Chapter 6

359 8 3
                                    

Nakaupo si Slater sa office niya. Gumagawa ng mga plano para sa project na makakapag- make or break sa kompanyang minana niya. Gusto niyang patunayan sa board members na kayang niyang patakbuhin at palaguin pa ang construction firm kaya sobrang importante sakanya na makuha ang contract ng project nila Mr.Romero. 

Nasa ganito kalalim siyang pagiisip ng nagring ang kanyang cellphone. Nang nakita niya ang pangalan sa screen na "Mrs.Young" ay napangiti siya bago niya ito sinagot. Naalala kasi niya nung naglaro sila ng PS3 at nang manalo si tin ay nagtatalon ito sa tuwa na parang bata.

"Hello Tintin? Bakit?" Pinilit ni slater na gawing pormal ang boses niya 

"Umm.. napakain mo na ba yung fish?"

"Tintin, nagtatrabaho ako" kunwaring naiirita na sabi ni slater

"Ako rin naman eh.. nandito kaya ako sa dog spa ko, pero atleast hindi ko nakakalimutan si FiFi. Pinakain mo ba siya?"

"Fifi?" tanong ni slater

"Oo..pinangalanan ko siyang FiFi... palagi kasing fish ang tawag mo sakanya.. baka nahuhurt na ang feelings niya"

"Tintin, walang feelings ang mga isda..and yes pinakain ko siya kanina bago ako umalis ng bahay"

"Speaking of Fifi, baka nalulungot siya kasi nandun siya sa study nakapwesto. Baka gusto mong ilipat siya sa sala. Tapos ang laki laki ng Aquarium eh isa lang siya baka pwedeng bilhan natin siya ng kapartner" ani Tin

"Look tintin, binigay lang ni wendy sakin yung isda as a joke and I hated it from the start kaya big NO ang sagot ko diyan"

"Ayaw mo nga pala sa mga animals. hmp. bye." binaba na ni tin ang telepono

Si slater naman ay nakaramdam ng lungkot dahil alam niyang nadisappoint niya si tin pero wala siyang magawa dahil ayaw talaga niya sa mga hayop.

                                                                    -----------------------------------

Kinabukasan..

"Shet, magagalit si kuya ng sobra"  sabi ni wendy habang nakatingin sa mga askal na nagkalat sa sala ni slater

"Wendy naman eh,, ano bang dapat kong gawin?" nag-aalalang tanong ni tin habang pinipigilan ang isang aso na ngatngatin ang sofa ni slater

"Sabihin mo ang totoo..na kinuha mo ang aso galing sa dog pound kasi papatulugin na sila kung walang kukuha at na ilang araw lang naman sila magsstay dito hanggang sa maihanap mo sila ng animal shelter" 

"Baka patayin ako nun... alam mo namang ayaw na ayaw niya sa mga hayop lalo na mga aso.. allergic siya diba?"

"Edi lagay mo nalang mga yan sa apartment mo.."

"Hindi pwede masyadong maliit yung apartment ko, sa condo mo kaya?"

"Excuse me tinnie pero bawal ang animals sa condo ko no..sige na kelangan ko ng umalis may fitting pa ko para sa fashion show eh.. tawagan mo ko pag nalaman na ni kuya okay?" at bineso ni wendy si tin tapos ay umalis na

Mga alas siyete ng gabi dumating si slater. Narinig naman ni tin ang pagpark nito ng kotse kaya kinuha niya ang pitong aso at pinasok silang lahat sa isang guest room sa first floor.

"Hi slater!!" masayang bati ni tin nang sinalubong niya ito sa may pinto

Agad agad ay naghinala na si slater na may kakaiba kay tin . Tumaas ang isang kilay nito. "Hmm.. anong pinagkakaabalahan mo tintin?"

"Wala nagluluto lang ako unless gusto mo na matulog?"

Lalong tumaas ang isang kilay ni Slater "Matutulog ng 7pm? Manonood pa ko ng basketball game eh"

"Ah.. sino ba maglalaro? B-MEG ba?" 

"Hindi, Ginebra... yung favorite team ko"

"Ahh... dun ka nalang manood sa room mo ha? dadalhan nalang kita ng food dun pati ng beer"

"Ha? Eh bakit ba? gusto ko manood dito sa sala para mas malaki yung TV" ani slater. ang tinutukoy niya ay ang 72" na LED TV sa sala

"Sige na Slater, please? manonood kasi ako ng teleserye.. gusto ko din sa malaking TV"

Hindi matiis ni slater si tin dahil sobrang cute nito habang nakikiusap at nagbi-beautiful eyes pa. Lumapit siya kay tin hinapit ito palapit sakanya. Hinawakan niya ang malambot at makinis nitong pisngi at inilapit ang mukha niya dito. "Sige sa taas na ko, pero anong kapalit?" nangtutukso nitong sabi

*Smack* Si tin na ang humalik kay slater sa lips. Smack lang naman at sobrang bilis lang. Hindi niya rin kasi matiis ang panunukso nito. Pagkatapos ay itinulak na niya ito paakyat ng hagdan.

"O..nakuha mo na kapalit ng favor ko...diyan ka lang sa taas ha..wag kang bababa" utos ni tin sa asawa

"Eh bakit ba kasi ako bawal bumaba?" nangiinis nanaman si slater. Malaking malaki ang smile nito dahil sa halik ni tin.

"Ayoko makita mo yung papanoorin ko eh" pagmamaktol ni tin

"Halaaa..ano ba yan tintin.. porn yan no? Ikaw talaga tintin" tawa ng tawa si slater habang umaakyat ng hagdan. Sa mga ganitong pagkakataon ay nagmumukha siyang mas bata kesa sa edad niya. 

"Shut up..akyat na dali.. shoo!" natatawa ring sagot ni tin

Love-an o Bawi...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon