Nang buksan ni slater ang pinto ay isang sexy at sobrang puti na babae na bagama't hindi katangkaran at hindi kagandahan ay mukha namang modelo. Kutob ni tin na ito ang pinaka-recent na ex ni slater na si venice, at hindi nga siya nagkamali.
Kahit na milya milya ang lamang ni tin sa kagandahan kay venice ay nakaramdam siya ng kaunting insecurity dahil habang siya ay naka-sweat shirt at jogging pants, ang babae naman ay naka mini skirt at plunging neckline na halos lumuwa na ang boobs nito. Dire-diretso itong pumasok sa bahay na para bang kanya ito. Matagal itong tumitig kay tin saka nagsalita, "Sorry for intruding slatey, gusto ko lang makita ang itsura niya"
"Papano ka nakapasok sa gate?" tanong ni slater kay venice
"I still have the security code slatey, I suggest ibahin mo na ang security code mo if you don't want me coming over unexpectedly anymore" sagot naman ni venice
Hindi naman papayag si tin na habang umiiral ang deal at contract nila ni slater ay makipagbalikan ito sa ex niya kaya't lumapit siya kay slater at hinawakan ang kamay nito saka nagsalita "I understand how you feel venice, sorry if you feel na niloko ka namin..medyo naging mabilis kasi ang mga pangyayari, slater and I knew each other when we were kids and nung nagkita na ulit kami we just couldn't let each other go" sa totoo lang ay nakaramdam din ng awa si tin sa babaeng kaharap niya mukhang inlove na inlove kay slater.
Humawak naman si slater sa bewang ni tin hinapit ito palapit sakanya. "I'm sorry ven, but you have to go.. we're on our honeymoon"
"Yun nga eh honeymoon sa bahay? how come?" nang-iintrigang tanong ni venice
"May mga trabaho pa kasi ako na hindi maiwan kaya hindi na muna kami nag out of the country" depensa naman ni slater
"Fine, aalis na ko. Gusto ko lang naman makilala yung pinalit niya sakin" ani venice kay tin saka umirap at naglakad na palabas ng pinto.
Nang maisara na ni slater ang pinto ay humarap ito kay tin. "I'm sorry tin, hindi ko naman alam na darating siya"
"Okay lang.." mahinang sagot ni tin
"Tungkol nga pala sa nangyari kanina.." simula ni slater
"Look, don't worry about it..nadala lang tayo.. katulad ng sabi mo walang ibig sabihin yun okay?' ani tin kay slater
Matagal na nag-isip si slater ng isasagot "Sige, Let's blame it on the alcohol" sagot naman nito kay tin
"Right..sige mauna na ko at inaantok na ko" pagkasabi nito ay umakyat na si tin sa staircase
Gusto sana siyang pigilan ni slater para tapusin nila ang nasimulan nila kanina pero nakuha niya naman icontrol ang sarili kaya't dumeretso nalang din siya sa kwarto niya.
------------------------------------------
Bilang asawa ni Slater ay trabaho din ni Tin na samahan ito sa mga events at parties kaya wala siyang nagawa kundi pumayag na sumama sa pupuntahan ni Slater ngayong gabi.
"Tintin! bilis naman, nakakahiya namang ma-late tayo dun sa party ni Mr.Romero" tawag ni slater sa asawa
"Wait lang boss, pababa na!" sigaw naman ni tin dito
Pagkalipas ng ilang minuto ay bumukas na ang pinto ng kwarto ni tin at bumaba na ito sa staircase, si Slater na nag-tetext ay ini-angat ang ulo upang sermonan sana ang asawa niya sa pagiging mabagal nitong kumilos pero walang salita na lumabas sa bibig niya dahil sa sobrang paghanga sa ganda ni tin.
Natural naman ang ganda ni Tin, pero mas tumingkad pa ang ganda nito dahil sa konting make-up na suot niya. Lalo rin niyang ikinaganda ang gown na suot niya. Gusto sana ni slater na utusan ang asawa na magbihis ng ibang gown at ibahin ang make-up yung medto ikapapangit niya pero alam naman niya na kahit anong suotin ni tin at kahit anong ayos ng buhok at mukha nito ay lulutang pa rin ang ganda nito. Naiwan lang siyang naka-tulala kay tin habang bumababa ito ng hagdanan.
BINABASA MO ANG
Love-an o Bawi...
Fiksi PenggemarIn most Love Stories, Marriage is the Happy Ever After..For some..it is just the beginning...