The Possessive Mafia Billionaire
Chapter 17
Scarlet Hera PoV
Isang linggo na ang nakakalipas...
At nandito na ako sa tapat ng Willford Enterprise... Hindi ko itatanggi na napakalaki ng kompanya ni shean at napaka lawak. Bumibisita din ako sa kompanya ni Aaron noong kami pa pero hindi ito kasing laki ng kompanya ni shean.
Haysss Aaron na naman nakakainis kang isip ka ha. Pwede ba wag mo na isipin yung lalakeng yun.
Tinignan ko ang relo ko at 8:20 na pala may sampung minuto pa ako kaya wala na akong sinayang na oras at pumasok na.
Ng malapit na ako sa entrance dalawang security guard ang pumigil sa akin.
"Ah ma'am bawal po pumasok ang hindi nag tratrabaho dito"
"Ahh kuya baguhan lang po ako dito Secretary po ako ni Shean i mean sir shean"
"Ganun po ba ma'am? Pwede ko po bang makita ang id niyo?"
Agad ko namang kinuha ang id ko sa bag at ibinigay sa guard.
Tinignan naman ng guard yung id ko at pag katapos ibinigay naman niya ito pabalik sa akin.
"Sige ma'am pwede na po kayong pumasok. Welcome to Willford Enterprise ma'am"
Ngumiti naman ako pabalik dito.
"Thank you po! Sige po mauna na ako"
Agad na pumasok na ako sa building dahil 7 minuto na lang ang meron ako.
At dahil nga baguhan ako sa companyang ito. Hindi ko pa alam ang pasikot sikot dito. Pero nung kahapon tumawag sa akin ang dating secretary ni shean. Sinabi niya sa akin ang mga dapat at hindi ko dapat gawin. Sinabi niya rin sa akin ang dapat suotin. At sabi niya hihintayin niya raw ako sa harap ng elevator dahil ituturo pa niya sa akin ang mga kailangan kong gawin bilang Secretary.
Ng tuluyan na akong makapasok sa building agad ko namang natanaw ang dalawang elevator. Wala na akong sinayang na oras at agad na nag tungo dito. Tinignan ko ang paligid kung nandito na ba yund dating Secretary ni shean pero mukhang wala pa dahil wala namang nakatayo rito at ang mga empleyado dito ay may kaniya kaniyang ginagawa.
"Ms. Davis?"
Agad naman akong napabaling sa kanan ko ng narinig kong tinawag ang apilyedo ko.
"Ako nga po"
Ani ko sa babaeng kakarating lang at sa tingin ko ay nasa 30's na ang edad nito.
"Hello Ms. Davis I'm sorry im late. May ipinagawa pa kasi ang ceo sa akin kanina kaya ngayon lang ako nakarating. By the way i am Elina Santiago ako ang mag a assists sayo para sa pagiging secretary mo. So let's go madami ka pang dapat na matutunan. Wag kang mag alala sure naman akong matututunan mo itong lahat." Nakangiting ani niya sa akin.
Buti na lang mabait siya at mukang mapasensiyahing tao. Mukang hindi naman ako mahihirapan sa magiging bagong trabaho ko. Mas ok na rin toh para makalimot.
Bagong trabaho. Bagong buhay.
SA ilang oras naming mag kasama ni Ms. Elina masasabi kong mabait talaga sita at mapasensiyahing tao. Habang inililibot at ipinapaliwanag niya sa akin ang mga kailangan kong gawin ay mahinahon niya itong sinasabi at agad ko naman itong naisasaulo dahil magaling akong mag memorya ng mga bagay bagay.
"And last but not the least this is the 50th floor nandito ang office ng ceo at dito naman naka pwesto ang desk mo."
Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng palapag na ito ang buong palapag na ito ay opisina lamang ng ceo. Napakalaki at napakalawak.
Nahagip rin ng aking mata ang ma ayos na lamesa na nakapwesto malapit sa pintuan ng opisina ng ceo na walang iba kung hindi si Shean.
Naipaliwanag na sa akin Ms. Elina ang mga kailangang kong gawin at nailibot niya na rin ako sa ibang palapag pero di pa namin nalilibot ang ibang palapag dahil kung lilibutin pa namin ang ibang palapag ay baka bukas na kami matapos.
"I think you are now ready to be a secretary" malaking ngiti ang iginawad ni Ms. Elina sa akin kaya napangiti rin ako nung college ako never pumasok sa isip ko ang mag trabaho sa kompanya dahil ang pangarap ko talaga ay maging isang guro.
"Salamat po Ms. Elina"
Ngumiti ito ng malawak sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"The CEO is waiting for you behind that door. You can do it ija i know you can. I gotta go. Good luck ija."
Kumaway ito sa akin at nag tungo sa elevator na sinakyan namin kanin papunta rito.
"This is it Scarlet you can do it."
Agad kong tinungo ang pintuan ng opisina ni shean at kumatok ng tatlong beses.
"Come in"
Binuksan ko ang pinto at pumasok.
___________________________________
Sorry for the late ud guys but i hope you still support this book kahit ang tagal kong mag ud HAHAHA anyways comment down below kung ano sa tingin niyo ang susunod na mangyayari.
#TeamAaron or #TeamShean?
I hope you did enjoy this chapter!
Thank you guys sa patuloy na pag hihintay!
pasensiya na sa mga
GRAMMATICAL ERRORS,TYPOS AND ETC.please support my other stories
SOLD TO MR BILLIONAIRE
(SYLVESTRE SERIES #1)THE POSSESSIVE BADBOY
(SYLVESTRE SERIES #2)YOU CAN ADD ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
FACEBOOK: Nadine Villamil Wp
I.G:khillerhaven
Twitter:khillerhaven
Dreame:NadineVillamilPLEASE LIKE AND VISIT MY FACEBOOK PAGE:
https://www.facebook.com/pg/NadineVillamill/posts/
Don't forget to vote and comment!
THANK YOU GUYS FOR YOUR SUPPORT
-NadineVillamil-