PINAGDAOP ni Aeryn ang mga kamay namin at hinila ako sa pinakataas ng burol. Kahit nananakit na ang mga binti ko ay pinagbigyan ko siya. Kanina pa ako napapagod sa pag-akyat namin ng bundok habang siya ay tila hindi man lang nakakaramdam ng pagkahapo."Omg, look at that!" Itinuro niya ang magandang tanawin sa aming harap nang tuluyan naming marating ang tuktok.
My eyes wandered at the breathtaking picturesque of tall grass and greens. The sense of nature pierced within my soul and it felt very calming. I felt at ease. I felt the tranquility not just on the place but with the cutest woman who was holding my hand.
"Yey!" Itinaas niya ang magkahawak naming mga kamay habang nakangiting pinagmamasdan ang tanawin.
Napababa ako ng tingin sa mga kamay namin nang bumitaw siya. Inayos niya ang dalang polaroid at saka kinuhanan ng litrato ang magandang tanawin. I smiled and roamed my eyes again around the hills.
Ito ang unang beses na nagyaya ng hiking si Aeryn. We haven't done this before, so I agreed. Besides, this was something different and also a challenge for the both of us. We've been going out on places for three months now. Gabi-gabi kaming nagdi-dinner date sa tuwing matatapos ako sa trabaho. Kapag day off ko, kung saan-saan kami nakakarating.
Just last week, we spent our weekends in Palawan. She was happy... and so was I. Slowly, I was getting better. The confession I told about her to Doctora Santibañez helped me. Iyon lang pala ang pinakamakakatulong para magkaroon ng katiwasayan ang aking sarili.
Kailangan kong ilabas ang lahat ng naipong sakit na kinimkim ko ng ilang taon. Kailangan kong iiyak. Kailangan kong ilahad palabas upang mabawasan ang bigat. Kagaya nga ng sinabi ni Doctora sa akin, walang masama sa pagsasabi ng nararamdaman. Ang kailangan ko lang ay iyong mga totoong makikinig.
I needed guidance. I needed real ears to hear my broken voice. I needed pure hearts to understand me. Those were just few of the things I needed. Aeryn and Doctora never failed to listen to me and I appreciated them for that. My parents also never failed to contact me every day to ask me if I was doing fine.
For months, I was starting to view things in a more positive way. I knew these people around me love me wholeheartedly and I should appreciate evey inch of that. I wouldn't waste the love they're making me feel. The more care and love I feel, the more reason to live happily.
"Carlson."
Nilingon ko si Aeryn nang sambitin niya ang pangalan ko. Bahagyang namilog ang mga mata ko nang nakatapat na sa akin ang polaroid niya at mabilis iyong pinindot.
"Tsk! Aeryn!" reklamo ko sabay baba ng kamay niya ngunit huli na rin dahil lumabas na ang litrato mula sa polaroid.
Ang matamis niyang tawa ay sinakop ang tainga ko. Ipinakita niya sa akin ang litrato at napasimangot ako sa itsura ko ro'n. Gulat ang mukha ko. Ang buhok ko ay nakababa sa aking noo dahil sa pag-ihip ng hangin.
"Why so handsome, my sweetie?" she chuckled softly.
Ipinatong niya ang kanang braso niya sa aking balikat. Ipinulupot ko naman ang kamay ko sa baywang niya at inilapit pa siya lalo sa akin. She pouted her lips in front of me, asking for a kiss. I smirked at her cuteness. I tilted my head to give her a long kiss. Narinig ko ang pag-click ng polaroid.
Agad na napalayo ang ulo ko at sinamaan siya ng tingin. Tinawanan niya lang ako at kinuha na ang lumabas na litrato. Sandali niyang pinaypay iyon sa ere hanggang sa lumitaw ang mga itsura namin. Kuhang-kuha ang paghahalikan namin at napangisi ako roon.
"We're so sweet naman dito!"
Tinitigan ko ang masaya niyang mukha. Pakiramdam ko ay may humahaplos sa puso ko sa tuwing nakikita ko siyang ngumingiti at tumatawa. Nakakagaan ng loob. Nakakakalma. Siya ang isa sa mga dahilan kung bakit bumubuti nang bumubuti ang lagay ko.
Siya ang pinakadahilan kung bakit ang basag kong puso ay unti-unting nabubuo.
Binuo niya ako. Kahit noong una ay pilit ko siyang binabalewala ay hindi siya sumuko. Nanatili siya sa kabila ng mga pagtataboy ko. Tinulungan niya akong bumangon. Ginawa niya ang lahat upang mapasaya ako. Binuhay niyang muli ang lantang-lanta ko nang puso.
She brought color to my colorless life. Her radiant smile helped me forget the cruel things that happened in the past. I would forever be grateful that she came into my life and decided to fix me, for it wasn't because of that... I wouldn't fall in love again.
'Cause right now. Right at this moment, I fucking knew that I have already fallen for Aeryn Zadrillo. I was sure, I was never been this sure in my entire life.
"I love you."
Unti-unting napawi ang kan'yang magandang ngiti sa narinig mula sa aking bibig. Dahan-dahan niya akong nilingon at hindi makapaniwala akong tinitigan. I hid the amusement on my face and just stared at her using my gentle eyes.
"Wala ba akong I love you, too diyan?" kunwaring nagtatampong tanong ko.
Nagsimulang magtubig ang mga mata niya hanggang sa sunod-sunod nang nagtuluan ang mga butil-butil ng luha sa makinis niyang pisngi.
"Oh my god!" nabasag ang boses niya dahil sa pagluha.
Hindi ko na napigilan ang pagtakas ng malaking ngiti sa aking mukha habang pinagmamasdan kung gaano siya kaganda kahit umiiyak. Dinamba niya ako ng yakap at agad ko naman siyang sinalo upang mapanatili ang balanse naming pareho.
"I love you, too, Carlson. I love you!"
I laughed and kissed her on her head.
"I'm now in love with you. Thank you for staying, Aeryn. Thank you for waiting."
And to You, my dear God, thank you for bringing an angel to my life. Thank you for proving me that I also deserve to be loved and to be happy.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Uwuuu! Last chapter left before the Finale! Keep staying <3
BINABASA MO ANG
Exchanging Bullets
Historia Corta(This is a side story of Femme Fatale. I suggest you read that FIRST before proceeding to this one. It's worth it, at least for me and for those who appreciate it. You may find it worth reading, too.) Chief Inspector Carlson Enriquez has always been...