CHAPTER VII; Past / Seduction / Heartbreak

707 11 0
                                    

CHAPTER VII; Past / Seduction / Heartbreak

(Flashback/Hisui Narration)
Ipinanganak ako sa Japan pero lumaki sa America, at ni minsan hindi ako nakatungtong sa bansa kung saan ako ipinanganak. Theres a lot of people who want to kill us, especially to me, it because, Im the older son from the mistress, and its possible for me to be the leader of the Yakuza's next generation, I dont want to anyway. Pinili ni Dad na paalisin kami kesa patayin, at ang akala namin, tutupad ang lahat sa napagkasunduan.
Five years old ako ng makita kong mamatay ang mom ko habang kumakain kami ng lunch, sa harap ko mismo, nasundan pala kami ng mga tauhan ng babaing pinakasalan ng Dad ko.
Nagpalipat lipat ako kasama ang iba't ibang tauhan ng Dad ko, pero kada lugar namapupuntahan ko, may mga namamatay, lalo na sa pagkain. Sa tuwing may ihahapag silang pagkain, parang natural na sakin ang may humandusay na maid sa harapan ko habang bumubula ang bibig. Dahil don, pinilit kong matutong magluto para sa sarili ko kahit halos tutong ang kinakalabasan, at ang nangyari sa Mexico ang hinding hindi ko makakalimutan. (end of Hisui's narration)

Sa pier:

BRYAN: kahit anong mangyari wag kang lalayo sakin..

HISUI: why they really want to kill me? (naiyak)

BRYAN: wag kang maingay..

Biglang may humampas kay Bryan mula sa likod, bumulagta ito at nabitawan si Hisui.
Tulala pa sana si Hisui pero narinig nya ang salitang "run" mula sa nanghihinang si Bryan.
Takbo hangga't may lupa ang ginawang pagtakas ni Hisui, at kahit madapa, mabilis siyang bumabangon at patuloy sa pagtakbo hanggang sa makalayo.
At sa isang kanto na habang nagpapahinga at patuloy sa pag-iyak, nakita sya ni Iya.

Si Iya na laging nagpupunta sa pier para salubungin ang kanyang ama. Habang nagpapapirma ng permit para makapasok sa pier sina Iya at ang kanyang ina, yun ang oras na nakita ni Iya si Hisui matapos ang pagkain nila ng bibingka, may bagong tauhan na naman ng kanyang ama ang biglang sumulpot at sinundo si Hisui.

PRESENT:

Sa sofa nahiga si Hisui, at hindi nakatulog dahil sa bumalik sakanya ang mga nangyari.

HISUI: (hawak ang photo ni Iya) yun ang nangyari sakin, eh ikaw? anong nangyari sayo nung panahon na yun?

(Iya's Past)
Habang masayang naglalakad si Iya na may labing limang metro ang layo mula sakanyang ina.

IYA: Dali mama, baka mainip po si papa..

SANDRA: sige na, mauna ka na dun, alam mo namang may rayuma na si mama eh..

IYA: ok po..

Takbong-takbo si Iya at excited, pero nawala ang lahat ng yun nang makitang nakakagat ang kanyang ama sa isang lubid habang nasa tubig ang buong katawan nito, duguan ang ulo na umaagos sa mukha nito.

IYA: Papa!!! (iyak)

Linapitan ni Iya ang ama at sinusubukang abutin ang damit nito. Hindi magamit ni Bryan ang mga kamay at braso dahil lasog lasog na ang mga ito, habang may nakataling mabigat na bakal naman sa paa. Sinusubukan ng ama na paalisin si Iya gamit ang pagpikit ng mga mata, pero masyado pa itong bata para maintindihan ang bagay na yun.
Samantalang, tumatakbo na palapit sa mag- ama si Sandra nang biglang may malakas na pagsabog ang pumagitan sa kanila. Tumalsik si Iya sa tubig sa harap mismo ng kanyan ama. Ibinitaw ni Bryan ang bibig sa kagat kagat nito sa lubid para makita ang anak sa ilalim.
At dahil marunong naman lumangoy ang bata, kumuha ito ng hangin saka sumisid at sinusubukang alisin ang tali sa paa ng kanyang ama. Iniilingan nalang ni Bryan ang kanyang anak para tumigil na, pero nakangiwi na ito at halatang umiiyak. 10ft ang lalim kung saan sila naroroon, at muli kumuha ng hangin si Iya at sumisid muli, sa pagkakataong yun taranta na ang bata dahil nagsisimula ng masuffocate ang kanyang ama, hanggang sa tuluyan na itong nangisay at mamatay sa harap nya mismo. At isang bagay naman ang tumama sa ulo ni Iya, doon nawalan ng malay ang bata. Gayun din ang kanyang ina na tumilapon sa nangyaring pagsabog.
Na-coma si Iya ng halos tatlong bwan at sa tatlong bwan na yun, mag-isang lumalaban ang kanyan ina sa labis na lungkot sa pagkawala ng asawa at pagkaratay ng anak. Nang magising si Iya, wala na sa alaala nya ang mga nangyari, at yun ang ipinagpasalamat ng kanyang ina kahit wala syang ideya kung paano namatay ang kanyang asawa.

Taste of ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon