Lost 1

922 65 33
                                    



"May nalaman ba kayo?"

"I'm sorry, my Queen. Pero hanggang ngayon, wala pang nadedetect na supernatural ang tauhan ko sa loob. Kahit ang gobyerno ay wala." Paliwanag ng isang lalaki, tao ito pero isang negosyante at nagsisilbi sa reyna.

"Twenty years already, but still no news? Baby, what happened to him?" The Queen's wife asked her.

"Wag ka mag-alala, ramdam kong buhay pa siya." Paninigurado ng reyna sa asawa. "Pwede ka ng umalis. Pero may dagdag na misyon, kailangan mo malaman kung may iba pang plano ang mga tao. Nararamdaman ko ang paparating na panganib. Na parang naghihintay lang sila." Seryosong sabi ng reyna.

"I will, my Queen." Yumukod ito at umalis na din.

Halos lahat ay hindi nakakatagal sa presensya ng reyna. May kakaiba sa kanya na kailangan mo talagang igalang, kauri man o hindi.

Hindi siya kinakatakutan, kundi mas nirerespeto ng kanyang mga nasasakupan at naniniwala sa kanya.

Pero ang butihing reyna ay may lunkot sa puso dahil sa pagkawala ng nag-iisang anak. Na hanggang ngayon ay kanya paring hinahanap.

Pagkaalis ng lalaki, naupo agad ang asawa niyang si Tatiana sa kanyang kandungan. Umiiyak na naman ito tulad ng nakalipas na dalawampung taon.

"Bakit hindi natin siya mahanap?"

"Dahil sa malakas na magic spell that seal his power na ginamit na Acacia. Pero alam mo baby, pasalamat ma din ako sa ginawa niya. Ligtas ang anak natin pag ganoon." Sabi ni Maxz at hinalikan ang noo ng asawa.

Pagkalipas nga ng mga taon, marami na ang nagbago. Nagkahati-hati na ang lahat.

Pagkatapos ng digmaan, nagkanya-kaya ang lahat. May mga tao na nasa America, sa loob ng barikada, habang ang iba na tanggap ang mga kakaibang nilalang ay sa Europe at China. Pero dahil teretoryal ang China, Chinese lang ang pinapapasok nila maliban kung may negosyong pag-uusapan.

Ang mga ibang nilalang naman ay nanirahan sa pinili nilang lugar sa natitirang mga kontinente. May kanya-kanyang clan or pack ang bawat isa. Pero ang kastilyo ng mga Knight ay nanatili sa isang isla sa asya. Nang dahil sa digmaan, nawasak din ang ilang mga lupa, 'yon ang nagdulot upang maging isla ang kinakatayuan ng kastilyo.

Pero hindi naging problema iyon sa mga Knight dahil sa kakayahan nila, nakagawa agad sila ng malaking barko at mabilis pa ito. Meron ding sakayang pahimpapawid na ginawa ng Knight. Kailangan din nila iyon lalo na kung may pagpupulong.

Naging reyna ng lahat ng supernatural si Maxz Knight, katuwang si Tatiana Alexandrinus-Knight, kanyang kabiyak. Reyna ng werewolves si Cassandra Knight at si Liana Vaughn ay nanatiling reyna ng bampira.

Si Light, Cora, katuwang ang kabiyak nilang si Marie ang humahawak na ng fairyland. Matapos ang digmaan, tumanggap si Marie ng dugo mula kay Tatiana, na nagpatanda sa kanya sa tapang edad. Noong una, hindi pa matanggap ng fairyland ang isang bampira dahil galing ito sa dilim. Pero wala silang nagawa, tulad ng pagiging kabihak ni Lily si Cecelia.

Sa Realm of the Witches, sila na ni Sky ang namamahala. Ayaw ng kambal na lalaki dahil alam nilang mas nararapat ang kapatid. Wala silang nagawa kundi punan ang puwang na iyon.

Naging Alpha na si Lucia habang ang kanyang ina ang pumalit na Elder. Hindi pa naman matanda si former Elder Marcus, pero gusto nito masulit ang oras niya kasama ang asawa. Ayaw niya magsisi na naman ng may muntikang mangyari sa kanyang asawa.

Habang sa Abyss, nakakapasok na din sila. Pero hindi madalas at baka masira ang portal. At hindi maari iyon.

