at Ley:

DAN: mukhang masama ang gising ng lahat.
SEB: ganyan talaga pag nasa impluwensya ka ng love pero complicated..
LEY: (buntong hinga) ano nanggagawin natin?
SEB: wala, magkakabati din yang mga yan.

Sa mod field.
IYA: gusto mo ba tulungan kitang magpaliwanag kay Tomi..
KC: salamat Iya, pero baka madamay ka lang..
IYA: ok.. basta, sana wag mong sukuan si Tomi, kase satingin mo nafall talaga sya sayo..

Sa cottages:
HISUI: kung ano man yang iniisip mo kay Kc, sana hindi yung ikakadown nya.
TOMI: wala akong iniisip na kung ano sakanya.. naiinis lang ako..
HISUI: why?
TOMI: dahil yung ibinuhus nyang pagmamahal dati, sa maling tao pa napunta..
HISUI: well, minahal nya yung taong yun base sa nararamdaman nya, we just need to face the reality that theres a such people.. we just need to learn and move on..
TOMI: pero may mga sugat na kahit subukan mong gamitin mahirap magheal..
HISUI: not for Kc, she really moved on long time ago, just Dion never stop bothering her..

IYA: eh papansin pala yun eh, feeling strong lang sya, pero baka ang totoo sya yung hindi pa makamove on sayo..
KC: sa dami ng mga dinate nya? impusible yun..
IYA: malay natin di ba?

TOMI: Oo nga't nakamove on na sya, nagagalit lang ako dahil sa mga sinabi ni Dion! wala syang karapatan.
HISUI: it maybe coz he's so disparate na bumalik sakanya si Kc, even he dated many girls..

IYA: satingin ko, kaylangan lang ni Dion ng mabuting kaibigan na makakapagpayo sakanya ng tama.
KC: tama.. at satingin ko din, kaylangan ko na syang harapin para matigil na to..
IYA: tama..

Kinagabihan: Nagsisiakatan na ang mga estudyante sa kani-kanilang bus, magkasunod na umakyat sina Hisui at Iya, nakaupo na sina Seb, Dan at Tomi sa dati nilang kinauupuan, sunod ay sina Ley at Kc, nang uupo na si Iya sa tabi nila Kc, hinawakan ni Hisui sa likod si Iya at iniusog papunta sa dating nauupuan ng binata.

HISUI: (dumikit sa likod ni Iya) may pag-uusapan tayo..
IYA: ok..

Pagkaupo ni Iya bumuntong hinga ito. Habang sina Ley at Kc napapangiti.

IYA: bakit? may issue kayong dalawa sakin?
LEY: (nang aasar) mamimiss kita Iya.. sulat ka palagi ah..
KC: (lumuhod sa upuan at humarap sa likod) Iya, susulat ka ha?
IYA: para kayong mga sira.. (natatawa)

Samantalang, nagtaklob lang si Hisui ng hood, nagtinginan naman ang tatlo sabay balik sa ayos ng pag-upo.
Maya-maya pa'y pinatay na ang ilaw sa loob ng bus at nagsimula na ang byahe.
Hindi makatulog si Iya kaya naman, binuhay nya ang phone at muling tumingin sa picture ni Hisui, at para walang makakita, sumandal siya sa bintana ng bus.
Samantalang, palihim naman na nakakatingin sakanya si Hisui, dahil sa liwanag ng ilaw ng phone na tumatama sa mukha ni Iya, nangingintab ang mga labi nito at namumula dahil sa lamig ng aircon. Biglang nabaling ang tingin ni Hisui sa reflection ng phone ni Iya sa salamin na bintana ng bus, doon kitang kita nya kung ano ang tinitingnan nito mula sa phone.
Inilapit ni Hisui ang sarili kay Iya.

IYA: (nagulat/bulong) baliw ka talaga noh? papatayin mo ba ko?
HISUI: (bulong) kung nakamamatay ako, matagal ka nang nakalibing.

Bulungan:
IYA: hmm! umusog ka nga..
HISUI: bakit ba?
IYA: at pwede wag mo kong titigan? (pinindot ang home button ng phone at iniilaw ang screen ng phone kay Hisui) baka matunay ako..
HISUI: (hinawakan ang kamay ni Iya na may hawak n phone at inilagay sa dibdib) dont tell me you never staring at me?
IYA: (kumawala kay Hisui) never talaga noh! (umayos ng upo)
HISUI: (ngumisi/ isinandal ang mga kamay sa salamin ng binatana/ inilapit ang mukha kay Iya) evidence never lie..

Taste of ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon