Dear Ally,
I know i am not your only friend. I know you have other bestfriends na nakakasama at nakakabonding mo up until now. But for me, I consider you as one of my closest friend. Kasi wala naman akong bestfriend :) Sana never mo kong makalimutan kahit mawala man ako sa mundong ito. I made this letter of goodbye kasi alam kong pag nawala na ko, mamimiss mo ako 😉
First of all, Thank you Ally!! Kasi you were always there for me. And we have so many things in common. Hindi ko kailanman naramdaman na ang weird weird ko kasi alam kong hindi ako nag-iisa 🙂 Sa mga hobbies ko, ikaw lagi ang ka-bonding ko. Books, arts, authors, singers, online apps, etc. Since highschool, magkaibigan na tayo. Since day 1 magkasundo na tayo at never nagkaroon ng chance na magkaroon tayo ng problema at tampuhan. Sobrang gaan mo kasama. Hindi awkward, walang dull moments. At kahit na nagkalayo tayo at hindi madalas na nagkakausap at nagkikita, hindi nawala yung friendship na binuo natin simula pa nung una 😊
Isa ka sa mga dahilan kung bakit hindi ako naniniwala sa sinasabi nila na mahirap akong kasama. Kasi never ko nakita sayo yon na nahirapan ka na kasama ako. At you never hate me kahit na magkaiba tayo ng personality. Oo, same tayo ng hobbies pero magkaiba tayo ng ugali. Mas jolly ako, mas maingay, mas hyper, mas active. Mas mataas ng konti yung level ng energy ko compare sayo at i can say na mas matapang ako. Because you have a soft heart na nakikita ng lahat. Ako? Im a great pretender. I make them believe na matapang ako kahit ang totoo tapang-tapangan lang. Ayoko kasi ipakita kahinaan ko. Unlike you na kapag naiiyak ka, iiyak ka talaga anywhere.
I hope Ally na madami na tayong librong nabasa together bago mo mabasa itong sulat ko na ito. Sana marami na tayong napuntahan na lugar na pangarap natin at maraming samgyupsal places na tayong nakainan. Thank you for being part of my life. Thank you for sharing your happiness with me. Salamat kasi lagi mo kong pinapakain dati sa baon mo tuwing lunch nung highschool kapag wala akong baon at ayaw kong umuwi ng tanghali sa bahay. Thank you kasi nung nagtour tayo, magkatabi tayo sa bus at binaunan mo ko ng maraming pagkain. Thank you sa pagsama sakin kapag nagpapasama ako sayo sa pupuntahan ko kasi di ako sanay magbyahe. You are not just a friend but a sister to me 😘
I wish you all the best in this world. Sana like me, maexperience mo din magmahal at mahalin. Sana makahanap at makatagpo ka ng lalaking mamahalin ka ng buong puso. Sana dun ka mapunta sa matino at seryoso. At sana hindi mo maranasan yung mga heartbreaks na naranasan ko. You deserve someone better na makakasama sa buhay. At sana soon makilala mo na din sya. Better kung maabutan ko sya at makikilala din para naman makita ko kung sino ang makakatuluyan mo. Babalaan ko agad sya na wag kang sasaktan kung ayaw nyang multuhin ko sya hahahaha!
Sana maging successful ka sa napili mong career. Payaman lang bes!! Hahaha. Kidding aside, wag masyadong workaholic ha? Uso din ang work - life balance. Wag abusuhin ang katawan at kumain ng tama sa oras. Ingatan ang sarili at wag aanga-anga hahah. Love kita Ally, sobra. Sobrang mamimiss kita sa other world. I promise i will never forget you and all the memories that we had together. Sobrang salamat sa lahat. See you when i see you ☺😘
Love,
Nica
BINABASA MO ANG
JUST IN CASE I DIE TONIGHT
Non-FictionDahil advance ako mag-isip, gagawa na ko ng mga huling habilin para sa mga taong malalapit sa aking puso. Aware naman tayong lahat na ang buhay ay panandalian at sadyang maikli lang. Time flies so fast. Bukod doon, nay mga pangyayari talaga sa buhay...