Nagku-kwentuhan pa si Tin at Carlo tungkol sa paboritong sport ni tin na tennis nang makarating ang mga ito sa main ballroom. Tawa nang tawa si tin habang naka-angkla pa rin ito sa braso ni Carlo. Ang hindi nila alam ay pinapanood sila ni slater na kanina pa naghahanap sa kanyang asawa. Naiirita si Slater na parang enjoy na enjoy si Tin sa piling ni Carlo kaya lumapit na siya sa mga ito.
Nang makarating siya sa kinaroroonan nila Tin ay agad niyang inakbayan ang asawa. Agad naman bumitaw si tin sa braso ni Carlo.
"Slater, nagkwe-kwentuhan lang kami ni Mr.Romero, hindi pa kayo nagmi-meet in person right?"
Nagtitigan lang si Carlo at Slater na para bang nagsusukatan at magsusuntukan pero narealize ni Slater na hindi makakatulong ito sa gusto niyang mangyari kaya siya na ang naunang bumati "Mr.Romero, kamusta na? I see you've met my wife"
Nag-shake hands ang dalawa at hindi naman maintindihan ni tin kung bakit parang naiirita si slater.
"Congratulations Mr.Young, Sabi ni Christine ilang araw palang kayong kasal. Siya nga pala, it seems na tingin ni Lauren perfect ang company niyo para sa project namin. I think we should set a meeting to go over your ideas"
"Thank you. Tatawagan ko ang secretary mo for an appointment"
"Good" ani carlo "By the way, I'm having a small birthday party for a few close friends two weeks from now, Are you free?" tanong ni Carlo kay Tin
Agad namang humarap si Tin kay Slater at nagtanong "Slater, are we free?"
Niyakap ni Slater si Tin galing sa likod at pinatong ang mga kamay niya sa tiyan nito. "We'd love to come" sagot ni Slater kay Carlo
"Good, 8 o'clock then.. Enjoy the party" sagot ni Carlo saka ngumiti kay Tin at naglakad na papalayo
Nang makaalis na si Carlo ay parang nag-iba naman ang mood ni Slater, agad nitong binitawan si tin "Let's go" maikling sabi nito.
Walang nagawa si Tin kundi sumunod nalang sa asawa na parang nagmamadaling umalis sa party. Galit man si Slater ay nakuha pa rin nitong alalayan si Tin papasok ng kotse. Habang nasa biyahe sila ay hindi nagsasalita ang lalaki.
"Ang sarap nung food no?" basag ni tin sa katahimikan
Sumimangot lang si Slater at hindi ito sumagot.
"Kamusta naman ang gabi mo, nakapagset ka ba ng meeting with Mr. Ushimi?" tanong ulit ni Tin
Hindi nanaman sumagot si Slater sa halip ay lalo lang niya pinabilis ang takbo ng sasakyan dahil malapit na sila sa bahay.
"Slater, may problema ba?" naiinis na rin na tanong ni tin kay slater
Pinarada na ni slater ang sasakyan sa loob ng gate saka pinatay niya ang makina. Saka lang ito humarap kay tin. "Ang problema tin eh yung pakikipag-flirt mo kay Mr. Romero sa party, ano nalang ang sasabihin ng mga tao dun pati ng mga kaibigan ko?"
"Oh my gulay! ang kapal mo rin ah.. Ikaw kaya humingi ng favor na kausapin ko siya. At naka-set ka naman ng meeting sakanya diba anong problema mo?" hindi na rin mapigilan ni tin ang pagtaas ng boses niya
"Ang sabi ko small talk hindi makipag-flirt ka openly in public...at pwede ba wag na tayo pumunta sa birthday dinner nya"
"Eh di wag kang pumunta pero pupunta ko! Masaya siya kasama at wala naman kaming ginawang masama kaya wala akong nilalabag sa deal natin"
"Hindi ka pwede pumunta dun na wala ako"
"Pupunta ako kung gusto ko okay, sinusunod kita sa maraming bagay slater...but not with this one" lumabas na si tin ng kotse at binagsak niya ang pinto nito. Nagmamadali din siyang pumunta sa kanyang kwarto dahil nangingilid na ang mga luha nito.
"Shit Slater bakit mo ba sinabi yun? You're acting like an obsessed and jealous husband" sabi ni slater sa sarili.
--------------------------------------------------------------
"Ma, Pa... tulong po namin ni Slater to sainyo..pangbayad po sa mga utang ninyo at pangtulong na rin sa tuition ni kuya, Of course pangbili din ng mga gamot ni papa" ani tin sa magulang niya habang iniaabot niya ang sobre na may lamang two hundred thousand pesos.
"Naku naman tin, hindi namin matatanggap to. Sobrang laking pera nito. Baka isipin ni Slater pabigat kami sakanya. Bagong kasal palang kayo tapos ganito. Isa pa diba mageexpand ka ng business mo?" mahabang litanya ni Mrs.CP sa anak
"Naku mama, wala naman pong problema. Madaming pera si slater at hindi naman siya madamot eh, yung sa business ko naman..ako na po bahala dun. May isang condition lang po, ayaw po sana niyang mabanggit pa ito, ayaw niya kasi gawing malaking issue pa to"
"Sige anak, pero sabihin mo na maraming maraming salamat ha? Hulog kamo siya ng langit" ulit ni Mrs.CP
"Sure Mama" sagot naman ni tin
----------------------------------------
Kinagabihan ay nagkita naman si Wendy at Tin sa paborito nilang cafe. "So kamusta naman kayo ng kuya ko? Kelan kaya ako magkakapamangkin?" biro ni wendy
Nagblush si tin..kasing pula ito ng kamatis at hindi nakasagot kaya't natawa si wendy ng malakas. "Yuck tin! Siguro gusto mong makipag-s*x sa kuya ko no? Ewwness ka bakla..hahaha"
"Wala akong sinabing ganun no!" depensa ni tin
"Pero aminin type mo siya no?" pang-uurat pa ni wendy sa kaibigan
"Hindi ah, ang bossy bossy ni slater eh..." depensa ulit ni tin
"Kunwari ka pa diyan...o ayan na pala eh"
"Ayan na pala alin?"
"Si kuya.."
"Ha? ininvite mo si slater?"
"Oo, bawal ba? gusto ko rin naman siyang makita no..."
Pumasok si Slater sa Coffee shop at agad niyang tinungo ang dalawa. Pigil hininga si Tin dahil sobrang gwapong nilalang naman talaga nito. Perfect ang itsura na para bang cut-out sa cosmo magazine.
"Ay sus, tintin...wala daw gusto kay kuya pero kung makatitig ka akala mo faney lang" tukso ni wendy kay tin
"Tin,Wends" bati ni slater sa mga ito ng makarating ito sa table nila
"Dito ka kuya o sa tabi ni tin, Order lang ako ng coffee for you" ani wendy saka tumayo ito
Nang pumunta si wendy sa counter para umorder ay hinarap ni slater si tin.
"Look tin, I'm sorry for what happened the other night.. I didn't mean to imply that you were flirting with Mr. Romero, truce?" nakangiting sabi ni slater saka nilahad ang kamay nito
"Sure" kinamayan ni tin si slater
"O friends na tayo ulit tintin ha.. dahil diyan ipagluluto kita mamaya" masayang sabi ni slater
"Wow.. sige gusto ko yan" Sang-ayon naman ni Tin kay Slater
BINABASA MO ANG
Love-an o Bawi...
Fiksi PenggemarIn most Love Stories, Marriage is the Happy Ever After..For some..it is just the beginning...