A/N: First time ko to gagawin, sana ayos lang. At sana walang magsaalsa-balutan diyan.
"Kailangan mo na ba talagang umalis?" Malungkot na sabi ni Patrick sa kabiyak.
Oo... Mag relasyon sila. Isang tagong relasyon.
Isa sa pinagbabawal ng kanilang pamahalaan; ang magmahal ng kapwa mo kasarian. Gawa daw kasi ito ng mga halimaw, at hindi sila halimaw. Kaya naman tinago nila ito sa loob ng dalawang taon.
Dahil sa panahong nalaman ito ng pamahalaan, kukunin ang dalawang tao at ilalagay sa corrections facility na kanilang sinasabi. At doon, iba't ibang torture ang nagaganap hanggang sumuko ang isang tao at mangakong magpakatuwid. Meron din namang ayaw bumigay, ang natamo ay ang buhay na walang hanggan---kamatayan.
Kaya naman, ginagawa nila ang lahat para mailihim lang ito. Lalo na't ama ni Patrick ang isa sa pinuno ng militar.
"Alam mo namang kung anong araw ngayon," at tumingin si Nathaniel sa binata. "At isa pa, may salu-salo kayong magaganap ngayong umuwi na si Shae." Nakangiti nitong sabi at hinawakan ang kamay ni Patrick.
"Tama ka nga. Lalo na ngayong mainit ang mata ni Dad sa akin-"
Isang labi ang nagpatigil sa kanya sa pagsasalita. "I know. At dahil mahal kita, ayaw kitang ipahamak." Tinitigan ni Nathaniel ang nobyo sa mga mata. "Sa paglabas natin sa hawlang ito, sana mabigyan na din tayo ng laya. Na ipakita ang pagmamahal ko sayo, gano'n ka din sa akin." Puno ng determinasyong sabi ni Nathaniel.
"Sana nga." Sang-ayon nito at tinawid ang natitirang pagitan ng kanilang mga labi. Isang banayad na halik ang kanilang pinagsaluhan. Hanggang naging mapusok pero nandoon parin ang pagmamahal.
Yakap ang bawat isa, pinadama nila ang pagmamahal na meron sila. Mga pangungulila. Pagmamahal na gustong ipakita sa lahat ng tao.
Ilan pang segundo bago naghiwalay ang kanilang mga labi. Habol ang hininga, mas hinapit ni Nathaniel ang nobyo at niyakap ito ng kay higpit.
"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko." Pangako ni Nathaniel sa kanyang isipan.
Nasa gano'n silang posisyon, nang naisturbo sila sa isang mahinang katok sa pinto ng opisina ni Nathaniel.
"Sino 'yan?" Sigaw niya habang hindi parin inaalis ang yakap kay Patrick.
"Young master," at nakilala niya na agad kung sino ito.
"Kailangan ko na ngang umalis. Sinusundo ka na." Natatawang sabi ni Patrick.
Napahinga ng malalim si Nathaniel bago binitawan ang kasintahan. Tumingin ito sa kanyang mata.
"I love you."
"I love you too." Masayang tugon ni Patrick.
"Mag-ingat ka."
"Kayo din." At sumaludo pa 'to bago tinungo ang pinto. Ngumiti siya lay Nathaniel at binuksan ang pinto. "See you next time Mr. Preston. Prepare for another battle. And this time, ako na ang mananalo." Nakangisi pang sabi ni Patrick na narinig ng iba pang tao sa labas bago siya umalis.
Nakangiting umiling naman si Nathaniel.
Habang ang kanyang butihing Butler ay walang emosyon pero alam ni Nathaniel ang iniisip nito.
"Let's go, Young Master." Sabi nito at yumuko pa.
"Okay." Maiksi niyang sagot at umalis na agad sila.
May mga estudyante pa silang nadadaanan, pero ang mga iyon ay 'yong may training. Lalo na ang nasa mababang level, kailangan sumanay ng paulit-ulit para maging magaling.
BINABASA MO ANG
Alien mate: The Lost Royalty
FantasyWho am I? What am I? Who are my parents? Why I am different? Where I came from? When will I knew the truth? -questions inside their head.