Part IX

6 0 0
                                    

Napatiim bagang si Kiro sa pangyayari. Hindi nya ineexpect ‘to. Ilan taon na ba ang nakalipas? 6 years? 7 years? Ewan hindi nya maalala. Hindi na importante iyon. Masyadong maliit ang mundo para pagtagpuin muli ang landas nila. And of all woman bakit si Eira? Nabigla sya, nakakagulat. Natawa sya ng mapakla bago tinanggap ang kamay nito.

“My pleasure.” Tiningnan nya ang mga matang dati na ay walang kaemo-emosyon. Same Eira as before. Still stunning, gorgeous and beautiful. Bagay na bagay pa rin dito ang natural na buhok netong medyo nakakulot sa ilalim, ang maliit at maamo nitong mukha, ang labing mamula-mula, kung pa’no ito kumurba kapag naiinis sa kanya at ilang gabing hindi sya pinatulog dahil sa kapangahasan nyang matikman iyon. Tumingin sya sa kamay nito, katulad pa rin dati sobrang lambot. Hindi nya pa rin maalis ang tingin nya rito, puno pa rin sya ng panghihinayang.

“Ahm, I think ready na po dinner. Let’s eat.” Nakangiting sabi nito. Ni hindi man sya sinusulyapan nito. Bakit? Sobrang ayaw ba nito sa kanya? Napatiim bagang sya.

Habang kumakain ay tahimik lang sila. Panaka-naka ay sumusulyap sya rito pero nananatiling nakatungo lang ito katulad ng dati tuwing makikita nya ito. Hindi sya pansin, dito lang sya walang kaappeal-appeal. Hindi nya maiwasang hindi alalahanin ang nakaraan kung saan unang beses syang nagseryoso at nainlove.

Huling taon nya noon sa kolehiyo. Unang pasukan noon at freshman ito. Nasa business art building sya sa may pathway ng makita nya itong bumaba ng kotse may kasamang dalawang nakaalalay sa kanya. Na pilit sumasama sa kanya sa loob pero mukhang pilit din nyang pinipigilan. Kahit nakasimangot ay maganda talaga ito. Hindi nito pansin ang mga lalaking nakapaligid sa kanya at nakatingin.

Hindi nya pinansin ang unang araw na iyon. Makalipas ang ilang lingo ay saka naman nya ito laging nakikitang patagong natutulog sa sulok ng library sa pagitan ng book shelves at dahil malaki ang library ay hindi sya masyadong pansin. Minsan ngay panaka nya pa itong kinukunan ng picture. Ang ganda nyang matulog, hinahaplos-haplos nya rin ang pisngi nito na mamula-mula siguro ay dahil sa maiinit sa sulok na iyon.

Kapag kasama nito ang kanyang mga kaklase ay sya ang lagi nyang tinitignan mula sa malayo habang abala lang ito sa pagbabasa ng libro at ni hindi alintana ang mga nakapaligid sa kanya. At doon ay lagi syang tinutukso ng kanyang mga ka-teammate. Nang makita nyang tumayo ito ay pasimple nyang sinundan ito. Nagpaalam sya sa mga kateammate na may gagawin kuno sya. Napailing sya, as usual sa library na naman. Ang sipag talaga ng crush nya.

Nagkaroon sya ng pagkakataon na makalapit dito ng may pilit na inaabot ito na libro at medyo mataas ang book shelf. Napangiti sya.

“Bakit kasi ang liit mo?” sabi nya.

“Thank you.” Ni hindi ito nag-abalang tignan ang sya. Deretso lang ito sa upuan.

“Hey wait..” pigil nya. Napatingin ito sa kamay nya na nakahawak sa braso nya, tapos inalis nito. Ang snob nya talaga. Nakita nyang napasinghap ito.

“What? Something wrong?” inosenteng tanong nito. Nakita nyang bumuntong hininga ito.

“I’m Kiro Angeles.” Pakilala nya. It’s now or never. Nakangiting inabot nya ang kamay nya rito. Kumunot-noo nito. Gusto nyang panghinaan ng loob.

My SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon