Nica's Note

16 0 0
                                    

Hi guys. Hi readers. Kung isa ka lang or marami man kayo, kung mababasa mo ito, salamat ng marami. Pangako hindi ko sasayangin ang oras mo. Kung mababasa mo man ito at dumating yung time na mawala ako sa mundo, pwede bang gumawa ka ng paraan para mabasa ito ng mga taong malapit sa akin? Don't worry konti lang naman sila. Wala naman ako masyadong kaibigan. Malaki ang pamilya namin pero hindi ko naman sila isasama lahat.

Well, habang sinusulat ko ito buhay pa naman ako obviously. At fyi lang, wala naman akong malubhang sakit na nakamamatay. Malusog ang aking pangangatawan at masigla naman ako. Malakas akong kumain at hindi malnourish. Nagsasalita ng maayos, tumatawa ng malakas, nakakalakad at nakakapasok sa trabaho.

Walang problema sakin. Sa aking katawan. Pero masasabi kong oo,pagod na ako. Pagod na sa buhay na ito kahit na ang bata bata ko pa at nagsisimula pa lang ako. Ganon siguro talaga no? Yung mas emosyonal kapag mga edad bente pataas na. Pero hindi naman ako suicidal. Sayang ang magandang mukha at magandang lahi kung sakali kung ako mismo papatay at kikitil ng buhay ko. Hindi ko keri mamsh!! At hellooo, takot kaya ako sa dugo.




Sinulat ko ito dahil natatakot ako.
Natatakot na baka isang gabi sa aking mahimbing na pagtulog, bigla nalang akong hindi na magising.
Natatakot na baka isang araw sa di inaasahang pagkakataon, bigla nalang may mangyaring aksidente na magwawakas ng aking buhay.
Baka may mamamatay tao pala akong makasalubong.
O may matuklasan akong sikreto na magiging mitsa ng aking buhay.


Well, just in case lang naman. Sa totoo lang kasi, mas gusto ko na ako yung mauunang mawala kaysa isa -isa kong masaksihan yung pagkawala ng aking mga mahal sa buhay. Di ba mas madali kasing mang-iwan kaysa maiwan?


Sana maenojy mo ang pagbabasa ng storyang ito. Sana makilala mo din ako. Maraming salamat :)

JUST IN CASE I DIE TONIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon