hi gals!
masyadong busy sa school kaya ngayon lng nakapag-update :3 Sarreeeh! ^.^
comment and vote pleyss?
-------------
pero sa hindi inaasahang biro ng tadhana, mas masasabing mas pinalad si Nica kaysa sakanya.
mayaman na ito ngayon dahil mayaman si Khalid.
dahil sa pagkahilig nito sa motor at sasakyan lumago ang buy and sell business nito ng mga sasakyan.
may mga paupahan naman ito na mga buildings at apartment dahil sa namang ari arian sa kanyang mga magulang. bukambibig ni Khalid si Nica dahil sa sya daw ang lucky charm nito.
magkabaligtad ang kanilang mga tadhana. she explored her world pero napahamak naman sya sa sobrang lakas ng loob nya.
She had the most painful experience among them two.
pero hindi sya naiinggit kay Nica dahil deserving naman nitong magkaroon ng magandang buhay. at sa pagkakaroon nito ng maayos na buhay, nadadamay narin sila ng kanyang anak.
wala syang maaring sisihin sa mga nangyari sakanya kundi ang kanyang sarili.
she fell inlove with wrong person at a wrong time. but there was onething that she didn't regret,
having a child because of that mistake. anak na kailan man ay hinding hindi malalaman ni Tyron
magmula ng umalis sya sa ZacharyGC nang walang paalam, hindi na sya nakibalita pa tungkol sa kompanya o tungkol kay Tyron.
Ni hindi sya nagbabasa ng lifestyle columns ng mga broadsheets para maiwasang makabasa ng anuman tungkol sa lalaki
ang pinaka hulingtaong nkita nya na may kaugnayan sa kompanya ay si Angelee na receptionist sa ZGC.
Angelee saw her with Niel.anim na buwan na syang buntis noon. napagkamalan pa ni Angelee na asawa nya si Neil, bagay na hind nya pinasubalin
Kaya daw pala bigla syang nawala dahil sya ay nag asawa na.
Puro ngiti ng ang isinagot nya ka Angelee.
Mabilis narin nyang niyaya palayo si Neil bago pa mangulit si Angelee.
Ayaw nyang may malaman ito tungkol sa kanya at ayaw rin nyang malaman tungkol kay Tyron, ayaw na nyang dagdagan ang sakit ng loob na kanyang nararanasan.
Ang kanyang anak ang pinakamagandang nangyari sa buhay nya. Napangiti nalamang sya ng maalala nya si Ecko.
Lagi nyang ibinibilin sa tagapag-alaga nitong si Mikee na-Itext agad sya kung sakaling magkaproblema, kahit kaunting sinat lang, agad syang uuwi.
Ecko was very sweet buit also a very naughty boy. and he was so handsome, Carbon copy nito ang kanyang Ama at paglaki nito ay lalong lulutang ang features ni Tyron dito.
Matagal na nyang binura sa isip at puso si Tyron Zachary. hindi nya ito dapat pag-aksayahan pa ni katiting na panahon para isipin.
pero paano nya gagawin yon, kung tuwing titignan nya si Ecko, para na nyang nakikita si Tyron?
Ecko just turned Five years old. Nasa Kinder II na ito sa isang day care sa Plaridel, Bulacan.
Her son was the very reason why she was always looking forward to weekends. Kapag Biyernes ng gabi, umuuwi sya sa Bulacan. kapag lunes naman ng madaling-araw, nadudurog ang puso nya tuwing iiwan nya itong natutulog pa.
ang pasalamat nalang nya, napagkakatiwalaan nyang lubusan si Mikee. Parang anak narin ang turing nito kay ecko. Malayong kamag anak nila si Mikee na hindi nag ka asawa.
malapit naman ang bahay nina Nica sakanila kaya kapag walang pasok ay doon nalalagi si Ecko sa mga ito kalaro ang tatlong pinsan nito.
kung buhay pa ang mga magulang nya, hindi nya alam kung paano tatanggapin ng mga ito ang pagiging dalagang ina nya.
pero siguro, kagaya ni Nica, madali ring mauunawaan ng mga ito ang nangyari.
Nasa elmentary level palang sila ng kambal nya ng mamatay ang mga magulang nito dahil sa isang aksidente.
Bumibili ang mga ito ng mga dry goods sa manila para ibenta na kanilang pangkabuhayan nang maaksidente ang mga to.
Dahil sa tulong ng kanilang tita Melody ay kinupkop sila at inalagaan. pinag aral narin sila ng mga ito. at dahil sa naiwang negosyo ng mga magulang nila na pinagpatuloy ng kanilang tiyahin ay hindi nila naranasang magutom.
--------------
Vote and comment pleyysss? :)
BINABASA MO ANG
Just One Last Chance
RomanceIt''s been a years simula nung nangyari ang pinaka worst na pangyayari sa buhay ko,parang kahapon lang?Walang nagbago.Sobrang sakit parin.all i did is to love and assumes to be loved by the person na alam kong hinding hindi ko kayan...