Chapter 7

1.9K 82 6
                                    


NAPINDOT ko na ang gatilyo ng baril ko bago pa man ako tuluyang mabaril ng isa sa mga miyembro ng sindikato. Rinig na rinig ko ang putukan ng baril sa labas. Malamang ay nanlaban ang mga ito sa mga kasamahan ko. Muli kong pinasadahan ng tingin ang mga kababaihan na hanggang ngayon ay nag-iiyakan.

“Babalikan namin kayo rito. Walang lalabas,” mariin kong saad bago binalingan si Aeryn.

Pinatakan ko ng halik ang kan’yang noo at saka siya ibinilin sa mga babaeng malapit sa pwesto niya. Tumayo na ako at agad na lumabas. Ang armalite na hawak ay tutok sa harapan. Agresibo ang bawat paghakbang ko ngunit may halong pag-iingat.

Huminto sa harap ng pasilyo ang isa sa mga lalaki at bago pa man niya maiputok ang baril ay natamaan ko na siya, diretso sa kamay. Nahulog ang baril mula sa kan’ya. Agad akong sumugod at hinampas siya ng baril sa mukha. Isang suntok pa ang pinakawalan ko at tuluyan siyang nakatulog sa sahig.

Nagtagis ang bagang ko nang makita ang nangyayari sa buong kabahayan. Nakikipagsagupan ang mga kasamahan kong pulis sa mga lalaki. Ang iba ay may mga tama ng baril, kabilang na ang mga kasamahan ko. Batid ko ring may habulan pang nangyayari sa labas.

Hindi ko napaghandaan ang isang suntok sa panga ko ng lalaking biglang sumulpot sa gilid ko. Napaatras ako at napahawak sa aking panga. Paglingon ko ay natadyakan niya agad ako sa dibdib kung kaya’t nabuwal ako sa pagkakatayo. Nabitawan ko ang baril ko na agad niyang sinipa palayo.

Aba, ang tarantadong ‘to!

Agad akong tumayo at nasalag ang kamao niyang tatamang muli sa mukha ko. Gamit ang isa pang kamay ay mahigpit kong kinapitan ang braso niya at malakas iyong pinilipit. Napahiyaw siya sa sakit. Malakas kong sinuntok ang mukha niya na naging sanhi ng pagdurugo ng ilong niya. Nang sa tingin ko’y hindi na siya makakalaban pa ay initsa ko na siya sa sahig.

Napatingin ako sa iba pa. Mabilis kong nasipa pataas ang palapulsuhan ng isa na tangkang babarilin si Oliver. Napalingon ito at pinaputukan sa hita ‘yong lalaki. Nang tumingin siya sa akin ay agad akong nag-utos.

“Posasan niyo na ang mga nakahandusay. Move!”

Isang beses siyang tumango at agad na sinunod ang sinabi ko. Isang suntok sa sikmura ang natanggap ng isa pang sumugod sa akin. Pwersahan kong inagaw ang baril na hawak nito at inihampas iyon sa kan’yang ulo. Napangiwi ako nang makaramdam ng pagsiko sa aking batok. Kamuntikan na akong matumba ngunit nagawa kong humawak sa lamesita sa tabi.

Paglingon ko sa taong gumawa no’n ay buminggo na naman ang panga ko. Putangina! Kapag ako’y nakapagpa-X-ray at nakitang may bali sa panga ko, talagang pababanatan ko ang mga hindot na ‘to sa kulungan!

Sino bang nagsabi na paprente-prente lang ang buhay sa selda? Sa oras na pumasok sa kulungan ang isang tao, matik nang impyerno ang sasalubong. Kung gaano kabigat ang krimen na ginawa, ganoon din ang isasalubong ng mga preso. Kung gaano ka kahayop, ganoon din sila kahayop sa ‘yo—baka nga mas malala pa.

Nahablot ko ang vase na nakapatong sa lamesita at inihampas sa ulo ng lalaki. Nagkabasag-basag ang vase at tumulo ang dugo mula sa kan’yang ulo. Malakas na tadyak pa ang ginawa ko sa dibdib niya bago siya humandusay sa sahig.

“Pasok! Tatakbo-takbo pa kayo, akala niyo makakatakas kayo sa amin? Mga bobo!”

Halos itulak ng mga kasamahan ko papasok ang iba pang mga nagtangkang tumakas. Higit sa lima ang mga ‘yon at pare-pareho nang mga nakaposas.

“O, ano? Papalag pa? Kingina, nagpapakapagod lang kayong mga lintik kayo, e!” sigaw ni Cruzate.

Wala nang nagawa ang iilan at hinayaan na lamang na posasan.

Exchanging BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon