Chapter 13

447 13 11
                                    

“Tin naman eh, wag mo na kasi ako isama. Uuwi nalang ako tapos tawagan mo ko pag susunduin na kita” nakikiusap si slater kay tin habang nasa kotse sila sa may driveway ng bahay nila tin. 

“Umayos ka slater, sasama ka kahit ayaw mo” matigas na sabi ni tin. Kung paanong napagsasabihan na niya ngayon ng ganito si slater? Hindi din niya alam.

“Alam mo naman ayoko sa mga family gatherings diba? Lalo na sa mga anniversary” Seryosong sabi ni slater

Napakunot ang noo ni tin. She tried to reason out kay slater. "Anniversary ng mama at papa ko slater, ineexpect nila na darating ang manugang nila, wag mo naman sana sila idisappoint”

Napabuntong hininga nalang si slater, di niya rin matanggihan si tin eh. “Fine, you win. Sasama na. Pero itaga mo sa bato isang lingo kita hindi patutulugin kapalit nito”

Imbes na mainis ay naexcite pa yata si tin sa threat ni slater. Magkahawak silang pumasok sa bahay nila tin.

“Tin! Slater! Ayan  na pala kayo, tara sa loob” bati ni angelo kela slater at tin

Pagdating nila sa may dining room ay agad hinila ng papa ni tin si slater at pinaupo sa tabi niya kung san kasama nito ang mga uncle ni tin at nagiinuman, binigyan niya ng beer si slater. Medyo naiilang si slater at tumingin kay tin na para bang humihingi ng tulong pero nagkibit balikat lang si tin.

“Alam mo ba ben, dalawa na ang anak kong lalaki ngayon. Meron na akong chef at ngayon naman may engineer na sa pamilya.” Hinawakan ni Alvin ang balikat ni slater. Natouch naman si ito sa mga sinabi ng papa ni tin. Sa unang pagkakataon kasi pagkatapos ng mahabang panahon ay nafeel niya na may ama siya.

“Papa, pinapainom mo na agad si slater  eh hindi pa yan kumakain. Baka malasing yan ako pa magddrive pauwi. Hiramin ko muna, papakainin ko lang” pangaral ni tin sa Papa niya

“Sige mga anak kumain muna kayo” sagot naman ng papa niya

“Akala ko hahayaan mo nalang ako maglasing dun eh” pangaasar ni slater kay tin

“Thank you ha, napapasaya mo ang papa ko” tin smiled kay slater

“Ako din naman napapasaya niya. Kahit nung bata pa tayo sobrang bait ng parents mo eh, lalo na kay wendy, sana naging parte nalang kami ni wends ng family niyo edi sana lumaki kaming Masaya” medyo malungkot na sabi ni slater

“Kung nangyari yun, edi incest na yung pages-s*x natin” biro naman ni tin. She was trying to lighten up the mood.

“Loko ka talaga tintin” 

“Pero seriously, si wendy parang anak na ang turing nila mama dun at ikaw naman parte ka na ng pamilya namin simula nung maging asawa kita” nabigla nanaman si tin sa nasabi niya. Palagi nalang nadudulas ang dila niya. “I mean, for the time being..habang kasal pa tayo”

“mmm...” tanging sagot ni slater dahil ngumunguya siya ng pagkain

Pagkatapos nila kumain ay bumalik na sis later sa tabi ng papa ni tin at si tin naman ay pinuntahan si ang pinsan niyang si jerica at ang hipag niyang si jas na kasama ang pamangkin niyang si bella.

“Tin! Kwentuhan mo naman kami sa prince charming mo” sabi ni jerica

“Anong kwento naman ?”

“Like, is he a sweet husband ? and is he good?” -si jas

“Anong good?” -tin

“Is he good in bed?” straight to the point na tanong ni jas

“Do I really need to answer that?” Nagaalangan si tin. Ayaw naman niya kasing mag-kiss and tell

“So you mean yung gwapo niyang yun di siya magaling sa kama?” nanghihinayang na tanong ni jerica

“Huy hindi ah! Wala kong sinabing ganun. In fact Sobrang magaling nga eh at mahilig almost everyday nga namin ginagawa” Nadulas na naman ang pahamak na dila ni tin

“Eh di umamin ka din! Hahaha.. Mabuti naman at happy ang s*x life niyo, yan ang way para magkaroon ng happy marriage”

“Mga bruha talaga kayo, teka asan na si bella?” hinanap ni tin si bella dahil nawala na ito sa paningin nila

“She was just playing here kanina, teka nga hanapin ko” -jas

“Ako na, sige na just finish your food” sabi naman ni tin 

Lumibot si tin sa bahay upang hanapin si bella. Nang makarating siya kusina ay nakita niya si slater pinapakain ng ice cream si bella. Hindi siya agad napansin ng mga ito. Nakangiti lang si tin habang pinapanood si slater at si bella.

“Tito slater, I want more vanilla” -bella

“Okay bella, but not too much okay? Baka pagalitan na ako ng mommy mo at ng tita tin mo” malambing na sabi ni slater sa bata

“I won’t  tell them” pilyang sagot naman nito

“Bella, I think you’ve already eaten too much. Balik ka na sa mommy mo” ani tin. Nagulat naman si slater at bella dahil nandun pala si tin

“Fine, but tita Tin..please always bring Tito Slater when you visit huh?” niyakap ni bella si slater pagkatapos ay  si tin naman at lumabas na ng kitchen

“Sorry tin, I couldn’t say no to the kid..masyadong charming eh” pageexplain ni slater kay tin. Alam naman kasi niya na ayaw pakainin ng ice cream ni jas si bella ng ice cream sa gabi. Sinabi niya ito habang nagdidinner sila

“Ayos lang, wala naman talaga nakakatanggi dun eh. Tignan mo gusto ka na niya, nirerequest pa na palagi kita isama” natatawang sabi ni tin

“What can I say, lovable daw ako eh” pagyayabang naman ni slater sa asawa

“Alam ko” automatic na sagot ni tin

“Ano yun tintin?” tanong ni slater

“Wala, sabi ko ibalik mo na yang ice cream sa ref at baka matunaw. Puntahan ko na ulit sila jas” nakahinga ng maluwag si tin dahil hindi narinig ni slater ang sinabi niya

Nagdaan ang oras na Masaya ang lahat sa loob ng bahay at Sobrang saya lang ng atmosphere. Nnang magte-ten na ay naisipan na ni tin na umuwi.

“Pa, nasan po ang asawa ko?” tanong ni tin sa papa niya na nakikipag-inuman pa din

“Tin, nasa taas si slater sa kwarto ni bella. Inantok yata eh”

“Ah sige po puntahan ko nalang”

Pagpasok ni tin ay nadatnan niya sis later na tulog katabi si bella. Nakayakap pa si bella kay slater,  sa unang tingin ay parang mag-ama ang mga ito. Napangiti na naman si tin.

Lumapit siya sa kama at umupo sa gilid. Unti unti niyang ginising si slater.

“Tin, sorry inantok ako eh. It must be the beer” -slater

“Okay lang, ang cute niyo nga ni bella eh. tara na uwi na tayo?” -tin

“Okay” sagot ni slater habang dahan dahan siyang tumatayo mula sa kama para hindi magising si bella

“Mahaba haba naman tulog mo?” tanong ni tin kay slater nang makatayo na ito mula sa kama

“I think so, bakit?” -slater

“Good, kasi hindi kita patutulugin ngayong gabi” nakangiting sabi ni tin sa asawa. Magkahawak kamay na bumaba na sila.

.Hindi matutulog? Buh-ket? lels >;)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love-an o Bawi...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon