Hi! Exactly today, Its been 2yrs, since you got away. I can say i am more better than before, i am more stronger and more matured, thanks to you.
Those days were though. Nagkakilala tayo noong mga panahong bata pa ako. An innocent girl with the sweetest smile, sabi mo nga. You were mesmerized with my looks, kasi sabi mo ang amo ng mukha ko. Yung tipo ng itsura ng babae na mahirap saktan kasi sobrang fragile. Tipo ng babae na hindi pwedeng lokohin at iwanan.
Well, that was before. 5yrs ago. We met, at restaurant na favorite namin kainan ng mga friends ko. Nandoon ka that time together with your family, nagcecelebrate ng birthday ng isa fam member. Sakto naman na i was with one of my friend na friend mo din pala. Then to make it shorter, kinuha mo sa common friend natin yung number ko at dun na nagsimula ang lahat.
You are older than me, so before, i was used to call you "kuya". We started texting, while getting to know each other. Sinabi mo sakin noon na kapag di ako tumigil kakatawag sayo ng kuya, "baby" ang itatawag mo sakin, na naging endearment natin nung naging mag-on tayo. I remembered you were so corny way back then (Hahahaha, those days tho!). You tried hard, to win my innocent heart. Hindi naging madali, dahil before pa tayo magkakilala, nagbuild na ako ng mataas na pader, to guard my heart kasi naranasan ko na din masaktan ng sobra noon.
I introduced you to my family. Ikaw ang una kong pinakilala na manliligaw kasi for me, seryosohan naman na kaya dapat kilala nila kung sino ang nakakasama ko. Ayoko kasi ng patago na relasyon kung magiging tayo man. Things began smoothly at dumating nga ang araw na sinagot na kita. We were happy, everyday magkasama tayo. Hinahatid at sinusundo mo ako minsan sa school at bahay, while kapag break time or cancelled class, nagpupunta naman ako sa inyo. Almost everyday routine kaya nasanay na tayo na magkasama. And that lasted for 2yrs.
The last year of our relationship, hindi na naging maganda. Maraming away, maraming sumbatan at bihira na rin tayong magkita. And dumating na nga sa point na you decided to end up everything. Because you said you are tired of me and i am toxic.
Well, hindi ko na sasabihin ang ibang details kasi alam ko na hindi mo naman nakakalimutan ang mga yun. Hindi ko din ito sinulat para magsumbat at maglabas ng hinanakit sayo. Binanggit ko sa umpisa kung paano tayo nagsimula at nagkakilala kasi gusto na sa kapag nabasa mo ito,yung mga good times natin ang maalala mo. I hope i became a good memory to you. Kasi kahit ano man ang nangyari before, we still cannot deny the fact na naging part na tayo ng buhay ng isa't-isa.
Sa tuwing babalikan ko yung part ng buhay ko na yun, oo nasasaktan pa din ako. Hindi dahil sa hindi ako makamove on kundi dahil narealized ko na ako din naman ang nanakit sa sarili ko. Na i loved you too much, to the point na hinayaan ko yung sarili ko na masaktan ng sobra. But the good thing was i learned a lot from all of that. Hindi naging madali noong nawala ka. Kasi how can i forget someone who gave me so much to remember db? Wala akong maisip na paraan to wash out all the pain that i am feeling, walang pinipiling araw,oras at lugar ang pagluha hanggang dumating nalang sa punto na hindi na ko makaiyak kasi naiiyak ko na yata lahat ng tubig sa aking katawan. I let the pain hurt me until it hurts no more. Yun lang yung naisip ko na paraan to get over you. To get over that freaking 3yrs together. Those memories that i cannot erase in my life. Those happy moments that we shared.
I don't know kung ganoon din ang naramdaman mo. I don't even know kung kinailangan mo din ba magmoveon that time. Its been 5yrs, simula noon hindi na tayo nagkita. I hope, kung makakarating man ang letter na ito sayo, sana naaalala mo pa ako. Gusto ko lang din malaman mo na okay na okay ako ngayon. Masaya, matured kahit na yung puso ko hanggang ngayon durog na durog pa rin. Sinisikap ko pa din buuin. Thank you for letting me go. Sigurado wala ako sa kung nasaan man ako ngayon kung di mo ko iniwan. Thank you kasi mas naging matapang ako at mas natuto. I hope na okay ka din ngayon. Matagal naman na kitang napatawad, matagal na din kitang pinalaya at inalis sa puso ko. Matagal na akong nakamove-on. I forgive but i never forget. Salamat sa 3yrs na pag-alaga sa akin. Ngayon kaya ko na. Kaya ko na mag-isa. Salamat, kasi somehow you make the 18 year old me felt alive.
-Nica
BINABASA MO ANG
JUST IN CASE I DIE TONIGHT
Non-FictionDahil advance ako mag-isip, gagawa na ko ng mga huling habilin para sa mga taong malalapit sa aking puso. Aware naman tayong lahat na ang buhay ay panandalian at sadyang maikli lang. Time flies so fast. Bukod doon, nay mga pangyayari talaga sa buhay...