Chapter 2

2K 72 3
                                        

TRIGGER WARNING !!

KUNOT-NOO kong pinakikinggan ang mga sinasabi ni General Ramones. Gulong-gulo na ang utak ko sa halo-halong mga kaso na kailangan naming lutasin. Sana lang ay pagkatapos nito'y wala nang susunod pa.

"Sir, the Tuasons will never admit the crime they did. Masisira ang imahe nila kapag nakalabas sa media ito," saad ni Ramirez na tinanguan naman ng tatlo pa naming kasamahan.

Si General na nasa kabisera ay napahilot sa kan'yang sintido. Kung 'di lang ako malilintikan ay hindi ako dadalo sa meeting na 'to at hayaan na lang silang magplano.

"Say we finally caught they're sons, General," panimula ko. "Then we already let the court do their work. Do you think the Tuasons will just let their sons get jailed? Money will do its job. All our hardwork will only be useless in the end."

Lugi kami rito. The suspects were from a powerful and high-profile family. And knowing the system of justice in this country? If you have the right amount of money, you could always get away. There's no justice. There's only power.

Actually, this wasn't only happening in the Philippines, but to many more countries. Marami talagang hangal sa mundong 'to.

"Enriquez, i-handle mo na ang kasong sinasabi ko sa 'yo," pamimilit pa ni General Ramones sa akin nang matapos ang meeting.

Isa-isa nang naglabasan ang mga kasamahan ko. Tumayo na rin ako ngunit hindi ako makalabas nang tuluyan dahil sa pangungulit ni General. Hindi ba siya nagsasawa sa araw-araw kong pagtanggi?

"Hindi ko nga ho magagawa nang maayos ang ganiyan, General. I don't accept rape cases, you already know that for years, Sir."

Alam kong hindi ako puwedeng tumanggi sa mga ipinapa-handle sa aking kaso ngunit kay General ay palagi akong nakakalusot. I was his favorite police. He believed so much in my capabilities and skills that it was so hard for him to kick me off from my position every time I refuse to handle rape cases.

He was so scared to remove me from the position. He was scared that he might not encounter an inspector as good as I was.

"I will give you the complainant's affidavit. Just try to read it at baka magbago pa ang isip mo." Ibinigay niya sa akin ang isang folder.

Nagkamot ako ng ulo at tinanggap na lamang ito para hindi na humaba pa ang usapan. Tangina, kanina ko pa gustong lumabas, e. Nagugutom na ako!

May pahabol pa siyang sinabi bago ako tuluyang makalabas.

"Just try, Carlson. Kailanman ay hindi ka pumalya sa pag-iimbestiga kaya malaki ang paniniwala kong malulutas mo ang kasong iyan."

Tss. I wouldn't try because I would never do it. Never.

*****

"Come on, son. Tuwing Linggo na nga lang tayo nagkakasama-sama ay hindi ka pa makakapunta?" Nahimigan ko ang lungkot sa boses ni Mommy.

Bumuntong hininga ako at sinagot siya sa kabilang linya.

"Mom, sorry. Talagang importante lang itong misyon na gagawin namin sa Linggo."

Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. I was getting sad imagining her face. I was so sure that she looked very down at the fact that I couldn't come to our usual family lunch every Sunday. 

"Bawi na lang ako sa susunod, Mom. Pakikamusta ako kina Daddy."

My parents were both business persons. My sister and brother also took the same path. I was the only one who walked another road. Noong una, ayaw ng daddy na mag-pulis ako dahil gusto niyang mamahala ako sa kompanya. Halos hindi niya ako pag-aralin ng Criminology, but I was determined. Sa huli ay wala na rin silang nagawa.

Exchanging BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon