Yes, you read that right. Although di nyo to mababasa kasi kayo yung binabasa, i will still write it. Ppush ko to mga koya at ate hahahahah.
Why do i love books? Well, not just books. I really love reading. Reading silently. Reading using my eyes only. Kaya madami akong alam at madami akong sinasabi kasi palagi akong nagbabasa. Araw-araw. Not just published books, basta mga words na nakikita at naccurious ako, binabasa ko. Di ko alam kung bakit ang gaan sa pakiramdam kapag nagbabasa. Siguro dahil sa madami akong natututunan, madaming karanasan sa binabasa kong story na feeling ko ako yung nakakaranas, o dahil may mga nakikilala akong iba't-ibang uri ng tao at personalidad? Ewan, di ko alam. Sa dami ng nabasa ko na simula noong bata pa ako, di ko na alam. Ang alam ko lang, masaya ako, ang gaan sa feeling ko kapag may bago akong libro na babasahin at may bagong storya akong malalaman.
Reading is a way of escaping from reality.
Ang sarap pumasok sa mundo ng ibang tao at makisalamuha sa kanila. Ang sarap magkaroon ng bagong kaibigan at mga kakilala. Ang sarap isabuhay ng bawat pangyayari na hindi naman nangyayari sa totoong buhay. Oo, panandalian lamang ang lahat dahil lahat ng storya ay nagwawakas, pero masaya ako sa panandaliang iyon. Nakakawala kasi ng stress at problema. Na kahit saglit lang nagkakaroon ng kapayapaan at katahimikan. Na kahit sandali nakamatakas sa mga suliranig hinaharap sa totoong buhay.Sa lahat ng mga libro ko, di ko na kayo iisa-isahin kasi alamkong madami kayo, salamat ng marami. Hiling ko bago matapos ang buhay ko na ito, mabasa ko muna kayong lahat. Malaman ang storya ng bawat isa sa inyo, at magkaroon ako ng pagkakataon na makilala kayo. Salamat sa saya na naibibigay nyo sa akin. Sa kilig tuwing may bago akong libro. Sa pagpapagaan ng loob ko kapag bad mood ako. Salamat kasi kasama ko kayo, sa tuwing mag-isa lang ako. Napupunan nyo yung pagkukulang ng mga tao sa paligid ko. Na kahit na siguro wala akong kaibigan basta may mga libro ako, okay ako, masaya ako. Salamat ng marami, at binuo nyo yung isang parte ng buhay ko. Tinupad nyo yung pangarap ng batang ako----- na paglaki ko, mangongolekta ako ng libro at babasahin ko yun lahat para matawag akong mambabasa at hindi mangongolekta ng puno na ginawang papel at sinulatan.
Sana mas dumami pa kayo.
-Nica
BINABASA MO ANG
JUST IN CASE I DIE TONIGHT
Non-FictionDahil advance ako mag-isip, gagawa na ko ng mga huling habilin para sa mga taong malalapit sa aking puso. Aware naman tayong lahat na ang buhay ay panandalian at sadyang maikli lang. Time flies so fast. Bukod doon, nay mga pangyayari talaga sa buhay...