Chapter 1

2.3K 91 9
                                    


NAPAUNGOL ako nang mag-unat ako pagkadilat ng aking mga mata. Unti-unti akong bumangon at natulala sa pader. Hindi pa sana ako gagalaw kung hindi lang ako nakarinig ng kaluskos sa labas. Kumunot ang noo ko at napatingin sa orasan na nakasabit sa dingding.

Alas sais ng umaga. Kung akyat-bahay ito, ang aga naman? Umagang-umaga ay mapapasabak ako sa laban? Pagod pa nga ang katawan ko sa drug raid kahapon! Kung hindi nagsidatingan ang mga PDEA ay baka hindi na kami nakauwi pa.

Tangina kasi. Ba't ba kami ang inatasan do'n? Trabaho ng PDEA 'yon! Sila dapat ang nauna roon!

Tumayo ako at nagsuot ng t-shirt. Dahan-dahan kong nilapitan ang pinto at idinikit ang tainga sa pinto upang pakinggan ang nangyayari sa labas ng aking kwarto. Something that had happened in the past crossed my mind. It was exactly like this. I was also in my room then the next thing happened, the whole body mirror in the living room got broken into pieces.

Maingat kong pinihit ang seradura ng pinto at nang magkaroon ng maliit na siwang ay sumilip ako. Ang tahimik na sala ang namataan ko dahil iyon mismo ang katapat ng aking kwarto. Ang naririnig kong kaluskos ay nanggagaling sa kusina na siyang hindi ko matanaw.

Tahimik akong lumabas ng kwarto. Parang hangin ang bawat paglapat ng mga paa ko sa marmol na sahig sa sobrang tahimik. Paglapit ko sa kusina ay natigilan ako sa taong aking nabungaran. Pumorma ng isang linya ang aking mga kilay.

"Good morning, Carlson! How's your sleep, my prince charming?" punong-puno ng enerhiyang bati at tanong ni Aeryn.

Anong ginagawa ng babaeng 'to rito?

Isinalin niya sa malaking mangkok ang bagong luto na sinangag habang ngiting-ngiti pa rin ang mukha.

"What the fuck are you doing here?" mariin kong singhal.

"Dinadalaw ka! Hello? I know your tired from your pakikipagbarilan yesterday and you went to our house pa to give me my blueberry cheesecake. I just want to make bawi that's why—"

"Paano ka nakapasok?" pagpuputol ko sa pananalita niyang pagkaarte-arte. Namaywang ako at mas lumapit pa sa kinaroroonan niya habang nakakunot pa rin ang noo.

"I duplicated your key! You didn't know? My gosh!"

Mas lalo akong napasimangot. Talagang hindi ko alam! Kailan niya ba ipinaalam sa akin ang mga bagay na gagawin niya bago niya gawin? Magugulat na lamang ako sa mga pasulpot-sulpot niya. Baka nga sa susunod ay sa kalagitnaan ng operasyon ay bigla na lang siyang sumulpot!

"Tss. Why do you always assume that you're welcome here, huh?" I spat mercilessly.

Her brow shot upwards before turning her playful eyes at me. She smirked and advanced 'til our faces were close to each other.

"Oh? Am I really not welcome here pa ba? Ilang beses mo na akong dinala rito, Carlson. Kulang na nga lang ay dito mo 'ko patirahin 'cause you always fuck me."

My stare at her darkened at what she said. Hindi ko alam kung saan kumukuha ng lakas ng loob ang isang 'to para isatinig ang mga salitang gano'n. I guess she was really that blunt and outspoken.

"Kahit ilang beses mo pang sabihing hindi ako welcome dito, you will always have your ways of bringing me here," dagdag pa niya sabay tingkayad upang maabot ang mga labi ko.

Suplado kong iniiwas ang mukha ko, pero mas lalo lang siyang ginanahan sa pangungulit. She became naughty again by teasing me with her wet kisses.

"You have a very grumpy morning, sweetie," she said in between her kisses. "What can I do about that?"

I smirked and stared at her. The raging desire in her eyes seemed to mirror mine. Isang malalim na halik ang ibinigay ko sa kan'ya bago ako bumitiw.

"Laters, sweetie. I need to get ready for work."

Parang bata siyang ngumuso ngunit wala na ring nagawa. I chuckled. Bumalik siya sa paghahanda ng pagkain. Ako naman ay nagtungo sa sala at binuksan ang telebisyon. Naupo ako sa couch at mula rito'y tanaw ko pa rin si Aeryn.

Maliit lang naman kasi ang unit kong 'to. Studio type. Kahit saang sulok ka pumwesto ay makikita mo ang kabuuan. Hindi na para ako kumuha pa ng malaking type dahil ako lang naman ang titira.

Habang nanonood ay panaka-naka kong sinusulyapan si Aeryn sa kusina. Seeing her in the kitchen made me think that she was already fit to be someone's wife.

Someone's wife? Really, Enriquez?

Bumuntong hininga ako at iwinaglit sa aking isipan ang pumasadang pag-iisip. It was just very surreal to see her doing chores because as far as I knew, she was a brat. She was living like a princess—always getting what she wanted.

Nakilala ko siya sa party ng isang kaibigan, isang taon na ang nakalipas. Hindi ko noon alam kung sadyang liberated siya o malakas lang ang tama ng alak para biglaang makipaglandian sa akin. She seduced the shit out of me at sino ako para tumanggi?

Wala naman akong siyota, lalo na asawa kaya para saan pa ang pagtanggi sa tukso? Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa habang nagluluto sa kusina. With that face and body, who's uncommitted man could fucking resist?

It's very easy to play fire with anyone if you're not committed. Flirt and fuck anyone you want, pero siguraduhin mong walang masasaktan dahil ang pagtataksil, madaling mapatawad ngunit hindi madaling kalimutan. It will bury deep within their soul until they end up questioning their worth and where did they go wrong.

Cheating can burn someone into ashes when you let the sinful fire in.

I didn't get the point of views of those who cheat, actually. Why cheat if you're scared to be caught? More so, why cheat if you love your partner? Or not really? Because you will never ever cheat if you deeply love your partner. Well, then... why enter a relationship if your love for him or her is not that strong?

Nakakagago. Kaya ako, sisiguraduhin kong mahal ko talaga ang isang tao bago ako makipagrelasyon. And I would always stay faithful.

That night, Aeryn and I  had sex... and she was a fucking virgin! Pagkatapos no'n, hindi niya na ako tinantanan. She said she likes me and she'd do anything to make me notice her. Akala ko, kaya niya ako hinahabol-habol ay dahil sa tingin niya, may pananagutan ako sa kan'ya porket ako ang naka-devirginize sa kan'ya. But I was wrong.

She was in love with me. Bakit ko alam? Kahit pa paulit-ulit niyang sabihin, ramdam ko rin. Hindi naman ako tanga, lalong hindi manhid.

Too bad I didn't love her. For me, she was only a fuck buddy.

Pagkatapos kong maligo ay mabilis lang akong nagbihis ng asul kong uniporme at saka kami kumain ng agahan. Mabilis kong tinapos ang pagkain dahil male-late na ako.

"I need to go, Aeryn. Lock the door when you lea—"

"Your med, Carlson. You always make kalimot of drinking it," nakanguso niyang pahayag at saka tumayo upang kunin ang gamot sa maliit na kabinet sa taas ng lababo.

Bumuntong hininga ako at napakamot sa ulo. Oo nga pala.

"Here." Ipinagbukas niya ako ng isang foil at iniabot ito sa akin.

Antidepressant.

Kailan kaya ako titigil sa pag-inom ng lintek na gamot na 'to? Gusto ko nang tumigil. Gusto ko nang maghilom.

Kinuha ko ito mula sa kamay niya at mabilis na ininom kasama ng tubig. She dearly smiled at me as if telling me that everything was going to be alright. That I was going to be perfectly fine soon. Sana.

"Don't get drunk after work, please?"

Tipid lang akong tumango at tumalikod na. Bago ako makalabas ng unit ay narinig ko pa ang parati niyang sinasabi sa akin.

"Love you."

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

I hope you support this story 'til the next updates! Hanggang chapter 10 lang naman 'to, 'wag na kayong tamarin basahin hahaha! Cheret. I'll promise to make this good dahil lablab ko si Carslon. Ehe!

-Anne

Exchanging BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon