Dear my long long long lost boy friend,
I know that we're not okay anymore.
I know that I've hurt you.
I know na may mga salita akong nasabi sayo na hindi ko na mababawi pa.
Pero at this point of time, at this very moment na binabasa mo ito, i just want you to know na deep deep inside my heart, you will always be the "kuyang" in my life na naging kaibigan ko.I don't know how to start saying things to you, kasi maybe pag nabasa mo to wala na ko. At siguro naman hindi yun ASAP after ko maisulat ito. Marami na nangyari. Marami na nagbago. Ang hirap na magcatch-up kung ikkwento ko sayo lahat ng mga gusto kong ikwento KATULAD NG DATI.
Kuyang, una sa lahat, sobrang thank you :)
Thank you kasi, before, you were there for me nung nangailangan ako ng advice at kaibigan. Thank you kasi you always used your matured side when it comes to me. Lagi kang nagpapasensya sakin. Lagi kang nauunang magsorry. Ikaw palagi yung nagaapproach kahit na minsan ako naman talaga yung may mali. Inintindi mo ako at ang edad ko na hindi naman nalalayo sayo. I know, bully talaga ako madalas sa close friends although super sensitive ko as a person. Kaya nga most of the time, namimisunderstood ng iba na dahilan din kung bakit wala akong bestfriend.Teenager pa ko non nung magkakilala tayo. Binigay ng pinsan mo yung number ko, kasi single ka at single naman din ako so walang magagalit.
Ilang years din tayong naging friends. Alam ko na saksi ka sa pagdadalaga ko. Saksi ka nung mga panahon na nagkaboyfriend ako, naiwang brokenhearted at naka-move on. Nakita mo kung paano ako nagtransform from a girl na walang pakialam sa itsura to a lady na nag-aayos, at naging mahinhin kumilos. Mula nung college ako hanggang sa nagkatrabaho. Lagi tayong magkausap. At never naman din nawalan ng topic kahit na in real life, ilang beses palang talaga tayo na nagkita.
Ang spoiled ko sayo dati. Ikaw yung tipo ng kaibigan na "One call away"/ "One chat away". Pag kailangan ng agaran na research lagi kang to the rescue. Nakakamiss yung ganon kuyang. Sinanay mo ko na laging may nalalapitan.
I always see you as a big brother and a good friend to me before. At akala ko, same lang tayo. Pero iba pala nararamdaman mo sakin kuyang. Na-develop pala ang feelings mo sakin. Ako pala yung lagi nyo pinag-uusapan ng friends mo sa fb? Yung crush mo. Na nadevelop sa love?
Ang daya. Yun kasi pinakaayaw ko di ba? Yung kaibigan na bigla nalang magkakagusto. Talo-talo. Rule#1 ko yun. Akala ko aware ka. Or aware ka kaya tumagal bago ka nagconfessed sa kin? Hindi na kasi tayo nagkaroong ng time para pag-usapan lahat. I know dahil kasi nasaktan ka. I know na hindi naman din naging madali para sayo na umamin, na hindi ganun-ganon nalang sabihin ang nararamdaman lalo na at nakasalalay yung friendship natin. You are so brave on that part kuyang. Na ni-risk mo kahit na mawala ako, just to say your feelings to me. Sumugal ka at nagbakasali na baka ganoon din naman ang nararamdaman ko. Pero kuyang, sobrang sorry. Sorry kasi hindi e. Hindi talaga. Kasi kung ganoon man, noon pa sana. Pero hindi, hindi talaga 😢 Kaya naintindihan ko kung bakit bigla mo nalang ako bnlock sa social media at hindi ka nagparamdam ng matagal. Naintindihan ko kasi alam ko din na hindi naman na natin maibabalik yung dati nating samahan. Alam kong ganoon ang mangyayari, kaya nga ayoko magkagusto sa kaibigan 😟
Pero just recently, I saw your post on IG. Uyyy may girlfriend kana finally!!!! Ang tanda-tanda mo na kaya. Sana happy ka :) Sana hindi ka nya saktan. Mukhang syang matured all out. Di katulad ko na ang likot likot, ang hyper at ang kalog. Sya mukha syang kagalang-galang na hindi makabasag pinggan na babae. Bagay kayo kuyang. You deserve someone na better. You deserve to be love kasi you always give love to others. Its time na ikaw naman yung maka-experience ng pagmamahal na walang hinihinging kapalit. Im sooooo soooo happy for you :) :) :) Siguro kung close pa tayo at binalita mo sakin na may girlfriend kana, ako pa siguro yung mas magiging masaya for you.
Thank you kuyang. Thank you for being part of my life. Thank you for letting me be in your life too, although just for a couple years. I've learned so much from you. And i do hope that you also learned a thing or two from me. You were such a good good friend. God bless you always. I said goodbye years ago, but i will again say my final goodbye to you using this letter. I hope you've reached until this part. Good bye kuyang, i will never forget you :)
Your before a teenage friend but now a lady,
Nica
BINABASA MO ANG
JUST IN CASE I DIE TONIGHT
Non-FictionDahil advance ako mag-isip, gagawa na ko ng mga huling habilin para sa mga taong malalapit sa aking puso. Aware naman tayong lahat na ang buhay ay panandalian at sadyang maikli lang. Time flies so fast. Bukod doon, nay mga pangyayari talaga sa buhay...