Hi Section 1 Matulungin!!!
Yow wazzup guyssss hahahhahs
Sobrang miss ko na kayo :(
Habang sinusulat ko ito, its been 8yrs na after ng HS Graduation natin kung saan tayo huling nakumpleto. Tagal na no? Time flies so fast. For sure, ibang-iba na ang mga pagmumukha natin kumapara noong dati na mga totoy at nene pa tayo hahah. Buti nalang dpa uso ang cellphone na may camera non kaya wala masyadong ebidensya!! 🤣Mahabang pinagsamahan. 4 na taong magkaklase at yung iba hanggang ngayon ay kaibigan. Sa buong journey ko sa pag-aaral, masasabi kong HS talaga ang pinaka-the-best sa lahat. HS na yata kasi ako natutong makihalubilo sa ibang tao. Dahil sa inyo, natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa at maging independent. Natutong maging masipag sa pag-aaral dahil dati di pa naman uso ang internet/wifi at inaabot pa tayo ng umaga sa computer shops par lang sa mga research papers. Natuto akong kumilos ng mabilis at mag-isip improptu hahha. At ang pinaka-importante sa lahat, natuto ako ng multi-tasking na habang buhay ko na magagamit sa araw-araw.
Nakakatuwa balikan ang nakaraan na lahat tayo ay mura pa ang isipan. Mga inosenteng estudyante na gusto lang makatapos ng HS, makapag-kolehiyo at magkaroon ng magandang trabaho para sa magandang kinabukasan. Nakakatuwa kasi lahat naman tayo nakapagtapos ng kolehiyo. Nakakatuwa kasi lahat naman tayo may mga trabaho. Nakakatuwa kasi kahit mahabang panahon na ang lumipas, may iilan pa ding pagkakataon na nagkikita-kita tayo. Nakakatuwa, nakakatuwa magbalik tanaw. Dahil kapag naiisip ako ang HS days ko, lahat ng naaalala ko puro magaganda at nakakatuwang memorya. Lahat positive, lahat nakakamiss.
Gusto kong magpasalamat sa inyong lahat sa pagtanggap sakin sa section natin sa loob ng apat na taon sa HS. Salamat sa lahat ng magagandang alaala na hindi man nakuhanan ng camera, nakaukit naman lahat sa aking memorya. Marami akong natutunan noon na nagagamit ko pa rin hanggang ngayon. Dahil yon sa pagpapakopya nyo sakin pag wala akong assignment hahaha. Salamat sa lahat ng kalokohan na tayong lahat ang salarin. Higit sa lahat, salamat sa pagkakaibigan 💓
Sobrang proud ako na bahagi ako ng pamilya natin. One for all, all for one. Matulungin di nag-iiwanan!!
-Nica
![](https://img.wattpad.com/cover/179381628-288-k772565.jpg)
BINABASA MO ANG
JUST IN CASE I DIE TONIGHT
Non-FictionDahil advance ako mag-isip, gagawa na ko ng mga huling habilin para sa mga taong malalapit sa aking puso. Aware naman tayong lahat na ang buhay ay panandalian at sadyang maikli lang. Time flies so fast. Bukod doon, nay mga pangyayari talaga sa buhay...