Chapter 10

2.2K 83 5
                                        


PINATAKAN ko ng halik ang pisngi ni Aeryn na hanggang ngayon ay natutulog pa rin. Kiniskis kong ang tungki ng ilong ko sa ilong niya upang kulitin siya. She snorted. I just chuckled.

"Wake up, sweetie." Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya at inamoy-amoy ito.

Hmm... she smelled like strawberry.

I kissed her neck up to her jaw until it reached her lips. Gumalaw siya at supladang nag-iwas ng mukha. Tumawa ako at mas kinulit lang siya lalo. Nasira na ang tulog niya. Unti-unti niya nang iminulat ang mga mata at sinimangutan ako.

"Hi," nakangisi kong pagbati.

She groaned and her hands immediately flew on her face to cover it.

"What are you doing here? My morning face! I'm panget pa!"

Humalakhak ako at pilit tinanggal ang mga kamay niya sa mukha niya.

"I've seen your face a lot of times in the morning after making love at night—"

"Grrr!" Sinapak niya ako sa braso bago siya tuluyang bumangon.

Kinuha ko ang isang bouquet ng assorted flowers na nilapag ko sa bedside table at iniabot sa kan'ya.

"Oh!"

Namilog ang mga mata't bibig niya. Nagmukha na naman siyang bata na namamangha. Ngiting-ngiti niya itong kinuha at parang tao na niyakap. I looked at her sharply and waited for her greet, but it didn't came! Sinasabi ko na nga ba!

"Mukhang may nakakalimutan ka," masungit kong saad.

Tumaas ang dalawang kilay niya.

"Uhm... thank you? For the flowers! Thank you!" Lumapit siya upang halikan ang pisngi ko.

Mas lalo akong sumimangot. Pinaningkitan ko siya ng mga mata habang siya ay masayang-masayang nakatingin sa akin.

"Hindi 'yon! Isipin mo nang mabuti kung ano ang nakalimutan mo!"

Inilagay niya ang kamao niya sa ilalim ng baba niya at kunwari pang nag-isip. Mas lalo akong naasar.

"Ah!" Bigla niya akong siniil ng halik sa labi. "I love you!"

Bigo akong bumuntong hininga at inis na nag-iwas ng tingin.

"I knew it. You forgot this day," malungkot kong pahayag.

Nilamon ng mga kuliglig ang buong kwarto niya. Maya-maya'y ang gumuguhit na katahimikan ay nabulabog ng maliit niyang bungisngis. Kunot-noo ko siyang tiningnan. She cutely smiled at me before straddling on my lap.

"I'm joking you lang!" muli pa siyang tumawa. "Happy anniversary!"

Masuyo niyang hinalikan ang noo ko. Lumambot ang mukha ko. I thought that she really did forget our first anniversary. This was the most especial day for the both of us, so we must always remember this day. I felt so sad and hurt a while ago only to find out that she was just joking me? This girl!

"Don't make tampo na 'yang bebe ko."

Tss. Parang ewan 'to talaga, e.

Sa huli ay hindi ko na rin kinaya ang pag-iinarte ko. Nakakabakla, pero totoong nagtampo nga ako noong una dahil akala ko'y nakalimutan niya. Hindi ko rin naman matiis ang kakulitan niya.

"I'll get her home by ten pm, Tito, Tita," magalang kong pamamaalam sa mga magulang ni Aeryn.

"Alright, hijo. I hope you two enjoy." Tinapik ni Tito Albert ang aking balikat.

"Darling, behave, okay?" paalala ni Tita Alyna sa anak. "You're always malikot kaya sometimes you're losing your poise!"

Ilang beses ko nang narinig ang pananalita ni Tita Alyna. Hindi na ako nagtaka kung kanino nagmana ng kaartehan at ka-conyohan ang girlfriend ko. Ngumuso lang si Aeryn at bahagyang nagyuko ng ulo sa ina.

Exchanging BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon