Ofcourse, before anything else, before someone else, sarili ko muna.
Sarili ko muna para kahit dito lang sa gagawin kong mga huling habilin, maappreciate ko yung sarili ko at mabigyan ng halaga. Sabi nga ni Justin Bieber "Love Yourself". Well hindi naman required na sundin yon. Kaya ako eto, sobra-sobrang magmahal kahit minsan, wala na natitira para sa akin.
Dear Self,
I am so proud of you, Nica. You did very well in this life. Hindi ka man kagandahan, hindi katalinuhan, hindi kagalingan at hindi kabaitan, I know na you did your best to live this life to the fullest. You did a great job honey!! Although we know that things are not always in favor for us, still, Its an A for trying!!!
Thank you kasi alam ko, you bring out the best in everything. Hanga ako sa katapangan mo. Kung paano ka nadevelop sa paglipad ng panahon. From an innocent girl to a very strong lady. Nasubok ng panahon at ng mga karanasan. Nagbago at binago ng mga pagkakataon at pangyayari. Nasaktan, nadapa, bumangon at nadapa ulit. Hindi ka sumuko. Hindi ka nagpatalo kahit na ang hirap hirap na ng buhay. Hinarap mo ang mga suliranin at problema ng lumalaban. Salamat kasi nagpakatatag ka. Kinaya mo kahit ikaw lang mag-isa.
Thank you kasi natuto kang magpatawad. Na kahit sobrang sama na ng mundo,positibo pa rin ang pananaw mo sa buhay. Na gumigising ka tuwing umaga ng may panibagong pag-asa at lakas. Kahit minsan natutulog kang malungkot, gigising ka ng masigla at buong lakas. Pinatawad mo lahat ng nagdulot ng masasakit. Kasi alam mo na lilipas din yan. Kasi alam mo na nadala lang ng galit. Hayaan mo, its time to rest na. Sobrang dami mo na naranasan. Eto na siguro yung time para makapagpahinga ka na ng maayos. Wala ng makakapanakit sayo :) Wala nang sisigaw at magmumura. Magiging payapa na ang lahat. Maghahari ang katahimikan at hindi ka na guguluhin ng kadiliman.
Rest well. You did a great job :)
From,
Yourself
BINABASA MO ANG
JUST IN CASE I DIE TONIGHT
No FicciónDahil advance ako mag-isip, gagawa na ko ng mga huling habilin para sa mga taong malalapit sa aking puso. Aware naman tayong lahat na ang buhay ay panandalian at sadyang maikli lang. Time flies so fast. Bukod doon, nay mga pangyayari talaga sa buhay...