"Tin! Get up.. Tin!" malambing na pangungulit ni slater sa asawa na tulo laway pang natutulog sa kama niya. Hindi ata naiisip ni slater na sa sobrang lambing ng boses niya sa paggising kay tin ay mas lalo lang hihimbing ang tulog nito sa ginagawa niya.
2 weeks na silang nagsasama na parang normal na mag-asawa. Sabay silang umaalis ng bahay sa umaga pero sa magkaibang sasakyan, sabay din nagdidinner when they get home from work at sabay din nagdedessert sa kama bago matulog. ansaabe?! :p
Everything is going well although syempre madalas pa din silang magtalo at mag-asaran. From the outside ay parang napakaperfect ng marriage nila. Naiinggit na nga ang mga bachelor friends ni slater eh at nagbabalak na din mag-asawa. Walang magaakala na may time limit lang ang kasiyahan nila dahil pagkatapos ng isang taon ay magpapa-annul na sila ayon sa original nilang deal at na isa sa mga rules nila ang bawal mainlove sa isa't isa. Kung titignan kasi sila ay parang normal lang sila na bagong kasal na hindi mapaghiwalay at sabik na sabik sa isa't isa.
Unti-unti na nagising si tin dahil ramdam niyang hinahalikan ni slater ang pisngi niya
"anong oras na ba slater? inaantok pa ko" inanatok na sabi ni tin
" 7am na tin, di ka ba magbubukas ng shop mo today? tunawag na si bianca eh yung katulong mo sa spa di daw siya makapasok di mo naman daw iniwan susi sa kanya" masuyo pa din na sabi nito
Sa narinig ay agad na umupo si tin causing her to bump her forehead with slater's.
"Ouch!! " sabay nilang sabi (syempre saucy..chos)
"Sorry " -Tin
"Okay lang, sige ligo na tayo" sagot ni slater
"Ano? bakit di ka pa naliligo? Kanina ka pa gising diba?"
"eh..." pilyong sabi ni slater
"eh?.."
"Hinihintay kita" medyo nahihiyang sagot ni slater
"Di mo ba kayang maligo na wala ako ha.. yaya mo ba ko?" natatawang sabi ni tin
"Nako tintin dami pa reklamo eh, tara na" Binuhat ni slater si tin papunta sa banyo
Binaba lang niya ito nung nasa shower na. Dahan dahan din niyang inaalis ang robe na suot ni tin. "Slater naman eh.. no monkey business ha! Ikaw na ang may sabi late na ko sa spa"
"Ganyan tintin, hinintay hintay kita magising kahit malate na din ako tapos ayaw mo ko pagbigyan" nagtatampu-tampuhan si slater
"hay.. ang bilis mo magtampo para kang babae, sige na nga.. once lang ah.. bilisan na natin" suko ni tin
At yun nga nag-morning rush sila sa bathtub.
Pagkatapos maligo at magbihis ay nag-almusal muna ang dalawa bago tumulak papunta sa garahe.
"Tin, sabay ka na sakin.. hatid na kita bago ko pumasok sa office tas sunduin din kita, we'll have dinner with kim and jeron, HS friends ko"
"Wag na, out if way kaya yung spa. Saka baka malate ka na ng todo niyan pag hinatid mo pa ko"
" Tintin, ako naman ang boss eh.. Okay lang malate ako paminsan minsan"
"Ewan ko sayo slater, palagi nalang tayo magkadikit, baka masanay ka niyan sige ka"
"Sanay na sanay na kong nasa tabi kita tin kung alam mo lang" slater thought to himself
Isa ito sa mga pagkakataon na iniisip ni slater na sana ay di nalang siya takot magmahal at sana ay totoo pang forever nalang ang kasal nila.
BINABASA MO ANG
Love-an o Bawi...
FanficIn most Love Stories, Marriage is the Happy Ever After..For some..it is just the beginning...