CHAPTER XI: Distraction

373 7 0
                                    

Kinaumagahan; sa restaurant, nauna na ang mga girls sa mesa.

KC: uuuyyy.. refreshing yang mukha nyo ah..
IYA: para magmukhang walang nangyaring LQ kagabi.
LEY: yiiiihhh.. LQ talaga..

Pagdating ng mga boys, hindi nila kasama si Hisui.

KC-DAN: si Hisui?
KC: kayo ang magkakasama sa kwarto noh..
TOMI: hindi sya dun natulog kagabi, akala ko nga itinanan na ni Pretty eh.

Natawa ang lahat sa biro ni Tomi, pwera lang kay Iya, biglang nalungkot at natulala.

SEB: may LQ ba kayo?
LEY: ahm.. (sumenyas kay Seb na wag munang kausapin si Iya)
IYA: (ngumiti) kain na tayo..

Buong araw tumulong si Iya sa mga kaylangang gawing paghahanda sa darating na pinakaaraw ng Festival.
Nagpakapagod ito at naging abala.

Habang si Iya naman, naglalakad papunta sa Villa.

IYA: totoo pala, pag sobrang saya mo, may kapalit na lungkot, at may extra pang gulo.. at yung taong yun, san ko ba sya mahahanap?

Kinagabihan; plakda si Iya na humiga sa kama dahil sa pagod.

LEY: Iya, wag ka namang magpasobra sa pagod, baka sa oras ng party magkasakit ka.
KC: sya nga pala, wala na rin yung mga gamit ni Hisui sa closet nya sabi nung tatlo..
IYA: (biglang bangon) ha? bakit? (napahawak sa ulo) aray..
KC: sorry, pahinga ka na, wag mo nang isipin yun sa ngayon..
LEY: babalik din yun..

Kinaumagahan; hindi na nag-almusal si Iya, dumiretso na sya sa lobby ng Inn para kunin ang ibang materials hanggang sa makita nya sa elevator si Hisui.
Tinakbo ng dalaga ang Stair way para abutan ang elevator, at sa hallway nakita nyang may kasamang ibang babae si Hisui, matured at mukhang galing sa mayamang pamilya ang babae, sa isang room tumigil ang dalawa at nagbeso muna saka pumasok na ang babae.
Tulala lang si Iya mula sa kinatatayuan halos ayaw kumurap ng kanyang mga mata para hindi mawala sa paningin niya si Hisui. At mula naman sa pinaghatidan ni Hisui sa babae, sa ikaapat na room, may babae na nagbukas ng pinto para kay Hisui at nagbeso ang mga to, hindi sinasadyang mapatingin ang binata sa malayo, at doon nakita nya si Iya na naglalakad na palayo.
Hindi alam ni Hisui ang gagawin, hahakbang ba sya para habulin si Iya o papasok sa kwarto hanggang sa.

SEC: Mr. CEO, magsisimula na po ang meeting..
HISUI: (huminga ng malalim) ok..

Takbong takbo si Iya papunta sa tabing dagat at nagsisimula ng maiyak, dahil hindi ito makapag-isip ng tama, hindi nya namalayan na unti unti na syang napupunta sa tubig, hanggang sa bumangga sakanya ang alon na hanggang hita.

IYA: tubig!!! (nagsisimula ng magpanic)
t..tulong.. (kinakapos na sa paghinga)

Dumating si Tomi at agad inalis si Iya sa tubig, nanginginig at mahigpit na yumakap ang dalaga sa kaibigan.

TOMI: hinga lang ok? relax.. ano bang nangyari?

Hindi umimik si Iya, patuloy lang ito sa pag-iyak habang nilalabanan ang takot.
Nang maihatid ni Tomi si Iya, pinili ng dalaga na magkulong sa kwarto, habang wala namang magawa ang mga magkakaibigan.

TOMI: si Hisui talaga may gawa nito eh, pag nakita ko sya, babasagin ko ang mukha nya!
KC: calm down ok? hindi natin alam ang nagyari..
TOMI: calm down? muntik ng mapahamak si Iya!!! pano kung hindi natin sya nakita? at alam ko kung ano ang nangyayari!! Iya is so freaking in love with Hisui!!
DAN: teka, dont yell ok? baka may makarinig na nagtatalo talo tayo dito..
LEY: siguro dapat wag muna tayo magsalita, kahit ilang minuto lang..

Ilang oras pa ang nakalipas, nagising si Iya na parang walang nangyari.

IYA: sorry nakatulog ako.. back to work na ko ha?
TOMI: sandali!! bakit ka ba ganyan? Iya ok lang maglabas ng feeling!! pwede kang umiyak sakin kagaya ng ginagawa ko pag-iniiwan ako ng gf ko!!
IYA: (pinipigil maiyak) yun na nga yun.. bakit ako iiyak? wala naman akong bf.
TOMI: Iya naman..
IYA: alis na ko guys..

Taste of ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon