Finale

3.3K 130 25
                                    


KINALABIT ako ng best friend kong si Tairalene at inginuso ang grupo ng kalalakihan na kasalukuyang bumababa ng hagdan. My jaw dropped when I saw my crush, Carlson Enriquez of Criminology. Mabuti na lang, Taira was able to pulled my chin up kasi kung hindi, my laway would surely flood on the floor! Ew.

"Omg! He's lasciviously handsome talaga! Look at those biceps, those veins, ugh!" Napatampal ako kay Taira dahil sa panggigigil.

"Ouch! Next time nga I won't tell you na if Carlson is around. My arms are so kawawa na from all your slaps, Aeryn!"

I pouted. Sasagot pa sana ako ngunit hindi na natuloy dahil sa mga cheap girls na dumaan sa harap namin. Just like before, they were laughing again at the both of us. I fearlessly rolled my eyes on them.

"Ew! The losers are here again, Taira."

"Oo nga, my gosh! Mga trash kasi, e, kaya pakalat-kalat."

We flipped our hairs and maarte nang tumalikod.

"Oh my gosh! Aalis na ang mga conyo rich girls! We hope you get tapilok there!" One of them mocked us that immediately earned a loud laughter from their group.

Maarte akong ngumiwi at napailing na lamang. Hindi na namin sila pinansin ni Taira dahil waste of time lang. Who said they were worthy of our precious times? Ew again.

I've been encountering a lot of people like that in my whole existence. They were always making fun of the way I talk, but I never gave a damn about that. This was me; take it or leave it. I couldn't do something about how I talk and my being maarte because I was raised like this.

I wouldn't have to change myself just to fit their fucking standards. Sa pagkakaalam ko naman, wala naman akong nasisirang buhay sa kaartehan at pananalita ko, so walang dapat baguhin. Yeah, I know, for some people, it's nakakairita sa tainga, but duh? Just mind what's happening in their lives! Naghirap ba sila sa tuwing maririnig ang boses ko? Ikinalungkot ba ng buhay nila 'yon? Hindi, right?

Gosh! Basta ako, I love myself. Period. Their hate and opinion of me would never matter.

"Oliver!" tawag ko sa best friend ng bebe ko sa isang makulimlim na hapon.

"Aeryn, ano ba? I'm not ready! I feel so panget right now! Ba't mo siya tinawag?" gigil na bulong sa akin ni Taira.

"You're pretty pa rin naman! O, ayan na siya. Yiie!" Sinundot ko ang tagiliran niya.

Oliver Ramirez walked confidently toward us. Unang dumapo ang mga mata niya sa akin tapos ay kay Taira at bumalik din agad sa akin. He dearly smiled at me.

"Yes, Aeryn?"

"Hi! Uh, do you know where Carlson is?"

Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya. Tumikhim siya at agad din namang ibinalik ang ngiti.

"Nag-e-exam pa, e. Gusto yatang makakuha ng uno," tumawa siya.

Natawa rin ako ng bahagya at sandaling nag-daydream kung anong itsura ni Carlson habang nag-e-exam. Siguro'y nakakunot  ang noo ngayon no'n kaya mas lalong guwapo. Hehe.

"How about you? You done?" tanong ko.

Napakurap-kurap siya and it seemed like he didn't expect that I would ask something about him.

"Ah, o-oo. Tapos na. Hindi ko masyadong sineryoso dahil hindi naman ako gano'ng ka-grade conscious katulad ni Carlson."

"Oh! Omg! You are like Taira pala! She's not also a grade conscious! Naku, I think magkakasundo kayo," pang-aasar ko at medyo nilakasan ang pagtapik sa braso ni Taira.

Exchanging BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon