Part I

25 0 0
                                    

“You want me to marry that woman dahil lang sa naudlot na pagmamahalan nyo ng matandang hukluban na ‘yon, Grandpa? Wow! This is great! I can’t believe it! Sarili kong kaligayahan itataya mo para lang dyan sa gusto nyo?” halos magwala na sya sa harap nito sa sobrang frustration.

Kasalukuyan silang ipinatawag ni Don Celestino para basahin ang last will testament nito. At ang sobrang ikinagagalit nya ay ang gusto nitong mangyari bago ipamahala sa kanya ang kompanyang maiiwan nito. At bilang nag-iisang apong lalaki sa nag-iisang lalaking anak nito ay sya ang naatasang mamahala ng lahat ng nakapangalan dito. Ang mapupunta kay Klaire na kanyang kaisa-isang kapatid ay ang mga ari-arian na nakapangalan naman sa Lola nila na pumanaw na sampung taon na ang nakakaraan. Naiwan sila sa pangangalaga ng kanyang Lolo ng matapos mamatay sa aksidente ang kanilang mga magulang. Doon ay unti-unting nagbago ang pananaw nya sa buhay.

“You’ll marry her granddaughter and that’s final! Don’t you dare shout in front of me young man! At ano sa tingin mo ang ipinagmamalaki mo?” ano pa bang aasahan nya sa Lolo nya e eto naman halos ang nasusunod. He gritted his teeth.

“I’m not gonna marry that woman. I beg you, Lo Please, alam mo namang may girlfriend ako.” Halos maiyak na sya sa pagmamakaawa rito.

“Huh! ‘Edi lumabas din ang totoo na kinalolokohan mo nga ang gold digger na ‘yon! Buo na ang desisyon ko. Pakakasalan mo sya o mapupunta sa kanya ang mana.” Sabi nito bago tuluyang lumabas ng study room.

Awang-awa man si Klaire sa Kuya nya ay wala naman syang magawa para rito. Besides she doesn’t want his girlfriend to be part of the family. Maging sya ay ramdam nya na hindi ito gagawa ng maganda at gusto nya rin itong ilayo sa isang oportunista. Di hamak naman na pipiliin nya pang makasama ang Ate Eira nya. Kahit hindi ito totoong pamilya ni Lola Ingrid at dalawang taon ang tanda nito sa kanya ay hindi iyon nagging hadlang na magkamabutihan sila. Minsan nga’y ito pa ang nagtuturo sa kanya ng kanyang mga aralin nuong mga panahon na isinasama sya ng Lolo nya para bisitahin ang Lola nito.

My SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon