Lost 3

619 54 50
                                    


Isang araw...

Araw kung kailan magsisimula ang pagbabago sa buhay ng limang estudyante. Hindi sila ang nagpasya, pero sila ang matatamaan.

Sila ang gagawa, pero iba ang manginginabang.

Sa isang silid na may mahabang mesa, labing-dalawang upuan, sirado ang bawat bintana, malamig ang umiihip na hangin, at may pag ka-dim ang ilaw. Sa apat na sulok ng silid na ito ang magiging saksi.

"Good morning, ladies and gentleman." Bati ng isang babae na nakasuot ng pormal na kasuotan sa kanila ni Mr. Preston, Miss Thorne, at Mr. Diaz na nauna na doon sa malaking silid ng pagpupulong.

Sumunod sa babae papasok ang dalawang bodyguard, kasunod ang ama ni Mr. Diaz, si General Diaz. Dalawang bantay ulit at sumunod ang pinuno nila; si Principal Bruce Newton---school principal na may malaking tiyan at mukhang hindi mapapagkatiwalaan, Vice President Charlie Samson---babaeng mahinhin kung tingnan pero sabi-sabi na nakakatakot ito at hindi nagdadalawang isip kung pumapatay, at si President Eliot Jessey---magkasing edad sila ni Gen. Diaz at isang matipunong lalaki na may seryosong mukha at sobra ang galit sa nilalang sa labas dahil pinatay daw nito ang mga magulang niya.

Nang makapasok ang malalaking tao sa lipunan nila, sumunod ulit ang bodyguard at isang tao na hindi inakala ni School President Preston na makikita niya pa pagkalipas ng labing-apat na taon. Isang babae na halos kamukha niya pero hindi makikita na ngayon. May ginawa siya sa kanyang mukha para hindi sila mapahamak tulad ng maliit pa sila.

Gusto lumaki ng mata ng binata, kinakabahan siya at nasasabing. Pero nagpakaseryoso siya dahil kaharap niya ang mga taong hindi dapat pinapakitaan ng kahinaan.

"Good that you're here, Mr. Preston. As you can see, we have an important issue to discuss with your presence. Pero, hindi ko alam na kasama mo ang sekretarya mo." Sabi ni Principal Newton sa binata, na nakatingin naman sa magkabilang nilalang na nakatayo sa likod ni Gen. Diaz.

"I always need her. That's all you need to know." Sabi nito. "Shall we start?" Bored niyang sabi.

Napatawa naman ang spokesperson nila bago nagsalita. "We will, pagdating ng hinihintay natin," at timing na may bumukas ng pintuan. Pumasok doon ang dalawang tao na bahagi din ng eskwelahan. "Welcome Mr. Jordan at Miss Colton have a sit." At umupo na nga sila.

"Ang meeting na ito ay para iparating sa inyo ang napagkasunduan ng ating mahal na pangulo at ang reyna ng mga halimaw, I mean ng mga nilalang sa labas." Gustong mapaismid ni Catherine sa narinig. Alam niya ang kalakalan sa labas dahil sa nakaraan niya, at malayo ang nilalang sa labas sa halimaw.

"And what is it?" Naiinip ng tanong ni Mr. Preston.

"We agreed, to bring students to their school. Para daw mapatunayang hindi sila masama, which we agreed. Hindi para sa pakay na iyon-" pero pinutol siya ni Gen. Diaz.

"Kailangan natin ng iba pang impormasyon tungkol sa kanila. Kunti lang ang nalakap namin, at mula pa sa mga nagnenegosyo lang. Wala kaming tauhan sa loob." Nakangisi pa ito. "Pero kung maipasok namin kayo, mas malalaman natin ang kahinaan nila. At pag nangari iyon, matatalo na natin sila at mapapatay lahat." Nakangisi pang sabi nito na akala mo ang ganda ng plano.

"Hindi po ba 'yan delikado, Sir?" Tanong ni Mr. Jordan.

"Delikado kung papahuli kayo. At kaya nga kami pumili ng ipapadala, para walang bulilyaso." Sabi pa ng Gen. na bakas ang masamang binabalak sa mga mata, at iling tao lang ang nakakakita.

"Kailangan namin kayo para makalakap ng impormasyon para mapatumba sila. Hindi sila basta-basta. At mas lalong ikakasaya ko kung mapalapit kayo sa Reyna. Mas mapapadali ang gagawin natin." Nakangisi pang sabi ng Pangulo.

Alien mate: The Lost RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon