Chapter 6

1.8K 74 1
                                        


UMIIGTING ang panga ko habang pinakikinggan ang humihikbing si Aeryn sa kabilang linya. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa mga sinasabi niya. Baka kasi tulad noon ay pinagti-tripan lang ako nito.

"Aeryn, stop fooling around. Nagta—"

"No, Carlson, please! I need help, believe me!" impit ang boses niya na para bang takot na marinig ng kahit sino. "Kinidnap ako. S-Some other girls are with me and it's like... i-it's like we're going to be prostituted. I don't know, hindi ko alam kung anong gagawin nila sa 'min. Carlson, I need you, please. Help me," lumakas ang pag-iyak niya.

"Shit!" Napasapo ako sa aking noo at nagpabalik-balik ng lakad, biglang hindi mapakali. "Alam mo ba kung anong lugar 'yan? At kaninong cellphone 'tong gamit mo?"

"I don't know exactly kung saan, but we're in a cabin. Itong cellphone, palihim kong nakuha mula sa isa sa mga tauhan."

"Does it have a GPS?"

"Yes."

"Good. Open it, I'll trace the location."

Suminghot siya at hindi pa rin tumigil sa pag-iyak. Nakarinig din ako ng iilan pang mga iyak mula sa mga babae na sa tingin ko'y kasama niya sa kinaroroonan niya ngayon.

Mariin akong napapikit at naitukod ang nakakuyom na kamao sa lamesa. Muli akong dumilat at pilit kinalma ang sarili kahit na unti-unti nang nakakaramdam ng pinaghalong takot, kaba, at galit.

"Can you hurry up? They might do something bad na sa amin dito. I can hear screams and cries of a woman from the other room and I think... I-I-I think they're raping her."

Tangina!

"I'm scared, Carlson. B-Baka ako na 'yong isunod. Ayoko—"

"Hush, baby. Hindi ko hahayaang mangyari 'yon sa 'yo. Papunta na ako."

I didn't love Aeryn, but I still cared for her. So much. I never wanted her to experience violence. Never in my life that I ever wanted that for her.

Tinapos ko ang tawag at tiningnan ang babaeng suspek na hanggang ngayon ay nakaupo ngunit kuryoso na akong tinitingnan.

"Pasensya na, Miss, hindi kita maaasikaso ngayon. Ipa-pahandle kita sa iba at kayo na ang bahalang kumausap sa abogado mo."

Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at dali-dali na akong lumabas. Agad akong nagtungo sa opisina ni General at walang katok-katok na pumasok.

"Putsa, Carlson, kumalma ka nga! Mababangga tayo, e!" singhal ni Oliver sa tabi ko habang patuloy ako sa mabilis na pagmamaneho. "Tandaan mo, hindi ka p'wedeng magpadalo-dalos. Bumibinggo ka na kay General. Natitiis ka pa no'n ngayon pero 'pag naulit pa itong pamimilit mo ay baka tuluyan ka na talagang matanggal sa posisyon."

Umigting ang panga ko at naalala ang katigasan ng ulo ko kay General kanina. Ayaw niya akong payagan na pamunuan ang lead na natanggap ko mula kay Aeryn. Aniya'y mag-aassign siya ng iba pang mga pulis upang rumesponde. May imbestigasyon daw kasi akong tinatrabaho kaya hindi p'wedeng ako.

Isa pa, ang dami pang kailangang daanang proseso bago pumunta sa nasabing lugar. Tangina, wala na akong panahon! Kailangan ko nang mapuntahan si Aeryn!

"I apologize for not taking your orders, General. Tanggalin niyo na ako sa trabaho, sa posisyon ko, o sa kahit ano pero hindi ko mapapalagpas 'to. I failed once, I cannot afford to fail again!"

Hindi ako pumayag. Hindi ko makakayang manatili na lamang sa isang tabi at ipagkatiwala sa iba ang pagliligtas kay Aeryn. I didn't fucking care whatever this would take. I was ready to sacrifice anything just to save her.

Exchanging BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon