Lost 2

637 60 50
                                    


"Good morning, Mr. President."

"Morning, Pres."

"Morning, Mr. handsome."

"Good morning, my future."

"Nadala lang sa pogi. Tsk!"

"Hindi naman kagwapohan ah?"

Ilan lang yan ang maririnig sa mahabang paselyo ng paaralan. May normal na estudyante, mga tinatawag nilang nerd, merong may malandi, na iinggit, at kung ano pa.

Lahat ng iyon ay hindi pinansin ng isang lalaki na may maamong mukha. Mabait ito at palangiti, pero hindi mahilig mamansin at paulit-ulit ng salita. Friendly din naman siya pero pili lang ang nagiging kalapit talaga  Pero kahit ganoon, pinagkakaguluhan parin siya ng mga babae na siyang kinaiinis ng iilang mga kalalakihan.

"Morning, President Preston." Bati ng kanyang sekretarya na si Catherine. Matagal niya na itong sekretarya, kaya close na rin sila.

"Morning, Catherine. My schedule for today?" Nakangiting sabi ng lalaki habang patuloy na naglalakad papunta sa opisina nilang mga officer. Apat na taon niya na din bilang presidente ng eskwelahang pinapasukan. At sa apat na taong iyon, walang kumakalaban sa kanya at ginagalang siya ng lahat.

"Isa lang po, may meeting po tayo kasama ang head ng school at ng state. Hindi pa sinabi ang agenda, so I can't tell you why." Sabi niya pa dito. "After lunch ang naturang meeting."

"Sige. Sumama ka mamaya."

"Okay Mr. Preston." At sumabay na sa kanyang paglalakad ang babae.

Sa paglalakad ng dalawa, iba't ibang bulongan na naman ang maririnig. Pero hindi iyon pinansin ng dalawa. Sanay na sila sa araw-araw na ganoong kaganapan.

"How's Beatrix, Gwyneth, and Eijaz?" The president asked the girl.

"They're fine. But they missed you and kept on asking when will you visit them." Sabi ng secretary na may ngiti sa labi maalala lang ang mga bata.

"Mamaya siguro." Sabi nito na pumasok na sa klasrum na una niyang klase.

Hindi na sumagot si Catherine at nagpatuloy na din sa kanyang silid.

Naging matiwasay ang buong umaga nila sa klase. Walang may nangyaring gulo dahil takot lang ng mga estudyante. Hindi sa mga guro, kundi sa presidente at sa namamahala.

Simula kasi ng nangyari ang naturang digmaan, dalampung taon na ang nakakalipas, pinagtibay na ng pamahalaan nila ang buong nasasakupan. Lahat ay kailangang magsanay para makalaban lung ano man ang mangyari.

Marami na din ang militar at mas pinagtibay ang mga armas. Pinagsanay pa ng mas matindi ang sundalo nila para makasabay sa kalaban, kung sakali man.

Mas naging mahigpit na rin ang patakaran, na halos nakakasakal na pero wala naman silang magawa para kumontra.

Nasali na din sa mga batang nasa eskwelahan ang training. Mula grade three, kailangan mo ng matuto. Dapat disiplinado para walang gulo.

At ang parusa sa lumalabag, mas mabibigat na training o pinaparusahan ng mga bagay na hindi alam ng mga tao. Mga bagay na kinasira ng pagkatao ng isang tao; physical, emosyonal, at espiritwal.

Pero ang iba, hindi na bumabalik pa.

Sobrang laki ng pagbabago, kaysa sa nakagawian noon. Pero hindi iyon alam ng ngayong henerasyon. Malaki ang paniniwala nila sa pamahalaan.

Na ang mga nilalang sa labas ng harang, ay mga halimaw. At ang halimaw ay masama. Dahil masama, kailangang patayin.

Walang magawa ang iba sa kasabihang iyon, alam nila ang totoo pero mas pinili nilang manahimik. Tulad ng isang tao...

"Young master," bati ng isang lalaki sa binata.

"Ano ang pinunta mo dito Butler Jacob?" Tanong ng presidente sa butler nito na biglang sumulpot.

"It's the day, young master." Pagpapaalala nito sa kanya.

"I know, dadaan ako mamaya pagkatapos ng meeting. Just prepare all the things that I will need." Sabi ng presidente na naglalakad papunta sa meeting room.

Tumango naman ang tumayo niyang ama bago ito umalis para ihanda ang kailangan niya.

Sa kalagitnaan ng daanan, sumabay na rin sa kanya si Catherine. Lunch break na ng iba kaya maraming tao sa daan, pero lahat umiilag pagdumadaan ang naturang lalaki.

"I prepared our lunch. Let's go to your office." Aya ni Catherine na pinakita pa bag nitong dala na siguradong pagkain ang laman.

Tumango naman ang lalaki at sumunod sa dalagang ina na matagal niya ng nakakasama at kilala. Sanay na din si Mr Preston na palaging may dalang pagkain si Catherine, ayaw kasi nito ng kung ano lang kainin niya.

Tulad ng plano, masagana silang kumain. Magaling kasi magluto si Catherine kaya lahat napapahanga, makatikim ng niluto niya.

"Anong tamang oras ng meeting?" Tanong ng lalaki at uminom ng tubig. Tapos na siyang kumain habang may natira pa sa kaharap.

"Around 1:30pm."

"We only have half an hour. Maghanda na tayo." Sabi ng presidente at tumayo. Nagpunta muna ito sa banyo at ginawa ang pakay.

Habang ang dalaga naman ay nag-ayos ng pinagkainan nila. Pagkatapos, pagkalabas ng binata ay siya naman ang pumalit sa loob ng banyo.

Nag-ayos na din ang binata ng mga gamit na kanyang dadalhin. Pero sa kalagitnaan nito, may biglang kumatok sa pinto.

He feels down at that moment, kaya walang ganang pinagbuksan ito ng lalaki. Pero isang pangyayari na kinagulat niya.

Sinunggaban lang naman siya ng halik ng tao na nasa kabilang pinto. Tinulak siya nito at hinalikan, sabay sandal sa nakasira ng pinto.

Isang halik na naging mas mapusok ng tinugon ito ng binata. Ang pangahas ay napahawak sa kanyang bewang at ganoon din ang binata dito.

Damang-dama ang pananabik ng dalawa sa bawat hagod ng labi sa isa't isa. Sa bawat galaw ng kanilang labi, kasabay ng sayaw ng kanilang dila, sa saliw ng musika na sila lang ang nakakarinig. Ang lalim ng kanilang halikan na akala mo wala ng bukas.

"M-mate, I miss you." Madamdaming sabi ng pangahas ng bumitaw ang mga labi nila ng kinapusan na sila ng hangin. Bakas din sa mga mata nito na nagsasabi ito ng totoo.

"I miss you too. Pero, akala ko sunod pa na araw uwi niyo?" Nagtatakang tanong ng binata na bumitaw agad. Narinig nilang nag-flash na ng cr ang kasama nila sa silid

"Akala ko din. Pero minadali kami ni Dad na umuwi." Nagkibit-balikat pa ito. "Wala kaming choice." Tumango naman ang binata na nakangiti na. Wala na siyang pakialam sa rason, basta nakauwi na ang espesyal na tao na nasa kanyang harapan.

Bakas ang saya nila sa muling pagkikita. Malapit lang at nakikita ang isa't isa, ay masaya na sila. Nabubuo na ang araw nila.

Magsasalita pa sana ang pangahas, ng bumukas ang pintuan ng banyo. Nagtataka namang tumingin si Catherine sa dalawa.

"M-mr. Diaz? Anong ginagawa mo dito?"

"Pinapasundo na kayo ni dad." Pormal na sagot nito, na akala mo walang ginawang kakabalaghan kanina lang.

"Let's go." Nakangiting sabi ng binata. Nauna na itong naglakas at kasunod ang dalawa. Napansin ni Catherine ang ngiti niya, ngiti ng totoong masaya. Kaya napangiti na din si Catherine na sumunod.

Naglakad sila papunta sa isang pagpupulong, na siyang magiging dahilan ng pagbabago ng lahat.




A/N: Short update na muna. Mas mahaba pa sana, pero hiwalay ko na lang ang meeting. Mukhang mahaba at intense, di ko pa alam. Mag-iisip pa ako.

Ps. Wag malito. Hahaha

Alien mate: The Lost RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon