"Young Master, everything were ready."
"Thank you Butler Jacob," sabi ni Nathan at humarap sa Butler niya. "Please, take care." Sinserong pang dagdag nito.
Hindi niya kasi pwedeng isama ang lahat, kaya naman pinag-iingat niya na lang sila. Hindi lang iyon simpleng pag-iingat. Dahil sa paglabas nila, magbabago ang lahat at mangyayari ang mga bagay na hindi na nila alam kung ano. Wala siya sa loob para tulongan ang kasamahan niya sa bahay. Pero, sinigurado niya ang lahat para dito.
"Let's go, Papa." Sigaw ng masigasig Beatrix. Parang bata talaga ito dahil naka-pigtails pa at hinihila ang laylayan ng t-shirt na suot ng binata. Simple lang ang suot niya, pedi dalang-dala niya ito.
"Okay. Pero kailangan nating hintayin ang iba." Sagot ni Nathan na kinabusangot ng isa.
"Yes, anak. Sandali na lang 'yon." Alo pa ng ina. Tumango na lang ang bata bilang pagsang-ayon.
Ang dalawang bata naman ay tahimik lang na nakaupo sa isang tabi at kumakain ng ice cream na binili ni Nathan. Hindi naman na gano'n kaaga kaya maari na silang kumain. At 'di katulad ng kapatid, mas simple ang suot nila dahil talagang mas kikay manamit at mag-ayos si Beatrix.
"Sorry sa paghihintay." Bugad agad ng kararating lang na si Eclipse.
"Ayos lang," nakangiting sagot ni Cathy, "wala pa din naman ang mga Diaz." Tumango naman ang babae na nakiupo sa mga bata, na nakatitig sa kanya.
Bakas ang pagtataka sa mga mata ng mga bata. Nerd man si Eclipse, hindi maitatago ang ganda nito. Lalo na ang lumalabas na aura dito, nakakatakot---pero sa mga bata ay nakakahanga iyon.
"Sorry, we're late. General Diaz oriented us before going here." Sabi ni Patrick habang binibigay ang dalang bag sa nakaabang na tauhan ng eroplano.
Gagamitin nila ngayon ay isang private jet ng gobyerno. Kilala iyon dahil may logo, kaya walang may magtatangkang gumalaw sa kanila. Doon sila sigurado.
Nauna na agad tumayo si Eclipse para pumasok sa loob ng sakayang pamhimpapawid, habang ang mga bata ay nakasunod naman dito.
Natawa na lang si Cathy na nagpaalam kay Butler Jacob bago sumunod sa kanila. Sumunod na din si Shae na walang pakialam sa paligid, habang pinaglalaruan nito ang kanyang singsing.
Sumunod naman ang dalawa na nagkaroon ng pag-uusap. Walang alam si Nathan sa paglipad na ito, alam niyang si Patrick lang ang makakasagot sa kanyang mga katanungan.
"Diretso na ba tayo ng Academia?" Tanong ni Nathan.
"Hindi na muna. Dadaan muna tayo ng Europe para daanan ang iba pang estudyante doon, 'yan ang utos sa akin ni General." Sagot ni Patrick at nginitian ito.
Napangiti na din si Nathan. "Gusto ko ding makapunta sa Europe, tama lang pala na mapadaan tayo doon."
"Gusto ko ding malibot doon. Kung ano ang pinagkaiba dito sa atin." Sabi ni Patrick habang nabubuo ang idea sa isipan.
Tumango naman si Nathan at ngumiti papasok sa sasakyan. Pagkapasok nila, sinirado na agad ito.
Ordinaryo lang ang buong loob eroplano. Mayroong pares ng upuan sa kaliwanat kanan ng eroplano. Tulad din ng iba, puti din ang kulay nito. May dalawang banyo sa likod, at quarter ng mga flight attendant.
Kahit kunti lang ang upuan at capacity ng eroplano, malakas ang makina na gamit nito. Kaya mabilis ito kaysa sa ibang eroplano.
Naupo sa pinakalikod si Eclipse, habang ang mga batang nakasunod sa kanya ay naupo din malapit sa kanya. Si Eijaz na nasa kanyang tabi, ang dalawang babae sa kanyang harapan.
BINABASA MO ANG
Alien mate: The Lost Royalty
FantasyWho am I? What am I? Who are my parents? Why I am different? Where I came from? When will I knew the truth? -questions inside their head.