Nasa may restaurant si Slater sa may Manila Bay, kakatapos lang nilang maglunch ni Mr.Ushimi, pumayag na itong ibigay kay Slater ang contract kung papayag si Mr.Romero. Ibig sabihin ay kung pumayag si Mr.Romero, wala nang problema at sakanya na ang project.
Nagring ang telepono niya at excited siyang sagutin ito sa pagaakalang si Tin ito. Excited siyang sabihin ang good news niya kay Tin. Sa halip ay napakunot ang noo niya dahil si Venice ang tumatawag.
"Ven, bakit?" pormal na sabi ni slater
"Slatey, I'm back in Manila..pwede ba tayo magkita?" maharot na sabi nito over the phone
"I can't kakatapos lang ng meeting ko dito sa may manila bay"
"Manila Bay? I'll be there in 5 mins."
"F*ck, bakit mo kasi sinabi kung nasan ka" ani slater sa sarili
Dumating si Venice na naka short shorts at tube. Mapapagkakamalan itong GRO minsan kesa sa modelo. hehe. Agad siyang lumapit kay slater na nakasandal sa may kotse nito.
"Slatey, I missed you!!" niyakap ni venice si slater pero marahan naman itong tinulak ni slater papalayo.
"What brings you here? Anong kelangan mo sabihin sakin?" tanong nito kay venice
"umm.. gusto ko lang sabihin na.. I think we should get back together. Pinapatawad na kita sa pangiiwan mo sakin to marry that woman"
"Are you crazy? You want to be my mistress?? (by the way showing na po ang THE MISTRESS ni JLC and Bea sa Sept.12) I'm married venice!"
"I don't think you love her! I think your marriage is just for convenience"
"Hindi mo alam ang sinasabi mo ven" Aalis na sana si slater nang yakapin siya ulit ni venice at hinalikan sa lips.
Dahil sa lalaki lang si slater ay nadala siya sa paghalik ni venice. Sabi nga nila, pag palay na ang lumapit, mahirap tumanggi. Maya maya pa ay napaisip siya, hindi siya ginaganahan halikan ang babaeng ito. Masyadong patpatin at hindi masarap yakapin. Doon niya naisip ang dahilan, hinding hindi magiging si Tin si Venice at si Tin ang gusto niya. Sa puntong yun ay kumawala siya sa yakap ni venice at itinulak ito.
"I'm sorry venice..I can't do this to my wife" tumalikod na siya kay venice at pabalik na sa kotse niya
"Nako slater, kilala kita diba sabi mo ayaw mo ng pamilya? Let's see kung hindi magsisi pag nabuntis mo si tin and you're stuck with her forever, peperahan ka lang niya para sa sustento ng bata" galit na galit na sabi ni venice pero hindi na lumingon pa si slater at umuwi na.
-------------------------------------------
Malungkot na umuwi si tin dahil hindi naapprove ng bangko ang loan niya para sa expansion ng business niya. Pagdating niya sa bahay ay nakita niya si slater na nasa kusino. Dumaan muna siya dito.
"Hi tintin! How was your day?" masayang bati nito sa kanya
"Badtrip ang araw ko...ano yang niluluto mo?"
"Siguro naman mapapasaya ka nitong niluto ko, shrimp crabs saka fried rice...and salad"
"Thanks.. sige magbibihis lang ako ha"
"Wag na..tapos na ko magluto.. tara na dito" Hinila niya si tin sa kamay at pinaupo sa dining table
"Umm tin" ani slater habang kumakain sila
"Yes?"
"May sasabihin sana ako eh"
"Ano yun?"
"Si venice dumating na siya.."
"And?"
"Pinuntahan niya ko kanina dun sa may Manila Bay after ng meeting ko with Mr.Ushimi"
"And?"
"She kissed me" mahinang sagot ni slater
"Bakit sinasabi mo sakin to?"
"Cos we have a deal na bawal makipag-intimate act sa iba while we're married"
"Hmm.. anong ginawa mo nung hinalikan ka niya?"
"Tinulak ko siya.." proud na sabi ni slater
"Agad?"
"Nope....after a few minutes"
"I see..." ang tanging nasabi ni tin saka tumayo "Di na ko nagugutom"
"Anong problema eh tinulak ko naman siya"
"Hello slater..keyword..after a few minutes..meaning pumayag ka at nagenjoy ka pa"
"Tintin.." habol ni slater pero nakaakyat na ito sa kwarto niya
--------------------------------------------
Ilang araw ang lumipas na hindi nagiimikan ang dalawa. Minsan ay naguusap sila pero civilized conversation lang. Iniiwasan ni tin si slater kaya't kahit sa bahay nila ay madalang sila magkita. Si slater naman ay miss na miss na si tin, ang pagtawag nito sakanya kahit nagtatrabaho siya para sa mga nonsense na bagay, ang paglalaro nila gabi gabi ng iba-ibang board games at card games at iba pa. Minsan nga ay napapanaginipan pa niya ito.
Napagkasunduan nilang sabay pumunta sa birthday dinner ni Mr.Romero ngayong gabi. Sabay nga silang pumunta pero nang makarating sila sa party ay hindi hinihiwalayan ni Carlo si Tin. Halos buong gabi itong sinasayaw ni carlo at hindi ito nagugustuhan ni slater.
"May problema ba kayo ng husband mo?"
"Tampuhan lang" sagot ni tin kay carlo
"So go and fix it"
"Naku...leche kasi mga lalaki" iritang sabi ni tin
"Well, not all.." depensa ni carlo
"Nako...ibibigay ko talaga number ni wendy sayo.. call her ha!"
"Fine...match maker ka pala" ani carlo at sabay silang tumawa
Hindi na matiis ni slater ang mga nakikita. Lumapit na siya kela tin at carlo na sumasayaw. Tinapik niya si Tin sa balikat.
"Aalis na ba tayo?" tanong ni tin kay slater
"Yes let's go. Thank you for inviting us Carlo, and Happy Birthday again" hinila na niya si tin kaya wala nang chance itong magpaalam kay carlo.
Nakangiti si slater habang nagmamaneho pauwi dahil may plano na siyang ituloy ang honeymoon nila ngayong gabi.
BINABASA MO ANG
Love-an o Bawi...
Hayran KurguIn most Love Stories, Marriage is the Happy Ever After..For some..it is just the beginning...