"Samahan mo na kasi ako sa date ko baks" alok ni wendy kay tin. Nakaupo sila sa sala ni tin at umiinom ng tea.
"Wag na wends.. makaka-istorbo lang ako noh..dito nalang ako sa apartment ko" tanggi naman ni tin sa kaibigan
"Saturday night tapos magmumukmok ka lang dito.. ayan kasi.. masyado kang mapili sa lalaki..ang tagal mo na tuloy walang boyfriend"
"Hindi naman ah.." defensive na sagot ni tin
23 na si tin at naka-dalawang boyfriend na ito pero nauwi rin sa wala dahil masyadong immature pa ang mga naging boyfriend niya. Maganda, matalino at mabait naman ito pero sadyang mailap lang yata ang Mr.Right niya. Isa pa ay masyado niyang inilaan ang oras niya sa pamilya at sa business niya. Si wendy naman na bestfriend niya ay palibot libot sa iba-ibang bansa dahil sa trabaho nito bilang isang model, kaya pag nandito si wendy sa pilipinas ay super mega bonding ang dalawa Pag wala din gigs ang kaibigan sa pagmomodelo ay tinutulungan siya nitong patakbuhin ang business niya.
"O sige nga ano nga ulit ang mga hinahanap mo sa magiging future boyfriend mo"
" umm.. una.. dapat mahilig sa dogs.. parang ako"
"okay.. madami naman guys ang mahilig sa dogs" patango-tango si wendy habang nakikinig
"pangalawa..dapat mahilig sa bata.. kasi gusto ko 3 or 4 din magiging babies ko in the future"
" okay.. ano pa?"
"dapat fan siya ng b-meg.. alam mo naman super favorite team ko yun simula bata pa ko.. and lastly.. dapat meron siyang 200 thousand pesos, cash"
"200 thousand pesos?! for what? para ba yan sa expansion ng dog spa business mo?"
"Naku, hindi wends.. saka na yun.. may mas importante akong paggagamitan ng pera"
"Like?"
"Si mama kasi.. gustong ibenta yung bahay na minana niya kay lola"
"OMG.. yung bahay niyo kung san ka lumaki? bakit naman gustong ibenta ni tita?"
"Kulang na kasi pera nila pang-tuition ni kuya sa culinary school.. tapos alam mo naman nagkasakit pa si papa kaya na-short talaga... yung bahay ang napagdiskitahan ibenta ni mama eh"
"Naku naman.. I wish I could help.. kaso alam mo naman medyo nagastos ko yung pera kong bigay ni kuya nung nag european tour ako"
"Okay lang wends.. I understand naman.. hay nako.. hanapan mo na nga ako ng DOM.. magpapakasal na ko masave ko lang yung bahay ni lola, dapat ano ha.. matandang mayaman na madaling mamatay..hahaha" natatawa si tin sa mga kalokohan na sinabi niya..
"Seryoso ka tin? wait ha may tatawagan lang ako"
"Huy teka.. joke lang" habol ni tin kay wendy pero napasok na to sa CR at may kausap na sa cellphone niya
---------------------------------------
"Hello Kuya?" bungad ni wendy kay slater
"O..wendy! Napatawag ka?"
"Naghahanap ka pa rin ba ng asawa?" prangkang tanong nito sa kuya niya
"Oo..bakit?"
"May nahanap na ko na papayag sa deal mo"
"Sino?"
"Si Tin.. Christine Patrimonio.. yung bestfriend ko"
"Sira ka ba wendy? no way..."
"Bahala ka.. ang arte mo... kelangan na kelangan lang kasi niya ng pera...tawagan mo nalang ako pag nagbago isip mo alam mo naman malapit na ang deadline mo " at binaba na ni wendy ang telepono
BINABASA MO ANG
Love-an o Bawi...
FanfictionIn most Love Stories, Marriage is the Happy Ever After..For some..it is just the beginning...