Chapter 18

1.3K 33 10
                                    

The Possessive Mafia Billionaire

Chapter 18

Scarlet Hera PoV

Ng makapasok ako sa opisina ni Shean napatigil ako dahil sa ganda at lawak ng loob nito. Makikita mo rito ang isang color gray office table na sa tingin ko ay mamahalin. Sa likod ng kaniyang table ay makikita mo ang napakagandang tanawin dahil gawa ito sa salamin makikita mo rito ang mga tao at sasakyan na nasa ibaba ng building. Meron ring sala ang opisina niya. Pag tumingin ka sa kaliwa may tatlong pintuan ang nandoon. Siguro'y cr ang isa roon.

Sa bandang kanan naman ay may tatlong malalaking picture ang nakasabit sa ding ding. Sa unang larawan ay naroon ang mama, papa at mga kapatid niya na sina jhay at A-Aaron. Sa pangalawang litrato naman ay naroon silang mag kakapatid. At ang huli at nasa gitna ay ang solo pic ni shean na naka formal attire.

"Good morning Scarlet"

Agad namang napatigil ang mata ko sa pag lilibot at napa dako ito sa lalakeng naka tayo sa aking harapan. Ang tayo at tindig niya ay nag susumigaw ng authoridad at kapangyarihan.

"G-good morning S-sir" hindi ko alam kung bakit ang lakas ng loob na inipon ko kanina ay biglang nag laho na parang bula.

"Is there any problem in your orientation earlier?" Anito at umupo sa office table niya. Ehem may upuan naman po bakit sa table ka pa umupo. Aish. Joke.

Nakasuot ito ng business attire na kung titignan mo simple pero halatang mamahalin.

Ngayon ko lang napansin na may hawak pala itong ballpen. Nilalaro niya ito sa kaniyang kaliwang kamay.

"Ah wala naman po sir"

Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya kaya pasimple akong umiwas ng tingin. Nakaka intimida ang mga titig niya. Animo'y may nais sabihin ang kaniyang mga mata.

"Hmmm good. I will be looking forward for your good work" walang emosyong anito at tsaka tumayo at nag tungo sa upuan niya. Inilapag niya ang ballpen na hawak niya sa tabi ng mga papel na nasa mesa niya. Nakita ko ring isinuot niya ang salamin na nasa kanang bahagi ng lamesa niya. Ng isuot niya ito mas lalong lumitaw ang ka gwapuhang taglay niya. Hindi ko aakalaing babagay pala ito sa kaniya. Mukha siyang abogado na kaya kang ipaglaban sa ano mang laban.

"Thank you sir"

Tumingin ito sa akin at bahagyang sumandal sa kaniyang upuan.

Honestly he looks hot. Ugh ano ba tong pumapasok sa isip ko.

Stop it Scarlet.

"You can start your work now." Anito habang nakatingin ng mariin sa akin.

Nakakailang.

"Ok sir"

Nag bow ako ng kaunti upang mag pakita ng galang atsaka nag tungo sa pinto at lumabas.

Pag kalabas ko ng pinto parang doon lang ako nakahinga.

Parang gumaan pa ang pakiramdam ko.

IT'S already 11:59 am and one minute na lang lunch break na. So far ok naman yung work ko. Sa isang oras kong nakaupo sa table ko pag eedit ng proposal plan at pag eencode lang ang ginawa ko. Wala namang meeting ngayong umaga si sir shean dahil ayon sa planner ko mamayang 1:00 pm pa ang meeting niya with Mr. Clad Sison.

Ayon kay ma'am elina nakadepende raw sa ceo kung isasama niya ako sa mga business meetings niya outside the company.

Kaya hindi ko sure kung sasama ba ako sa kaniya. Siguro hihintayin ko na lang ang sasabihin ni sir shean.

The Possessive Mafia BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon