Inilabas ni tin ang mga gamit at damit niya galing sa luggage bag at iniayos ito sa closet at mga cabinet. Pagkatapos ay nagshower ito saka nagsuot ng sweatshirt at jogging pants saka. "Nice tin, sweatshirt and jogging pants on your wedding night, how romantic" nasabi ni tin sa sarili.
Pagbaba niya sa kitchen ay nakita niya si slater na nagluluto. Hindi pa ito nagpapalit ng damit sa halip ay hinubad lang nito ang tuxedo nito at ni-roll lang sleeves ng polo hanggang sa siko. Umupo si tin sa counter ng kitchen habang pinapanood si slater.
Nilapag na ni slater ang pagkain sa table saka naghain ng kubyertos. Umupo na rin si tin sa tabi ni slater, tahimik na nagdasal at nagsimulang kumain.
"O..bakit salad lang yang kinakain mo?" basag ni slater sa katahimikan sa lamesa nang mapansin niyang salad lang ang kinakain nito.
"Eh nagda-diet ako"
"Nakakainis yung mga babaeng hindi marunong kumain ng maayos, yung puro diet nasa isip" ani slater habang tuloy pa rin sa pagkain
"Hay nako, kung magsalita ka.. sige nga yang huling naging girlfriend mo na si venice, malakas ba siyang kumain? ano nga ba ang weight niya? 100 pounds? for sure dahon at damo lang din kinakain niya diba? saka diba puro anorexic lang naman dini-date mo? kaya wag mo ko lecturan about you not liking girls na di kumakain ng maayos...gusto ko lang naman pumayat"
"Hindi ka naman mataba tintin...in fact you're perfect.. maganda na mabait pa" bulalas ni slater
Natigilan si tin sa mga sinabi si slater, hindi makapaniwalang sinabi ito ng binata. Ganun din naman si slater na nabigla din sa mga nasabi niya.
Pagkatapos nilang kumain ay napagpasyahan nilang maglaro ng cards dahil wala naman magandang panoorin sa tv at di naman sila pwede gumimik dahil magtataka ang mga tao kung bakit hindi nila inienjoy ang "honeymoon" nila.
Naglalaro sila ng pusoy dos, parehas silang nakaupo sa carpet at sa tabi nila ay may chips at mga beer.
"Tin, ikaw na..bagaaal"pangaasar pa ni slater
"Wait lang.....o straight! talo ka na" mayabang na pahayag ni tin kay slater dahil isang baraha nalang ang natitira sa kanya
"not so fast tintin..flush! talo ka!" at nilapag na ni slater ang lahat ng baraha niya sa lamesa.. tawa pa ito nang tawa dahil akala ni tin ay panalo na siya
"ang dayaaaaa.... I'm sure nangdaya ka! Ilabas mo na yang card na tinago mo" tinackle ni tin si slater sa sahig at pinaibabawan niya ito habang kinakapkapan si slater at hinahanap ang akala niyang card na tinago nito para manalo
Nag-iba naman ang pakiramdam ni slater nang magkadikit ang katawan nila ni tin. Biglang uminit ang pakiramdam niya at natigil siya sa pagtawa. Pinapanood niya si tin habang busy itong naghahanap ng ebidensya na nangdaya siya. "Grabe ka tintin hindi mo ba alam ang ginagawa mo sakin?" isip isip pa ni slater habang titig na titig pa din kay tin. Kahit na naka-sweat shirt at jogging pants lang ang asawa ay naaakit pa din siya dito.
"Psst tama na yan tin, para kang bata eh" kunwaring naiinis na sita ni slater kay tin pero ang totoo ay naiinis siya sa nararamdaman niyang init at dahil sa wala siyang magawa tungkol dito.
"Sorry kuya slater, mandaraya ka na nga, ang sungit mo pa" biro ni tin kay slater
Lalong nainis si slater sa sitwasyon nila. Heto siya at nanggigigil pero nagtitimpi sa init na nararamdaman niya para kay tin tapos tatawagin siyang kuya? Ang mas masaklap pa ay asawa niya ito kaya't sa mata ng simbahan at ng batas ay pwede nilang gawin ang mga naiisip niya. Hindi niya na mapigilan ang sarili niya kaya iniikot nya si tin at siya naman ang pumaiibabaw dito.
Nagulat si tin sa ginawa ni slater, nararamdaman niyang nanginginig ito. Gusto sana niyang magkomento o magjoke para mawala ang awkwardness pero di niya magawa dahil parang may iba kay slater.
"Slater?" ang tangi niyang nasambit dahil sa bumilis na din ang tibok ng puso niya at umiinit na din ang pakiramdam niya.
"Tin, walang ibig sabihin ito okay" ang naging sagot ni slater bago siya masuyong hinalikan nito. Nang hindi tumutugon si tin sa halik ni slater ay lalo pang nilaliman ni slater ang halik niya. "tin, tin" sabi nito habang nakalapat pa din ang mga labi niya kay tin.
Ayaw man ni tin magpadala sa nararamdaman ay wala na din siyang nagawa kundi ang tumugon sa halik nito. Maya maya pa ay naglakbay na ang isang kamay ni slater at nag-landing sa dibdib niya. Ipinasok pa ni slater ang kamay sa loob ng sweatshirt niya. Napasinghap nalang si tin sa sarap na nadarama niya. Si tin naman ay binuksan ang butones ng polo shirt ni slater at naglakbay na rin ang kamay nito.
Nasa ganito pa rin silang pwesto at ni hindi pa nakakarating sa third base si slater nang may magdoorbell sa pintuan ng bahay. Nagitla ang dalawa at agad na tumayo si slater. Sumunod namang tumayo si tin at inayos ang damit at buhok niya.
"Are you okay?" tanong ni slater kay tin habang sinasara nito ang butones ng polo shirt niya. Kung titignan si slater ay parang walang nangyari dito dahil kalmado na ang kilos nito, ang tanging ebidensya nalang ng nangyari ay ang bukol sa pantalon ni slater at ang medyo magulo nitong buhok.
'Yeah, sige buksan mo na yung door" sagot ni tin dito kaya't tumalikod na to at naglakad papunta sa pinto
"Walang ibig sabihin yun" paulit-ulit na kinukumbinsi ni tin ang sarili habang nakatingin sa likod ni slater at hawak ang labi niyang kanina lang ay sinusukol ng halik ni slater.
BINABASA MO ANG
Love-an o Bawi...
FanficIn most Love Stories, Marriage is the Happy Ever After..For some..it is just the beginning...