CHAPTER XIII: Perfectly Beautiful

346 10 0
                                    

CHAPTER XIII: Perfectly Beautiful

Habang nasa cottage si Iya, tinawagan nya ang kanyang ina.

SANDRA: anak, buti naman at maayos ka na.. sya nga pala naka schedule ang operation ng lola mo next week, kaya baka magtagal pa ko dito..
IYA: eh mama, kung sumunod po kaya ako dyan?
SANDRA: sa break nyo nalang anak, tutal malapit naman na yun. Sya nga pala, bukas na ng gabi yung Festival night.. dinala mo ba yung gown na iprenipare ko bago ako umalis?
IYA: gown?
SANDRA: Oo, sinabit ko yun sa likod ng pinto ng kwarto mo..
IYA: (napapikit at kamot sa noo) mama, hindi ko alam na kaylangang mag-gown, at saka hindi nyo naman po sinabi..
SANDRA: ay engot.. ano ka ba naman anak.. oh sya padadalhan nalang kita ng pambiling gown ok?
IYA: ahm.. wag na po, manghihiram nalang po ako.. salamat mama..
SANDRA: oh sya sige na, aasikasuhin ko muna ang lola mo.. magsend ka sakin ng mga picture ha?
IYA: opo.. loves you..

Kinagabihan; Kanya kanya ng sukat ng mga gown sa kanikanilang villa ang mga estudyante.

CEIL: sure ka? ngayon mo na gagawin yun?
JONA: anung gagawin nya?
CEIL: balak nya lang naman nakawan ng halik si Hisui, naniniwala kase sya na kung sino yung taong makikiss mo sa Festival, mamahalin ka nya ng sobra sobra..
KATE: (natawa) dapat pala isinama ko yung parent ko..
JONA: ang engot mo noh? its about lovers.
KATE: malay mo tumalab sa parent ko, sa sobrang busy nila, kulang na yung pagmamahal nila sakin..
EVE: ewan ko sa inyo, gagawin ko kung ano yung plano ko.. this is the best opportunity..
CEIL: kung disidido ka talaga, go..

Samantalang sa mini villa, imbis na maging abala sa susuutin, abala ang lima sa pagtingin ng mga selfies at groupies, habang si Iya palihim na nagtitingin ng mga gown sa online shop at si Hisui naman ay nagbabasa ng libro.
Nasa magkabilang single chair sina Iya at Hisui habang ang lima naman ay nakaupo sa lapag na nasasapinan ng carpet at nakapatong ang lahat nang gadget sa center table.
Maya-maya pa'y palihim na sumulyap si Iya kay Hisui.

IYA: (sa isip) hmm.. in fairness sayo, ang gwapo mo pag hindi ka nagsasalita, siguro mas lalo kang gagwapo kung naka pang office ka tapos uupo ka sa harap ng mga investors, (iniimagine/ kilig) maygad.. perfect.. alam ko na, tama, kukuha lang ako ng isang picture..

Inayos ni Iya ang pagset ng zoom in ng camera at ang pag focus sa mukha ni Hisui, nangpinindot na niya ang capture, gumulantang sa lahat ang kislap ng flash, ilang segundong napatigil ang lahat at napatingin kay Iya.

IYA: sheeeet.. (agad yumuko at tumakbo papunta kwarto)

DAN: what happened?
KC: siguro napindot nya lang..

Nagtawanan ang lima, at saka itinuloy ang pagtingin sa picture na parang walang nangyaring awkward moment, kahit alam nila ang eksaktong nangyari at ang sinusubukang gawin ni Iya, habang si Hisui naman ay pinipigilan ang pagngiti, na kunwari ay wala syang pakealam sa nangyari.
Sumilip si Iya mula sa kwarto at nakahinga nangmaluwag sa pag-aakalang aksidente lang para sa mga kaibigan nya ang nangyari. Humiga si Iya sa kama at tiningnan ang picture na tinake, bigla nalang nagpapapadyak ang dalaga at nagggugumulong sa kama dahi sa perfect shot na nagawa nya, pero nang muli nyang tingnan ang picture, nakatingin si Hisui sa camera.

IYA: (sigaw) hiiiiinnnndddiii..

Mula sa sofa, nagsitayuan ang lima.
KC: Iya ok ka lang?
IYA: ahm.. Oo, ayos lang ako, (lumabas ng kwarto) nagloloko lang yung phone ko..
TOMI: hay.. kaylangan mo na nang bago..
IYA: s..siguro nga.. sorry sa abala, sige, magpapahinga na ko..

Kinaumagahan; 10am na pero halos wala pa ding mga tao sa tabing dagat.

IYA: Kc, Ley.. gising..
KC: bakit?
LEY: mamaya na, antok pa ko..
IYA: walang katao tao sa beach..
KC: syempre, party na mamayang gabi, malamang sinusulit nila ang tulog para fresh mamaya..
LEY: tama, kaya ikaw matulog ka pa, para alive na alive mamaya..
IYA: hindi naman ako makakapunta mamaya, wala akong susuutin.
KC: a.. ko n.. bahalsss.. (nakatulog)

Taste of ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon