Maya-maya ay dumating ang order nila. Akala nya’y nakaligtas na sya. Bago ito sumubo ay nagtanong ulit.
“Is he your first love, Ate?” muntik na syang mabilaukan sa sinabi nito. Inabutan sya nito ng tubig.
“Di ka talaga makokontento? Andami mong tanong, kumain ka na nga lang.” ansama ng tingin nya rito. Ngumuso naman ito.
“Para nagtatanong lang.” tapos inirapan sya nito. Hangga’t maaari ay ayaw na nyang balikan ang nakaraan. Naka-move on na sya wala na syang anumang nararamdaman. Part na yun ng kanyang kabataan pero sadyang mapagbiro lang talaga ang kapalaran nya dahil ngayon ay nararamdaman nyang nanganganib na naman sya. Okay na nga ba sya?
***********************************************************************************************
“Babe, I don’t have choice kundi pakasalan yung babaeng yun. You know part to ng plano ni Lolo, I just cant say no to him alam mo naman ang mga kondisyones nya. ‘di ko naman hahayaan na mapunta lang sa wala ang ari-arian ng pamilya ko.” Pangungumbinsi ni Kiro kay Shiela. Ang nag-iisang babaeng tumagal at nagtyaga sa kanya. Kahit naman pa’no ay nagkapuwang na rin ito sa puso nya at ramdam nyang mahal na nya ito. Kung kelan naman ready na sya magseryoso at balak na nyang pakasalan ito ay saka naman nagkaroon ng problema.
“Okay, but promise me na ako pa rin, na makikipag-annul ka rin sa kanya after mapunta sayo yung dapat na sa’yo. You know I can’t wait any longer.” Poise na poise ito. Bilang isang Fashion Designer and at the same time ay model ay nagfifit sa magandang standard ng pangangatawan nito ang career at yun ang isang asset na nakaakit sa kanya dito.
“Okay, alam mo naming hindi kita ipagpapalit na kahit na sino.” Paniniyak nya rito. Napataas kilay ito.
“And who’s the woman?” tanong nito.
“Well, someone from my Grandpa’s past. Apo ng first love nya.” Oo nga naman, sa sobrang inis nya sa Lolo nya ay ni hindi nya naitanong kung anong pangalan ng babaeng yon. “I’m also not interested. Mamaya we have dinner sa bahay nila.” Napatingin ito sa kanya kunot noo. Nagkibit balikat nalang sya.
Gabi na ng matapos ang pamamasyal nila ni Klaire. Kundi pa sya tinawagan ng Mamu nya na may importanteng bisita sila ngayong gabi ay hindi pa sila maghihiwalay ni Klaire.
Sa may corridor pa lang ay rinig na rinig na nya ang tawanan sa loob ng bahay. Medyo nakahinga sya ng maluwag ng makita nyang si Lolo Celestino lang ang nasa sala.
“Good evening my sweet oldies..” humalik muna sya sa Mamu nya bago nagmano kay Lolo Celestino.
“Ang ganda mo ngayon lalo Hija.” Nakangiting puri nito sa kanya.
“At lalo kayong naging bolero ngayon, Lo.” Balik sabi nya rito na syang kinatawa ng dalawang matanda.
“Sige na hija, mabihis ka na. Darating si Kiro to meet you. Dito sya magdidinner.” Sabi ng Mamu nya.
Hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya. Nagbabad muna sya sa bathtub at saka nya naramdaman ang pagod. Katok ng maid ang nagpagising sa kanya.
“Ms. Eira, andyan na po ang inyong bisita. Pinapatawag na po kayo ng Mamu nyo.”
“Okay, magbibihis lang ako ang I’ll be there na po. Thanks.”
Matapos mapili ang isang simpleng dress na crystal blue ang kulay, ay hinayaan nya lang nakalugay ang kanyang mamasa-masang buhok. Naglagay lang sya ng kaunting pulbos at lip balm. Huminga sya ng malalim bago lumabas. Habang pababa ng hagdan ay deretso ang tingin nya sa daan. Nakita nyang nakatalikod ng upo sa kanya si Kiro sa may living room.
“Oh, there she is.” Nakangiting sabi ng Mamu nya. Ngumiti sya pero ngiting praktis lang. Isa pa ay medyo kinakabahan sya. Nang makalapit sya ay nakita nyang bahagyang tumiim ang titig ni Kiro, animoy kinikilala sya.
“Hijo, sya ang sinasabi ko sayo na apo ni Ingrid. Meet Eira Merin, Eira, this Kiro Angeles, my Grandson.” Pakilala ni Lolo Celestino sa kanila. Napangiti sya ng mapakla.
“Nice to meet you Mr. Angeles.” Tagusan ang tingin nya saka inabot ang kamay dito.
BINABASA MO ANG
My Sanctuary
RomanceHindi maganda ang kinahinatnan ng unang pag-ibig ni Eira at Kiro para sa isat-isa. After seven (7) long years ay muli silang pagtatagpuin ng tadhana na parehong may kinikimkim na galit sa isat-isa. Magiging daan ba ang galit na ito para muling ibali...