Ate Lei

1 0 0
                                    

To my ever supportive ate from another mother,

Hi ate!! I hope you are doing well everyday. Alagaan ang kalusugan at tigilan ang sobrang pagddiet okay? Weight doesn't matter kaya, saka ni hindi ka naman mataba para magdiet ka haleeeerrrrr 🙄

I know ang awkward nung una nating pagkikita. Sa totoo lang inis talaga ko sayo dati hahahah pano bida-bida ka masyado, tapos ako bida-bida din, e may kasabihan nga db na ang bida-bida galit sa kapwa bida-bida (oo te, may ganyang kasabihan) so ayon kakainis kasi center of attraction ka!! Naalala ko yon sa isang event yon sa church, nagsama-sama ang mga kabataan mula sa iba't-ibang lokal. Syempre masaya, daming bagong mukha, magiging bagong kaibigan at mga activities na exciting. Napadaan kami non sa booth nyo, tapos nakita kita pinagkakaguluhan ka don, dami mo kausap as in pati yung nag-iisang crush ko andon at nakikinig sayo. Hehhehe kala ko nung una papansin ka talaga, KSP kumbaga. Pero nagulat ako nung lumapit kami, nilapitan mo din kami at inentertain. Yaaay ate na-starstruck ako sayo non! Kasi medyo sikat ka kasi officer ka. First impression ko kasi sayo dati, suplada ka at namimili lang ng kakausapin. So simula nung sa activity na yon, nabago na yung tingin ko sayo. Mabuti ka palang tao at mapagkakatiwalaan. At dun na nga nagstart yung pagkakaibigan natin at turingan na magkapatid.

Swerte ko kasi ikaw ate ko. Kahit na di tayo magkadugo, ramdam ko na kadugo ang turing mo sa akin, at syempre ganon din ako sayo. Thank you sa walang sawang pag-iintindi sa kin ate. Sa mga payo na binibigay mo, sa mga aral sa buhay na natututunan ko sayo. Sa lahat ng mga kaalaman na naibahagi mo sakin at sa pagdamay lagi sa akin kapag may problema ako. Hindi ko alam kung naibabalik ko din sayo lahat ng kabutihan mo sakin, pero pangako ate na kahit kailan di kita makakalimutan at lagi kong ipappray na sana maging okay ka lagi at magkaroon ng magandang buhay.

Sobrang thankful ako kasi umattend ako sa activity na yon kasi dun tayo nagkakilala. I earned a lifetime friend and sister at the same time. Oha, win-win situation. Nakipagkaisa na nga ako, nagkaron pa ko ng kapatid hahhaha. Sana marami pa tayong mapuntahan na activity together 💓

Wish you all the best lalo na sa career and lovelife. Sana magkaroon ka ng magandang future. I know na pag nabasa mo to, wala na ako, pero sana pag nakita mo ito maalala mo ako at lahat ng mga magagandang alaala nating dalawa. Iloveyou ate ko!! Mwah!!

-Nica

JUST IN CASE I DIE TONIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon