Lost 5

615 44 16
                                    



"Mr President, pinapatawag na po kayo ni Mr Diaz. Handa na daw ang arena." Sabi ng isang lalaki na habol pa ang paghinga. Sa palagay ni Nathan, grade school pa lang ito na malaki lang ang bulas, 'di pa kasi sanay sa mahabang takbuhan.

"Okay, I'm coming." Sagot ni Nathan na tumango lang kay Catherine. Ngumiti naman ang isa para ipaalam na siya na ang bahala sa gamit nito.

Mabilis ang mga hakbang na dumaan si Nathan sa koredor, kung nasaan ang mga esturdyante ay nakikipag-usap na sila na naman ang paksa.

Ilang taon na ba na pag nagkikita sila ni Patrick ay palaging may labanang nagaganap. Sa bawat labanan na iyon, si Nathan ang nanalo na kinagusto ng namumuno. Gusto siya kunin ng pamahalan, pero dahil isa rin si Nathan sa mayayaman, hindi siya mapasunod ng mga ito.

Lumiko pa ng ilang ulit si Nathan hanggang marating niya ang isang napakalawak na arena. Sparing arena ito, at dito nalalaman kung may natutunan ka. Pabilog ang arena na walang bubongan. Nakapaikot din ang mataas na upua para sa lahat ng manonood, at puno ito ngayon.

Naghiyawan ang lahat ng makita nilang papasok na si Nathan. Habang ang guro at may matataas na antas sa lipunan ay nakaupo na ng maayos.

Si Patrick naman ay napangisi at sumeryoso ng makita ag kabiyak na papasok sa arena. At katulad ng nakagawian, ni hindi man lang si Nathaniel nagbihis para sa laban nila.

"Bilisan na natin ito. May gagawin pa ako." Sabi ni Nathan na nakatayo na sa harap ni Patrick.

"Hindi ka talaga nagbabago Mr Preston." Nakangisi na naman na sabi ni Patrick. "Okay, umpisahan na natin."

Suminayas na sila sa referee ng laban. Isa lang ang patakaran, walang patayan.

Naghiyawan ang lahat sa senyas na iyon. Pero hindi nagtagal ang hiyawan at nanahimik sila dahil umpisa na ng laban.

Hindi gumagalaw ang dalawa at nakatingin lang sa mata ng bawat isa. At sa isang iglap, nagsalubong sila.

Susuntukin sana ni Patrick si Nathan, mabilis na nailagan ito ni Nathan. Yumuko ang binata at pinatamaan si Patrick sa tiyan gamit kanyang siko. Hindi iyon napaghandaan ni Patrick, pero dahil sanay naman siya, halos wala 'ring epekto.

Napaatras silang dalawa habang nakatutok ang kamao sa bawat isa. Seryoso ang bawat tingin na pumapaikot sila sa bawat isa.

Mabilis na umataki si Nathan, sinuntok niya si Patrick na tumagilid para iwanan ang pagtama nito.  Mabilis na pinagalaw ni Patrick ang kanyang binti at pinatid si Nathan. Nagtagumapay ito, at kinuha niya ang pagkakataon na sipain ang nakadapa ng binata.

Pero dahil sa bilis ni Nathan, nagpagulong siya palayo dito. Mabilis siyang tumayo na parang walang nangyari.

Habang si Patrick ay hindi pa tapos sa pag-ataki. Mabilis ang galaw na sinipa niya si Nathan, natamaan naman ang isa sa binti pero parang wala lang ito dito.

Ang sunod na sipa ni Patrick ay kanyang sinalag at hinawakan ang binti na Patrick. Isang malakas na pagtama sa binting hawak ni Nathan ang sunod na naramdaman ni Patrick.

Kitang-kita kung paano ang siko ni Nathan ay tumama dito, na siguradong malaki ang magiging dulot no'n kay Patrick.

Mabilis na sinipa ulit ni Patrick si Nathan gamit ang isa pang paa. Tinukod niya ang dalawang kamay sa lupa para ibalanse ang katawan, at sa pagtama ng paa niya sa dibdib ni Nathan, nabinatawan siya nito.

Mabilis siyang lumayo dito at hinaplos pinaikot-ikot ang binti para mawala ang sakit. Magaling si Nathan sa mga ugat ng katawan, kaya natamaan nito ang isang ugat doon na nagpahirap kay Patrick para igalaw ang daliri. Pero nasa isip ni Patrick ang manalo, kaya ininda niya ang pamamanhid.

Alien mate: The Lost RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon