[Mature Content is not just always about sex.]IBINABA ko pang lalo ang sombrerong suot ko habang normal na binabagtas ang magulo at maingay na eskinita sa gitna ng karimlan. May binatilyong nakabangga sa akin ngunit hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon na mag-angat ng tingin.
Mahirap na't baka makilala pa akong hindi taga rito.
"Pasensya," mayabang nitong sambit.
Nagpatuloy ang mga paa ko sa paglalakad. Natigil lamang nang makasalubong ko ang isa sa mga kasamahan ko. Makahulugan siyang tumitig sa akin at saka bahagyang iginalaw ang ulo upang isenyas ang likod.
I looked over his shoulder only to see what we have been investigating for, for the past few days. Isang tango ang iginawad ko kay Ramirez at agad niyang nakuha ang aking nais iparating. His forefinger pressed on his right ear where a small audio device was located.
"Confirmed. We need back up," mahina niyang saad sa nakakonekta sa kan'yang tainga.
Tumango siya sa akin. Iyon ang naging hudyat ko upang ipagpatuloy ang paglalakad at magtungo sa isang maliit na tindahan. Sa tabi no'n ay may limang lalaki na sumisinghot sa tig-iisa nilang pakete ng droga. Nagtagis ang bagang ko.
"Pasindi, 'te."
Inipit ko sa mga labi ko ang isang stick ng sigarilyo bago ito inilapit sa tindera. Sinindihan niya iyon gamit ang lighter. Pasimple kong pinagmasdan kung paano malunod ang limang tarantado sa kinaaadikan nilang droga. Bumuga ako ng usok at tiningnan naman ngayon ang mga kapitbahay na walang pakialam na may nag-aadik na pala rito. Tila ba normal na ito para sa kanila o... sila rin ay gumagamit?
"P're! Gusto mo?" Inilapit sa akin ng isa sa kanila ang pakete.
Ngumisi ako at umiiling.
"Sa susunod na lang." Sabay hithit ko sa sigarilyo.
"Hoy, pahingi nga! Ubos na raw supply ni Cobra! Sabi ng isa sa mga tauhan ay sa susunod na linggo pa raw darating ang bagong delivery!" Lumapit ang isang menor de edad sa limang lalaki at hinablot mula sa isa ang pakete.
Napailing-iling ako. I wondered what kind of highness does drug bring to these people. Was it really that addicting? Na kahit mali ay ipinagpapatuloy? Na kahit alam naman nilang wala itong magandang maidudulot ay sige pa rin sila.
This world is already full of toxicity and darkness. Instead of bringing light, they're only making it darker.
Inihanda ko na ang sarili sa pagsugod nang mamataan ko ang mga kasamahan ko na tulad ko'y nagpapanggap lang ring mga residente sa iskwater na lugar na 'to. Nang makita nila ang malaking paghakbang ko ay dali-dali silang lumapit.
Hinuli ko ang dalawang kamay ng isang nakatalikod at agad na pinosasan.
"Ay, putangina!"
Nagkagulo ang mga tao sa paligid nang magsipaglapitan kaming mga pulis sa limang lalaki.
"Taas ang kamay!" utos ni Ramirez.
Pumalag ang isang poposasan ngunit nang tuhurin sa sikmura ng isang kasamahan ko ay hindi na nakalaban. Itinulak ko sa isang kasamahan ang naposasan ko at agad na nag-utos.
"Dalhin lahat 'yan! Ang pumalag, banatan!"
Nagsimula kaming maglakad habang bitbit ang mga nakaposas na lalaki. Hindi pa kami nakakalayo ay umarangkada na sa mga pandinig namin ang paulit-ulit na tunog ng malulutong na yero. Wala pang ilang segundo ay naglabasan sa kani-kanilang mga bahay ang mga tao at sinugod kami.
"'Nak ng putsa!" galit na reklamo ni Cruzate.
"Chief! Wala tayong magagawa, mapapalaban tayo!" sigaw pa ng isa kong kasamahan sa akin.

BINABASA MO ANG
Exchanging Bullets
Conto(This is a side story of Femme Fatale. I suggest you read that FIRST before proceeding to this one. It's worth it, at least for me and for those who appreciate it. You may find it worth reading, too.) Chief Inspector Carlson Enriquez has always been...