Ako nga pala si Ian S. De La Cruz may kaibigan akong mga babae ngunit dalawa lang ang naging matalik at totoo kong kaibigan yun ay sila Rica at Katrina.. Sila ang mga kaibigan kong babae na nagkaroon ng puwang sa buhay ko, anuman man mangyari we never be broken, walang makakahiwalay saamin kahit ano payang pagsubok ,we never retreat and surrender 'couse we fight and faced it.Marami akong naencounter na tao dito sa mundo na akala mo na dapat silang pagkatiwalaan pero sa totoo iilan nalang dito sa mundo yung mga tao na mapagkakatiwalaan.. Ngayong panahon mahirap na ang makakuha ng totoong kaibigan bago ka makakuha ng totoong kaibigan kailangan mo munang kilatisin at dumaan ng ilang proseso bago mo malaman na totoong kaibigan ba o hindi; mapagkakatiwalaan ba o secret spoiler ba pag hindi na kayo magkaibigan.
Sa bawat desisyon kailangan mo ng masusing pagsusuri sa iyong iniisip para hindi ka magsisi kung ano man ang maging resulta ng iyong desisyon.
Kaya kung may totoo kang kaibigan please don't let him go! Wag mo ng pakawalan kasi kahit papaano may malalapitan tayo, may makakausap tayo at may makakapitan sa oras na tayo ay nasasaktan, nahihirapan, kailangan ng kausap at walang wala sa kadahilanan na tayong mga anak ay mayroong mga bagay na hindi natin kayang ibahagi o isabi sa ating magulang kasi nahihiya tayo and also hindi pa panahon para malaman ng ating magulang kung ano yung issue na ating kinakaharap at pinoproblema, sa tulong ng iyong kaibigan magkakaroon ka ng ideya at lakas ng loob na kaya mo itong sabihin sa magulang mo dahil kahit papaano gumaan na ang pakiramdam mo at gumian narin ang bigat ng problema na dinadala mo pagkatapos mong ipagtapat ang totoo sa totoo mong kaibigan ang iyong nararamdaman either masaya yan o hindi;nakakakilig o nakakahurt. Basta ang totoo mong kaibigan ay yun bang good influenced kasi may mga good influenced kasing mukhang adik, tambay, siga, basagulero, at parang kulang sa aruga😂😂 Minsan yung kala mong hindi mapagkakatiwalaan at hindi totoo, kung minsan ay sya pa yung karapat dapat na pagbahagian ng nararamdaman mo.
Kaya yang si Rica bago ko yan naging kaibigan dumaan mo na kami sa sitwasyon na parang guguho na ang mundo mo! May iyakin na kapag umihimbik ng malakas na may kasama pang suntok sa dibdib at may kasama pang sipon sa damit mo it so kadiri but okay lang atleast nailabas nya ang sakit ng loob ikaw ang binabanggit ko dito Rica . Halos 4 na taon na kaming magkaibigan, itong kaibigan kong ito napakasipag, every school year palaging class secretary ng aming classroom, at so overall sya ay talented na babae.
Si katrina naman ay sya yung kaibigan kong madrama(artista kaya yan si katrina) bago ko yan naging true friend dumaan muna kami sa pagiging enemy. Palaging nag aaway, every debate kami ang naglalaban nyan. Pero heto naman ako hindi nagpapatalo I don't care kung umiyak yung kadebate ko basta ako ipinaglaban ko yung pinaglalaban ko pero alam nyo bayung trivia sya yung babae na masyadong matatag never susuko at sya lang yung nakadebate ko na hindi umiyak its so amazing right. Napakaangas!! Napakatibay!! Hangang hanga rin ako sa babaeng ito trying hard kasi kahit na mahirap at hindi marunong ginagawa ang lahat para lang maachieve ang objectives.. Kaya naniniwala ako baka yung kaaway mo ay yun yung taong magiging katuwang at makakatulong bawat struggles na darating sa buhay..
Kahit nagkaroon na ng panahon na masyadong down itong si katrina at halos aayaw/susukuan na ang mga problema.. Palagi kong sinasabi na kaya mo yan basta lagi mo lang isaisip na narito kami ang iyong kaibigan, ang iyong magulang at ang Diyos na nagmamahal sayo.Kaya Naniniwala ako sa Bible Verse na
"You can do all things through God"Nakalimutan ko yung karugtong but kung gusto nyong malaman so just look to bible
Philippian 4:13.
YOU ARE READING
Love your Classmate
Non-FictionNo retreat! No surrender! Stay strong! Every challenge na dumadating sa buhay natin may mga tao ring dumadating at handang dumamay but hindi na mawawala ang mga plastic friends and real friends. Now sa sitwasyong ito may mga bagay talagang hindi mo...