Ang mga tao ay tahimik, pero alam ng reyna na may nilulutong plano ang general nila. Alam niya dahil nababasa niya ang nilalaman ng isip nito.

Nagkaroon din ng tinatawag na human trafficking, nagkaroon ng slavery. Pero walang magawa ang reyna ng supernatural dahil baka lumabas na nangingialam siya sa mga tao at ikapahamak ng nasasakupan. Alam niyang naghihintay lang ang Amerika sa kanilang pagkakamali.

Ayaw ng ibang nilalang ang ginagawa ng tao, lalo na ang pagbenta ng iba sa bata at kababaehan. Pero may nilalang na nasisiyahan, at doon na umaaksyon ang reyna. May iba na tumutulong sa pamamagitan ng pagbili sa mga tao at pinapipili ng buhay na gusto.

Meron na ding eskwelahan ng tao sa Europe na pwedeng pumasok ang ibang nilalang. Pero meron din sa Russia para sa lang sa mga supernatural.

"Siguradong nag-aaral na ang anak natin. Pero dapat, kasama natin siya para malaman niya ang kanyang kakayahan." Sabi ni Tati na tumahimik na.

At sa isipin ng eskwelahan, nakaisip ng paraan ang reyna. Pero sana umubra ito.

"Tama!"

"Ano 'yon baby?" Nagtatakang tanong ni Tati na humiwalay pa sa asawa para matitigan ito.

"Kakausapin ko ang dalawang eskwelahan, gagawa ako ng kasunduan kasama ang iilang estudyante, papunta sa atin para ipakitang mababait tayo-"

"Pero ang balak mo, mahanap ang anak natin." Pagpapatuloy ni Tati.

"Tama ka. Kung taon-taon nating gagawin iyon, baka makita na natin siya." Buo ang pasya ni Maxz. "At isa pa, kailangan niyang mahanap ang mate niya bago pa mahuli ang lahat."

Sa isiping iyon, napaluha na naman si Tatiana.

"Bakit ngayon lang natin ito naisip? Paano kung mahuli nga tayo?" Umiiyak na naman si Tati, na siyang agad na pinunasan ng reyna.

"H'wag ka mawawalan ng pag-asa. Mahahanap din natin siya."

Tumango naman ang reyna sa asawa para tumahan ito.

Sa kalagitnaan ng kanilang kalungkutan, isang pag-asa na naman ang dumating.

"Mahal na reyna." Bati ng bagong dating at yumukod ito.

Hindi maipapagkailang isa itong anghel. Napakaganda at napakaamo ng mukha, pero isang demonyong nampapatay ang nasa loob.

Isang kalahating anghel at kalahating bampira, isang anghel na hindi mabitawan ng kanyang kalahi kahit may bahid na ito ng kadiliman dahil sa lakas nitong taglay.

"Ikaw pala. Ano ang dahilan at ika'y naparito?" Nagtatakang tanong ng reyna.

"Nakita ko na siya mahal na reyna. Dinalaw niya ako sa panaginip ko." Bakas ang tuwa ng babae.

Alam nila simula ng tumuntong ng labing-anim si Nash, naramdaman agad ito ng kabiyak. Naramdaman niya lang, pero ngayon ay nagpakita na sa kanya.

"How come?" Nagtatakang tanong ni Maxz.

"Ginamit niya ang vampire demon niya. Pumunta siya sa akin." Bakas ang saya sa mukha nito.

"Tamang-tama, may plano kaming magkaroon ng visitor. Sabihan mo siyang sumama sa oras na naipatupad ito." Hindi na nag-isip pang turan ni Tatiana.

"Opo, sa ulit na dadalaw siya." Sabi nito ulit.

"Kamusta siya?" Tanong ni Maxz na nagpalungkot sa dalaga.

"Nahihirapan na daw siya. Pero, walang may nakakaalam sa kakayahan niya maliban sa isang bata daw noon. Tinago niya ito. Nagagamit niya ang kakayahan pero hindi nadedetect. 'Yon ang gamit ng seal niya." Natuwa si Maxz sa narinig kahit nalungkot din. Gusto niya ng makita ang anak.

"That's good. Then tell him what we've talked." Utos ni Maxz.

Pero napakunot ang noo ng dalaga.

"Mahal na reyna, it's not a he. It's a she."

"W-what? Nash Alexandrinus-Knight is a she?" Naibulalas ng mag-asawa.

Alien mate: The Lost RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon